"No"

"Did she cry? Sakin kasi umiyak siya"

"No"

"Aha! May sinabi ba siya bago niya pinirmahan yung divorce papers?"

"No."

"Then what did she tell you?!"

"I told you wala nga."

"Impossible."

Minadali niya ang pagtitimpla ng kape pero nakabuntot parin ako sakanya.

Dala dala niya yung kape niya sa sala habang ako naman gatas ang dala. Binuksan niya ang tv samantalang ako umupo sa sofa sa harap niya.

"You're not gonna let this go, aren't you?" He asked.

"You're damn right, I won't." Nilapag niya sa table ang baso ng kape niya at lumuhod sa kinauupuan ko.

"Charlotte?"

"Yes?"

"Wala kaming pinag-usapan ni Maxine. She simply said sorry for the things she has done to me and left me the signed divorce papers. Nothing else."

Nakatingin siya sa mga mata ko na para bang nagmamakaawa na siyang paniwalaan ko siya pero may mali talaga. Hindi ko ma-pin point kung ano pero may mali talaga.

"But---"

"Ms. Briones, I would never lie to you."

Hawak niya ang magkabilang braso ko habang tinititigan ako. Ngayon ko lang napansin ang cute pala ng ilong niya.

"May pabor ako." Magkatitigan parin kami.

"Ano?"

"Ang cute ng ilong mo pwede pakagat?" Bigla niyang nilayo ang mukha niya sakin at bumalik sa kinauupuan niya kanina.

"Jie?"

"Not gonna happen, Charlotte." Sabay inom niya.

Nakatingin siya sa tv samantalang parang bumibigat naman ang pakiramdam ko dahil hindi niya ako pinagbigyan.

"Good morni---Mom, are you okay?" Hindi ako tinitingnan ni Yuji kanina pero nang lapitan ako ni Andrea, nagulat siya ng makita niya akong umiiyak habang nakatingin sakanya.

"What's wrong?!" Mabilis na lapit niya sakin habang hawak ang mga kamay ko pero humahagulgol lang ako. I want to stop mukha akong tanga pero di ko kaya pigilan yung luha ko.

Ang sakit sakit.

"Dad, anong nangyari?"

"Hindi ko alam sa mommy mo. Go grab some napkins in the kitchen." Utos niya kay Andrea habang pinupunasan niya ang luha ko gamit ang palad niya.

"Charlotte, please stop crying." He begged.

"You...hurt....my feelings." Sinisinok na ko kakaiyak. I want manang!

Bumalik si Andrea na may dalang tissue holder at binigay yun kay Yuji. Pinupunasan nila ng luha ko ng dumating naman si Manang na may buhat pang basket ng mga labahan.

"Oh, anong nangyari sa alaga ko?" Lumapit siya sakin at nagmistulan naman akong bata na yumakap sakanya habang nagsusumbong.

"Manang si Yuji po kasi" Pinupunasan na ni Manang yung luha ko gamit ang suot nyang daster. Nakita ko namang tumatawa si Andrea at nagtatakip ng bibig habang katabi ang ama niya at pinapanood ako.

"Bakit ako?" Turo pa ni Yuji sa sarili.

"Shh! Bakit anak anong ginawa sayo?"

"Sabi ko pakagat hindi man lang po ako mapagbigyan." Humihikbi na ako. What's wrong with me?

"Pakagat ng ano anak?" Tanong niya sakin sabay tingin niya kay Yuji.

"Ilong ko ho. Gusto nyang kagatin ilong ko." Sagot niya habang nagkakamot ng ulo.

Humagalpak naman sa tawa si Andrea habang nakakapit sa braso ng ama niya. Come to think of it, ang babaw ng dahilan ko pero nasaktan talaga ako. Binuntis niya ako, he ruined my body twice ngayong humihiling ako hindi man lang ako mapagbigyan? Medyo may kurot sa puso.

"Iho, buntis itong si Karlota. Ang mga buntis palaging pinagbibigyan. O sya, pumarine ka." Pinalapit niya sakin si Yuji at pinaluhod sa harapan ko.

Singhot naman ako ng singhot habang nagpupunas ng luha. Nilapit niya ang mukha niya sakin sabay pikit ng mga mata niya.

"Oh sige na kagat na." Lumingon ako kay manang na sinisenyasan akong kagatin na ilong ni Yuji habang si Andrea naman nilabas ang cellphone niya at vinivideohan kami. Tumigil ako sa kakaiyak pero ngayong nasa harapan ko na siya parang ayoko na.

Sinubukan kong ilapit ang mukha ko sakanya hindi para kagatin siya kundi para titigan ang lalaking crush na crush ko noon. Dati minahal ko siya dahil ang gwapo, ngayon sa isip ko kahit siguro pumangit ang lalaking 'to mamahalin ko parin eh.

"Charlotte."

"Hmm?"

"Ang tagal."

"Maghintay ka."

Sa kakatitig sakanya nag-iba yung gusto ko. Hindi ko na siya gustong kagatin, halikan nalang. Mga ilang segundong halik siguro bago ako pumasok sa trabaho.

"Are you going to kiss me or not?" Bumalik ako sa wisyo ko at namalayang kanina pa pala ako nakatitig sa labi niya habang tinitingnan niya 'ko.

Nahiya ako bigla but being as the well known Medusa, kung mahihiya ako with poise dapat.

"Magsama kayo ng ilong mo." Sabay tayo ko at hablot ng phone ni Andrea sa kamay niya na kanina pa nakatutok samin ni Yuji.

"Mom!"

"Get ready to school, dapat pagbaba ko mamaya nasa sasakyan na kayo. I hate waiting." Hawi hawi ko pa ng buhok ko habang umaakyat ng hagdan.

Hindi ko alam kung anong naging reaksyon ni Yuji. Narinig ko lang na pinagtatawanan nila ako ni Manang nang iwan ko sila sa sala. Out of nowhere napangiti rin ako thinking na mapapanood ko yung video ni Andrea samin kanina. I can't wait to see his face again. Yuji, 18 years has passed but you're still giving me butterflies.

⚫ ⚫ ⚫ ⚫ ⚫ ⚫ ⚫

My Professor, My Love 2Where stories live. Discover now