UL Chapter 36: His Story/ Can I Learn To Love Him?

586 22 66
                                    

Patchie's POV

Ansakit makita silang dalawa. So sila na ulit? So wala lang talaga ung pagpunta niya sa bahay. Kala ko ba mahal niya din ako? May pasulat sulat pa siyang nalalaman. Tinotoo niya talaga na parang di kami magkakakilala

Sabi niya maghintay ako, pano ako maghihintay kung sa bawat sandaling nakikita ko siya eh nasasaktan ako. Hihigpitan ko ba ang kapit ko o unti unti akong bibitaw?

Ilang minuto ata ang nakalipas bago ako nabalik sa realidad na may klase pa nga pala ako.

Di ko alam kung pano ko nasurvive ung klase ko. Sobrang hati ung attention ko sa klase ko pati kay Winsher. Hayst.

Lumabas ako ng classroom feeling so gloomy. Nakita ako nina Sammy, cy at ate Rachel. Kasama nila ung dalawang lalaki na sina Xerius at kuya Achilles.

"Yo! What's up, Patchie?" Sabi ni Xerius. Grabe. Ang kulit nung itsura niya habang sinasabi yun. Parang hiphop dancer na ewan ung posing.

"Bebegirl, tama na yan. Kanina ka pa ganyan." Sabi ni Rachel noona

"Sige ka papanget ka" sabi ni Sam

"Gusto mo ba matulad sa mukha netong si Sammy?" Sabay turo ni Kuya Achilles sa mukha ni Sam

"Kala ko ba maganda ako? Hmp. Di pala ako maganda ah. Bahala ka humanap ng kapalit ko" sabi ni Sam at ayun nag-away na naman sila. Napangiti na naman ako

"Buti na lang lagi kayong nag aaway. Napapangiti niyo tuloy si Patchie" sabi ni Cy. Napatigil naman kami sa sinabi niya at napatawa.

Napagpasyahan na naming umuwi at nagkakuwentuhan.

Nagkahiwa hiwalay na kami. Si Cy at Ate Rachel magkasama. Syempre ung magboyfriend magkasama pero same route lang sila so nagkausap usap pa sila. Ako ang kawawa, mag isa lang ako sa route ko huhu.

"Hatid na kita!" Sabi ni Xerius.

Hinatid niya ako nagkakuwentuhan kami. Galing pala ang pamilya niya sa ibang bansa. Nagstay sila dun for five years. Bale dun siya nag highschool. Napagpasyahan ng pamilya niya na wala talagang tatalo sa Pilipinas. Saka mas gusto ng mga magulang niya na lumaki silang magkapatid dito sa Pilipinas. Speaking of kapatid, may kapatid siyang babae. Si Xylie Chloe Villabay. Pareho daw nagsisimula sa X ung name nila para das unique. Bihira lang naman kasi talaga ang may pangalang nagsastart sa X.

Napasarap ang kuwentuhan at di ko namalayang nakarating na kami sa bahay.

"Sige, Patchie. See you bukas!"

"Ay ayaw mo bang pumasok muna. Meryenda ka muna. Medyo malayo pa bahay mo mula dito." Sabi ko. Ewan ko ba. Pag may nag oopen up na kasi sakin na tao feeling ko close na kami. Alam mo un. Magaan na ung feeling ko sa kanya. Parang kay Winsh- nevermind.

Pinagluto kami ng Pancit Canton ng maid. Hahahaha tinuruan niya ako ng mga ways para kumain nun. Example nun ay yung paglalagay ng ketchup sa pancit canton. For me, di talaga siya mukhang appetizing. Pero nung tinikman ko, grabe ang sarap. Tapos sasabayan daw dapat ng nilagang itlog para mas intense. Haha. Grabe. Ngayon ko lang nalaman na may mas maganda pa palang way para maenjoy ang pancit canton.

(A/n: di ko pa po natatry un pero may kilala akong nakapagtry nun ay masarap daw hehe)

Natapos kami sa pagkain at nagyaya akong mag Mortal Kombat X.

