Thirteenth memory

46 6 12
                                    

Chapter thirteen

Antonette


"Ayos na ba lahat ng gamit mo? Wala ka bang nakalimutan?" tanong sakin ni Audrey.


"Wala, lahat ng kailangan ko nandito na." nakangiting sagot ko sa kanya.


Nandito kami ni Audrey ngayon sa labas ng bahay at hinihintay ang sundo ko, ngayon na kasi ang simula ng pagtratrabaho ko bilang tagabantay ng BTS at bukas naman operasyon si kuya.


Biglang may nagstop na kotse sa harapan namin ni Audrey, eto na ata ang sundo ko. Lumabas ang isang matangkad na lalaki mula sa driver's seat.


"Hello, Ms. Antonette. My name is Kage at ako ang nautusan na mag asikaso sayo." sabi nya at nag bow, nag bow rin ako bilang pag galang.


"Ayan ba ang mga gamit mo, Ms. Antonette?" tanong nya sakin habang nakatingin sa dalawang maleta na nasa harapan ko, tumango ako bilang sagot.


Lumapit sya sa maleta ko at akmang kukunin na ito, "Ako na." pagpigil ko kay Kage.


"Inutusan ako ni Mr. Nim na ako ang mag-asikaso sayo kaya ako na." sabi nya at pilit na kinuha ang gamit ko.


"Butㅡ"


"No buts, Ms. Antonette. It's an order from Mr. Nim." wala akong nagawa kundi hayaan sya na kunin ang gamit ko. Binuksan nya ang trunk ng kotse at pinasok ito doon.


Humarap ako kay Audrey at nakita ko ang namumuong luha sa mata nya, nagyakapan kaming dalawa.


"Mamimiss kita." sabi nya at niyakap ako mahigpit.


"Mamimiss din kita." sabi ko at niyakap rin sya ng mahigpit.


"Wag mo kong kakalimutan ah." sabi nya, bigla naman akong natawa.


"Parang di naman tayo magkikita bukas o di kaya pag may pasok." natatawang sabi ko, bumitiw kami sa pagyakap.


"Minsan inbitahan mo ako na pumunta don ah, para makita ko si Jin my loves." pabiro habang kinikilig na sabi nya.


"Baliw ka talaga!" pinalo sya ng mahina sa braso at nagtawanan kaming dalawa.


Remembering Park Jimin [ ON-HOLD]Where stories live. Discover now