Sixth memory

63 15 6
                                    

Chapter six

Antonette


Habang naglalakad ako papasok ng university ay di parin mawala sa isip ko yung nangyari kagabi. Tatlong oras lang ang naging tulog ko dahil sa punyemas na lalaking yon!! Sino ba kasi sya?! Halos mabaliw baliw ako sa kakaisip sa kanya!!


Yung boses nya, pamilyar sakin. Di ko lang maalala kung saan ko narinig.


"Huy!" nagulat ako ng biglang sumulpot si Audrey sa tabi ko, "Lalim ng iniisip, ha? Kwento naman dyan!"


Tinignan ko si Audrey na ngayon ay naghihintay ng sasabihin ko. Napabuntog hinga ako, mas okay na ikwento ko sa kanya keysa naman sinisolo ko, "Eh kasi kagabi nung pauwi ako feeling ko may sumusunod sakin. Kaya lumingon ako sa likuran ko pero walang tao. Tas maya maya nakarinig ako ng mga footsteps sa likuran. Syempre natakot ako kay binilisan ko yung paglalakad. Tas nakita ko na malapit na ako sa bahay kaya tumakbo ako pero biglang may humatak sakin at niyakap ako galing sa likod." tuloy tuloy na sabi ko.


"Tapos anong nangyari?" may halong excitement sa boses ni Audrey.


"Tapos bigla syang nagsalita, sabi nya 'I miss you'. Pagkasabi nya non ay biglang nawala ang kaba na nararamdaman ko. Parang ayokong bitawan nya ako, parang gusto ko rin syang yakapin. Tas ang weird pa, parang pamilyar sakin yung boses nya." sabi ko.


Nagulat naman ako ng biglang nagtititili si Audrey, pinagtitinginan sya ng mga estudyante.


"Ihhhhhh! Kinikilig ako sa inyoooooo!" sabi ni Audrey at nagtititili ulit.


Tinignan ko ang paligid, pinagtitinginan na kaming dalawa. Tinignan ko si Audrey, di ba sya nahihiya? Palibhasa walang hiya tong bestfriend ko eh. Hinatak ko si Audrey papalayo sa mga estudyante, nakakahiya talagang kasama to.


"Grabe! Nakakakilig talaga kayo!" sabi ni Audrey at nagtititili ulit nang makarating kami sa classroom. Bat ba gumaling agad boses nito?

Remembering Park Jimin [ ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon