UL Chapter 13: Mother Daughter time

733 33 2
                                    

Patchie's POV

Infairness ang rami ko ng accessories. Kulang na lang earrings although di ako mahilig sa ganun. Hehe

Nakita ko na naman ung necklace, ang ganda talaga nung design. Ang suwerte ko talaga at napulot ng scavenger kong aso ang necklace na to.

"Patchie, dinner's ready" sabi ni mommy

"Coming" at bumaba na ako

So kumain na kami ni mommy.

"Wait, ano yang suot mo? Uso yang couple health bracelets na yan ah. Sa mall kasi kahapon dinumog yan. Sinong kapartner mo ha! Ikaw talaga di ka nagsasabi. May boyfriend ka na noh"

"Wala ah" daldal ni mommy, wait... Couple health bracelets ang tawag dito. At binigyan lang naman ako ni winsher. Unbelievable.

"Mapaglihim ka talaga. Di tulad nung bata ka pa, lahat sinsabi mo sa akin noon, hmp" tampururut na naman ang mother ko

"Sasabihin ko naman pag meron eh" sabi niya

"Kamusta na ung crush mo? Sino nga ulit un? Si achilles? Musta na?"

"Ah,, nililigawan na niya si sam."

"Oh? Ang ganda kasing bata nun eh"

"So ako di maganda? Huhu" sabi ko

"Maganda ka rin siyempre. Haha. Eto naman. So may bago kang crush?"

"Opo. Winsher ang pangalan niya."

"Gwapo ba at mabait?" Sabi ni mommy

"Opo at siya pa nga nagbigay nitong bracelet eh"

" ay sa tingin ko may gusto rin siya sa iyo, mejo nag aalangan lang siya" sabi ni mommy. Ha

"Pano niyo po nasabi?"

"Based sa actions niya. Nagbibigay palang siya ng hints. Ayaw pa niya ifull blast na ligawan ka. Di tulad ni achilles na linigawan na agad si sam

" bakit naman kaya?"

"Sa tingin ko, kakagaling lang niya sa isang relasyon na di nagworkout. Kaya natatakot pa siyang sumubok ulit sa pag ibig"

"Ah, anggaling niyo mommy ah"

"Mga natututunan ko sa pakikinig ng radyo. Alam mo anak. Ganyan rin daddy mo sa akin kaya baka pareho lang. Kaka break lang nila nung ninang mo na si Stacy nung magkakilala kami"

"Oh? Naging sila?? "

"Oo naging sila ng ninang stacy mo. So ayun, matagal bago siya nanligaw. Mga three months din. Tapos nagulat na lang ako at nagbibigay na siya ng mga regalo. Roses at chocolates pa. Dun ko nalaman na nanliligaw na pala siya"

"Nakakakilig naman ang story niyo ni daddy. Sana mangyari rin sa akin un"

"Pero tandaan mo anak. Sa bawat tamis, may pait. Di maiiwasan un kaya pag may magandang nangyari asahan mong may kaunting masama na mangyari"

"Ah ganun pala un"

"Sige anak matulog ka na. Ako na bahala magligpit dito"

"Okay" at umakyat na ako. Sana ganun din kacolorful ang lovelife ko with winsher

Sam's POV

"Sam. Heel ba kita?" Sabi ni achilles panget

"At bakit?"

"Ikaw kasi ang weakness ko. Boom!"

What a pick up?

*To be Continued

Nagustuhan niyo ba? Vote or comment. Ayos ba ang pick up ni bebe achilles?

-----Leela Turanga

University Love Book 1Kde žijí příběhy. Začni objevovat