Second memory

94 16 1
                                    

Chapter two

Antonette


"Oh my god!" nagulat ako ng biglang tumalsik ang mantika ng ham na niluluto ko kaya napaurong ako patalikod.


Narinig ko naman na bumukas ang pintuan pero di na akong nag-abalang lumingon dahil alam kong si kuya yon galing sa part time job nya. Narinig ko ang hakbang ng paa paakyat sa second floor at ang pagsara ng pintuan sa kwarto ni kuya kaya binilisan ko ang pagluto, sigurado akong gutom na yun.


Nang maluto ang ham ay pinatay ko na ang kalan at naghain. Umakyat ako sa second floor at tinawag si kuya.


"Kuya? Kuya kain na po tayo." sabi ko at kumatok sa pinto ng kwarto nya, bigla naman bumukas iyon at lumabas si kuya ng hindi man lang ako pinapansin.


Tahimik lang kaming kumakain at di nagkikibuan pero binasag ko ang katahimakan na iyon at nagsalita.


"Kuya, aalis nga pala ako this Saturday, may pupuntahan lang kami ni Audrey, okay lang ba?" pagsisimula ko, tumango lang sya sa sinabi ko habang di man lang tumingin sakin.


"Di mo man lang ba tatanungin kung saan kami pupunta?" sabi ko ulit, huminga muna sya ng malalim at pumikit bago tumingin sakin at magsalita.


"Saan?" sabi nya sakin sa malaming na boses, napangiti ako dahil sa wakas ay kinausap nya narin ako. Ang tagal kong di narinig ang boses ni kuya, namiss ko ang boses nya.


"Sa concert ng BTS." sabi ko sa kanya, napatingin ako sa kanya ng bigla syang tumigil sa pagkain. "Kuya? May problema ba?" tanong ko sa kanya at tumigil rin sa pagkain.


Bigla syang umiling at nagsalita. "Akala ko di ka maghilig sa mga ganyan?" malamig na boses parin nyang sabi sakin habang di man lang nag-abalang tignan ako.


"Hindi nga, pero kasi si Audrey binilan ako ng extrang ticket, sayang naman kung hindi ko tanggapin." sabi ko sa malungkot na boses habang nakatingin sa pagkain ko.


Napatingin naman ulit ako kay kuya ng tumigil ulit sya sa pagkain, nakita ko na nakatingin sya sakin ng seryoso. "Hindi mo ba talaga naaalala kung sino ka?" napataas ako ng kilay sa tinanong sakin ni kuya.


"What do you mean?" kunot noo kong tanong sa kanya, anong pinagsasabi nito?


"Wala. Kalimutan mo nalang na tinanong ko sayo yun." sabi nya at tumayo nang di tinatapos ang kanyang kinakain, pero bago pa sya tuluyang makaakyat sa taas ay nakita ko na bahagya syang tumingin sakin.


Remembering Park Jimin [ ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon