UL Chapter 38: In One Restaurant

489 21 105
                                    

Patchie's POV


Tapos na ung mga klase ko. Napagdesisyunan namin ni Xerius kanina nung lunchtime na magkikita kami sa usual spot.


Nakarating na ako dun at wala pa siya. Sabi niya kasi mag ccr pa siya. Kalurkey.


"Sorry Patchie. Matagal ka ba naghintay? Kala ko kasi naiihi lang ako eh may kasunod pala kaya diretso na ako sa cubicle. Tas nangyari na nga ang di inaasahan tapos-" pinatigil ko na.


"I get it. Okay na. Tara na. Baka malate pa tayo. Remember, magpapaayos pa tayo." sabi ko. Kasi baka kung saan na makarating ung usapan namin kundi ko siya pinatigil


"Hahaha. Tara na. Sakto. Uwian na ni Xylie" tapos... O///O hinawakan niya ung kamay ko. Waaaah. First time atang mangyari to na may kaholding hands ako!!!


"Ui Patchie. Okay ka lang?" Okay lang ba ako? Parang gusto kasi lumabas ng puso ko. Nagpapalpitate ata ako. Masama ba to?


"Okay lang ako. Tara na". Shocks. Gusto ko takpan ung mukha ko kasi pulang pula pero ayoko bitiwan ung kamay niya T///T


Nabanggit ko bang nakakotse kami? Ang yaman rin talaga nitong lalaking to noh?


Before kami pumasok sa kotse niya eh pinagbuksan niya ako at binitawan na ang kamay ko. Waaaah! Bakit??


Ayun, medyo nakaget over na ako sa pagbitiw niya sa kamay ko at nakarating na kami sa botique ni Xylie.


Xylie's POV


Yehey!!! Tapos na ang klase ko at nag pahatid na ako sa driver namin papunta sa Botique ko.

Ung botique ko kasi may extension. Ung extension ay para sa mga VIP customers lang. Dun kasi eh puwede silang mag paayos ng hair and make up for free. Ung may bayad lang eh ung foot spa, hand spa, mani/pedi etc.


Dito ko balak ayusan si Ate Patchie. Awwww. Nakakatuwa talaga. Magkakagf na ang kuya ko. Oo ikeclaim ko na kasi gusto ko talaga si Ate Patchie. Yan kasi si kuya eh puro tingin lang kaya tuloy nabobokya. Saka dream ko rin talaga magkaroon ng older sister. Ung makakausap ko tungkol sa mga things na girls lang makakaintindi. Don't get me wrong. Close kami ni kuya pero di ko naman siya makakausap about girl stuff.


Anyways, habang ako'y nagpeprepare ng line up ng damit na susukatin ni ate Patchie eh dumating na sila.


"Kuya! Hello!"


"Hi Xylie. This is Ate Patchie. Patchie this is my sister, Xylie"


"Hello Xylie :)" sabi niya. Waaah!


"Hi Ate Patchie! I've been dying to meet you. Tara! Nakahanda na ung mga damit na gusto ko itry mo."


Patchie's POV


Ang dyosa naman ng kapatid ni Xerius. Nakakatuwa siya and napakabright and bubbly nung personality niya.

University Love Book 1Where stories live. Discover now