"Sure ka? After nung kinain natin maglalaro tayo niyan?" Sabi niya.

"Yep. Ayaw mo ba?" Sabi ko.

"Ah ok lang. Ikaw bahala."

Nagstart na kaming maglaro. Tama siya. Parang wrong move ung maglaro neto after kumain ng pancit canton na may ketchup. Blood's on nga pala to.

So ayun nag street fighter x tekken na lang kami at super enjoy. Di naman kami nagkapikunan sa asaran namin haha.

Napagdesisyunan na niyang umuwi ng 7:30. Palabas na sana siya nang biglang pumasok na si Mama.

"Oh? May bisita ka pala." Nagbeso na ako kay mommy at parang nag alangan pa si Xerius magbeso pero si Mommy na kusang bumeso.

"Uuwi na rin po ako, Tita."

"No, I insist. Parang thank you ko dahil sinamahan mo si Patchie"

"Sige po" sinenyasan ko kasi siyang wag na tumanggi kasi alam ko ugali niyan ni mommy. Ayaw niyan may tumatanggi sa kanya

"Xerius ung name mo diba? Nako kapangalan mo ung anak ng kaibigan ko nung highschool."

"Sabi po ng mommy ko unique ung name ko. May kapangalan pala ako"

"Ano full name mo?"

"Xerius Felix Villa Bay po"

"Nanay mo ba si Katie VillaBay?"

"Opo. Kilala niyo po siya?" Parang nagtataka na ung mukha ni Xerius maski ako eh

"Oo. Siya nga ung bestfriend ko nung highschool. Grabe nga nung pinagbubuntis ka niya. Siguro mga five months. Dun ko nalaman na buntis ako diyan kay Patchie." Woah! Talaga? Grabe ah

"Ay grabe un. Ako actually nag isip ng name mo. Kasi gusto ng mama mo nagsastart sa X eh wala naman siyang maisip so ako nalang nag isip para sa kanya. In exchange, siya nag isip ng pangalan ni Patchie. Ung Patrice ewan ko kung bakit niya naisip un tapos ung madeleine dahil pinaglihian niya ung madeleine na dessert. Ung parang lenggua ganun..." Ang dami pa niyang kuwento. Tas same din daw kami ng ospital. Tas nagkita na pala kami ni Xerius nung bata palang kami pero as in super bata pa kaya di na namin maalala.

"Sige po tita..."

"Minerva. Pakisabi sa mommy mo na magset kami ng dinner at sabihin mong nakakatampo siya. Di man lang pinaalam sakin na umuwi na pala kayo"

"Sige po. Salamat po sa dinner. See you soon po. Bye rin, Patchie! Next time ulit" sabi ni Xerius.

Super tagal ng naging dinner na un. Andaldal ni Mommy haha.

"Kayo na ba nun?" Out of the blue na tanong ni Mommy

"Mommy. Magkaibigan lang kami nun."

"Diyan naman nagsisimula lahat eh. Hahha nakakamiss maging teenager" tas pumasok na siya sa loob ng bahay.

Napatingin ako sa stars. What if siya na nga lang talaga? Can I learn to love him?

*To be Continued

Wahahahahaha. Medyo naiba ung ud ko sa inimagine ko. Di ko namalayang eto na pala ung tinatype ko.

Votes and comments guys! Super maappreciate ko po un hohoho.

Oh and btw, kung napapansin niyo sa mga cover ng story ang nakalagay Mackaress pero sa mga ud ko Leela Turanga. Iisa lang po un. Fave character ko po kasi si Leela kaya mas prefer kong tawagin niyo ko ng ganun. Ginawa ko lang pong uniform ung mga story covers ko. Ung mga luma po kasi Mackaress na. Ayoko na po palitan. Okay? Hahaha sobrang haba netong author's note na ito. Sorry po!! 🙇🙇🙇

~Leela Turanga

University Love Book 1Where stories live. Discover now