Niyakap nya ako. "I know it's my fault. I'm such a jerk for hurting you. Sorry. But please, come back to me. I'm here. I'm here babe."

Bumitaw ako sa kanya. "Sorry pero hindi mo ako mapapaniwala sa mga sinabi mo. I'm sure kinausap ka lang nina James para maging ganito sa akin. Malinaw sa isipan ko lahat ng sinabi mo kagabi so please? Umalis ka na? Medyo kumikirot na ang binti ko kaya gusto ko nang magpahinga." Medyo tumigil na ako sa pag-iyak.

"Sasamahan kita dito. Let me do this babe. Please..."

"Hindi ako makakapahinga kung nandito ka. Remember? Whenever I see you, I can feel so much pain in my heart. So please? Leave me alone." Matigas kong sabi.

Napansin ko yung panggigilid ng luha nya. Hindi. He's acting. Sigurado akong naaawa sya sakin dahil andito ako sa ospital. Baka pinakiusapan sya ni James na pumunta dito since si James lang naman ang sinabihan ko na andito ako.

"B-Babe..."

Hindi ko na sya pinansin. Tumingin nako sa side. Ayoko ng tumingin sa kanya dahil nasasaktan lang ako. "Leave me alone." Cold kong sabi.

"I'll leave for now but expect me to be back later."

Hindi nako umimik. Narinig ko nalang yung pagsara ng pinto. Ang hirap lang kasing paniwalaan na kagabi? Ginawa ko na lahat ng pagmamakaawa sa kanya tapos tinaboy nya lang ako at ipinamukha sakin na hindi na nya ako mahal tapos ngayon bigla syang e-eksena?

Biglang 'Babawiin na kita babe'. Pinagmumukha niya akong tanga. Hindi naman ako galit. Hindi ko lang matanggap ang nangyayari. Isa pa, ayoko lang umasa. Baka mamaya, act nya lang yun. Mabuti ng hindi kumagat sa pinakita nya ngayon para makaiwas ako sa sakit.

Tulad ng sabi nila, never expect, never assume.

I will stick to that words. As in the word, NEVER.

***
Lance POV

Ang laki kong tanga! Tangina. Bakit ko ba sya tinaboy kagabi? Bakit ko ba sya... tch!

Kalalabas ko lang dito sa kwarto ni Yumi at nakaabang dito sina James at Trigger.

"Ano Bro? Okay na kayo? Mabuti naman. Edi, tatanggapin mo na ang arranged marriage? Magiging mag-fiance na ulit kayo. Ikakasal na kayo at bubuo ng pakmilya. Tapos gagawa na din kayo ng baby. Mga ilan kaya? Kahit ilan Bro basta kaya nyong buhayin. Sabagay mayaman naman tayo kay--"

"Shut up."

Gano kalawak ang imaginationg ng kapatid kong 'to? Tch.

"Oh bakit Bro?"

Ang dami agad satsat. Tangina. "Ayaw maniwala sa'kin ni Yumiko."

"Hahahahahahaha."

"Anong nakakatawa James?" I gave him a death glare.

"K-Kasi naman Bro. Hahahahaha. Para lang batang paiyak na. Hahaha. Ano ka ngayon? Edi ayaw maniwala sayo ni Yumi? Kasalanan mo din kasi. Masyado kang nagmamatigas. Sinabihan na kita na wag kang magsisisi kapag yang si Yumiko ang napagod sayo. Tatawanan nalang kita Bro kasi hindi ka nakinig sakin."

"James Abellano get out of my sight now!" Sigaw ko. Tangina nagawa pang mang-asar.

"Aalis talaga ako kasi papasok na'ko sa loob kay Yumi. Idi-discuss ko nga pala kay Yumi yung about sa arranged marriage. Diba ako ang nirecommend mo kay Papa? Na ako nalang papakasal kay Yumi? I'll accept that offer so mabuti siguro kung pag-usapan na namin ni Yumi ang tungkol dun. At kung maaari, i-rush na ang kasal. Gusto ko ng makasal kay--aaaaahhh!"

"DAMN YOU JAMES!! AKIN LANG SI YUMIKO!!"

