UL Chapter 35: Dear Patchie,

547 21 21
                                    


Patchie's POV

Paggising ko wala na siya, wala na si Winsher. Parang kumirot ung puso ko. 

Bumangon na ako nang bigla kong mapansing may letter na nasa kamang hinihigaan ko.

Binuksan ko at binasa ang nasa loob.


"Dear Patchie,

Hi Patchie. Salamat nga pala sa pagpapatuloy sa akin kagabi. Salamat dahil magkasama tayong nanonood ng mga horror movies, kumain ng walang sawa, magplaystation ng walang humpay, at makinig ng mga favorite kong songs hanggang sa makatulog. Nagfake ako ng pagtulog kaya narinig ko ung pag te thank you mo haha. Hinintay kong makatulog ka para matitigan kita for the last time.

muntik ko ng mabitawan ung sulat nung nabasa ko ung last line. Aalis na ba siya? Mamamatay na ba siya?  bakit for the last time?

Tama, last time, for now lang naman. Kapag nakita mo ko, kunyari na lang hindi, Pag nagkalapit tayo, lumayo ka. At ganun din gagawin ko. Let's pretend we don't know each other. 

Ha? may nagawa ba ako?

Wag mo na rin muna akong tawagan or itext. It's better this way. May reason ako kung bakit ko to ginagawa. Sana pareho nating kayanin. Siguro ikaw kaya mo, pero ako hindi. Masakit tong gagawin ko. Okay lang sakin kung di mo na ko mahihintay. Maiintindihan ko naman eh. 

I love you, please always remember that.

Sincerely yours, Winsher.


 Niyakap ko ung letter na parang si Winsher ung kayakap ko. Why has it come this? bakit pa namin kailangang magpanggap na di magkakilala. 

Triny ko siyang tawagan pero di niya sinasagot. Di rin siya nagrereply sa mga text ko.


So ano ung kagabi? Farewell party niya. Farewell party ng existence niya sa buhay ko?


Naalala kong may klase pa pala ako today kaya naligo na ako at nag ayos. Nakatulala akong kumakain ng breakfast. After nun dumiretso na ako sa school.


Super bangag ako nung klase. Buti na lang puro lecture lang ang ginawa at walang recitation. Nakapagtake down notes naman ako. DI ko nga lang maintindihan ung dinidiscuss.


Lunch time na at dumiretso na ako sa favorite spot namin. Sakto nandun na sila


"what's wrong Patchie? May sakit ka ba?" sabi ni Sammy


"Kung yun nangyari kahapon pa rin ung iniisip mo, tama na. Tinotorture mo naman sarili mo nyan eh." sabi ni Cy.


"Wag ka ng malungkot. Eto na lang. Nagrelease ng sub unit ang exo. CBX daw. Ayan oh si Chen,si Baekhyun at si Xiumin. oh diba?" pinapanood naman sa kin ni ate Rachel ung Hey Mama ng EXO-CBX. 

Lalo naman akong naiyak.

"Ui Ate Rachel! anong ginawa mo? bakit umiiyak na siya?" sabi ni Sammy

"Pinapanood ko lang naman to sa kanya eh"

"Panong di iiyak yan?  Nakalimutan mo na bang kamukha ni Winsher si Chen?" sabi ni Cy

"Ay oo nga pala, sorry Patchie. Wrong Choice pala ako dapat pala Skydive na lang ng BAP"

(A/N: Hahahaha. Natatawa ako dahil dito haha)

"Ui wait kamukha ko ung isa diyan ah. Pero mas gwapo ako haha. DIba popsicle?"

"Ano ka? hilo? Mas gwapo kaya si Xiumin" 

"Edi siya na lang boyfriend mo" sabi ni Achilles

tas ayun nagkasagutan sila. Natawa naman ako. Ang cute kasi nilang tingnan.

"Kung yun lang pala magpapatawa sa iyo, sana kanina pa namin pinagaway tong dalawang to." sabi ni Cy habang tumatawa.


Ayun tawanan na kami. Ung dalawang nag tatalo pa rin pero hindi naman sila nag aaway haha. Ang sweet nga nila, actually.


Nung natapos ang break. Pumunta na ako sa classroom ko pero bago ako makarating nakita ko si Winsher sa hallway kasama si Jannika. 


Papalapit na sila. Nakita ako ni Winsher. Tumingin siya sa akin pero sobrang sandali lang. Bumalik siya sa pakikipag usap kay Jannika.


Pero di yun ang pinakamasakit, 


Linagpasan niya lang ako not even acknowledging my existence.


*To be Continued.


Sabaw na update. I know.  hahaha. Pag tiyagaan niyo na lang. Btw, Pls support my new story "Monsters in my World". Wala pa siyang story cover pero magkakaroon din yun. TBD pa kasi ang lead role na babae. Hoping to see your comments there!


~Leela Turanga

University Love Book 1Where stories live. Discover now