UL Chapter 37: Getting even without trying

562 24 37
                                    

Patchie's POV

After kong magstar gazing, pumasok na ako dahil ang ginaw pala.

Nagshower muna ako, nagtoothbrush at nagbihis sa pajamas ko bago ako dumiretso sa kuwarto.

Pagkapasok ko, humiga na agad ako. Kala ko dahil super pagod ako eh makakatulog agad ako. Di pala.

Naisip ko na naman ung nangyari kanina. Ung kay Winsher. Parang ang daya ng kapalaran. Pero mas madaya si Winsher. Madaya siya kasi parang ako lang ung nasaktan sa sitwasyon namin. Habang siya masaya kasama si Jannika, ako nagdadalamhati.

Nakatitig lang ako sa kisame at gigil na gigil ako sa kanilang dalawa. Lalo na nung naalala ko kung paano niya di man lang iacknowledge ung existence ko.

What if I could get even? Di lang naman siya ang lalaki sa mundong to. Tsk.

*bzzt

From: Xerius

Nakauwi na ako. Thank you talaga for today. Looking for more times like this. See you bukas. Good night!

~

Napangiti ako. Sabi ko pa man dati ituturn down ko siya. I think I should give him a chance,after all, he deserves it.

Nag goodnight rin ako at sa wakas nakatulog na ako. Text lang pala niya kailangan.

*kinabukasan

"Anak! Gising na! May klase ka pa mamayang 10 am diba?"

"Ma naman eh!! 7:30 am palang!!!"

"Alam ko pero di mo ba bababain ung bisita mo?" Bisita?

Napalabas ako at nakita ko si Xerius sa baba. Kumaway naman siya sakin. Kyaaaa! Napabalik ako sa kuwarto at pumunta sa cr. Waaaaaah! Karumaldumal!!!

Nakita ko lang naman ung itsura ko sa salamin. Grabe. May muta muta pa ako tapos ung mga panis na laway ko pa. Nakakaloka!!!

Dito ko napatunayan na kalokohan talaga ung mga nasa palabas na ang ganda ganda nila pag kagising nila. Que horror!!!!

After kong magbreakdown sa cr eh napagpasyahan ko na ring mag ayos. Nakakahiya talaga un. 😭😭😭

"Good morning Patchie!"

"Good morning Xerius 😅😅" pag naalala ko ung kanina.

"Wag mo ng alalahanin ung kanina. Maganda ka pa rin" bulong niya. Nagblush naman ako dahil dun. 😳😳😳

"Ang sweet niyo naman"

"Ma naman eh." Si Mommy talaga, issue eh.

"Hahaha. Pikon na agad to. Oh btw, maaga ba uwi niyo? Nagkausap na kasi kami kahapon sa messenger ng mommy mo Xerius. May dinner out daw tayong apat kasama ung kapatid mong babae." Sabi ni mommy.

"Hanggang 2pm lang naman po klase namin, tita."

"Ay buti na lang. Maaga rin kasi out ko today bale after niyo sa school mag ayos muna kayo. Semi formal tayo dahil mamahaling restaurant yun ha. Bale Patchie kunin mo na lang ung pera na iniwan ko diyan sa cabinet mo. Mag paayos ka naman, anak. Sige alis na ka ako. Text ko sa inyo kung saan yun. See you later!!!"

"Sige, Mommy!"

"Eat well ah"

"Ingat po, tita!" Tas umalis na si mommy

"Pagpasensyahan mo na si mommy ah. Madaldal talaga yun"

"Nako, okay lang. Tara kain na tayo. Bread lang kinain ko sa bahay kanina eh haha"

University Love Book 1Onde histórias criam vida. Descubra agora