Fuck. Pinag-iinit ang dugo ko. Ayun pumasok na sa loob. Lakas mambwisit. Alam ko kasalanan ko. Aish!

"What happened?" Seryosong tanong ni Trigger.

Umupo ako sa tabi nya dito sa bench. "Iniisip nya na pinakiusapan lang ako nina James na puntahan sya dito. Iniisip nya na naaawa lang ako sa kanya."

"Hindi natin masisisi si Yumi. Kahit sino iisipin talaga na naaawa kalang dahil sakto kasing kung kelan mo na-realize ang mali mo saka naman sya naaksidente."

Para kaming magkaibigan ni Trigger kung mag-usap. He's my rival pero hindi nya ako tinuturing na ganon. Tinutulungan pa nga nya ako kay Yumiko. Tangina lang ang tanga tanga ko. Dapat nakipag-ayos na'ko sa kanya kagabi nung kinausap nya ako. Ba't ko ba sya tinaboy non. Tch!

"I don't know what to do. Kahit anong sabihin ko kay Yumiko, ayaw nyang paniwalaan."

"Now you know the feeling."

"Oo alam ko na ngayon ang pakiramdam ni Yumiko. I hurt her. Damn! I really love her. I want her." Ngayon ko naramdaman yung sobrang pagka-miss ko kay Yumiko. Lalo na kanina nung hinalikan ko sya.

She respond on me. Ramdam na ramdam ko yung pagmamahal nya.

"If I were you, mas mabuti kung palamigin mo muna si Yumiko, sa ngayon mas mabuti kung mag-exert ka ng effort para makuha ulit ang loob nya."

I hate this man! Damn it. He's too kind to me. And I hate the fact that he's helping. He's my rival for fuck's sake.

"Bakit tinutulungan mo'kong makuha ulit si Yumiko sa halip na kalabanin mo'ko. You like Yumiko right."

"Yeah. I like her. I know her feelings. She's fragile. I know when she's hurt or not. Nakilala ko syang miserable na ang buhay nya. Kaya gusto ko naman sanang makita yung masiyahin at normal na Yumiko. And I know that you're the only one who can make her back from normal. Kaya kita tinutulungan. Wag mong isipin na ginagawa ko ito dahil gusto kitang tulungan, ginagawa ko 'to dahil gusto kong makitang masaya si Yumiko."

Anong klaseng lalaki 'to? Ngayon lang ako nakakilala ng rival na mabait at tumutulong pa. Tch. Gumagaan tuloy ang loob ko sa taong 'to. Pakiramdam ko magkaibigan kami habang nag-uusap. Fuck. He's my rival! Aagawin nya sakin si Yumiko. Hinding-hindi ko yun hahayaan na mangyari.

Akin lang si Yumiko. Akin lang.

***
Yumiko POV

"Sinabi ko na leave me alone!" Sigaw ko nang marinig ko yung pagbukas ng pinto. Nakatingin kasi ako sa gilid sa may bintana.

"Wala ka naman sinabing ganon sakin kanina Yumi."

Si James pala. "Sorry akala ko si--"

"Si Bro? Tch."

I sighed. "Bakit kailangan mo syang papuntahin dito? Hindi ko kailangan ng awa nya James. Nagsisimula na'kong kalimutan sya eh tapos bigla mo naman papapuntahin dito."

"Yumi, Lance loves you."

"Isa kapa. Pwede ba James? Tama na nga yang ganyan? Ayokong maniwala kay Lance. Naaawa lang sya sakin. May mahal na syang iba. Hindi nya ako mahal!"

"Naiintindihan kita kung ayaw mo maniwala kay Bro. Kasalanan naman nya. Tatanga-tanga kasi yung si Bro eh. Sarap pektusan sa utak."

Too harsh.

"So by the way Yumi. Tara na?"

"Tara na?" Nakita namang may cast pa'ko sa binti, yayayain na'ko umalis. Wala pa ngang sinasabi ang doctor na pwede nakong lumabas ng ospital.

"Oo tara na."

"Anong tara na?"

"Tara na magpakasal."

SERIOUSLY?

MY 2: The Vow (EDITING)Where stories live. Discover now