Ninth memory

46 10 2
                                    

Chapter nine

Antonette


Agad akong nagbayad at bumaba ng tricycle na sinasakyan ko. Tumakbo kami ni Shawn papasok ng ospital kung saan itinakbo si kuya. Tinawagan ko narin si Audrey at sinabing pumunta sya dito sa hospital, panigurado akong papunta na yun dito.


"Miss, anong pong room number ni Alistair Choi? Yung lalaking itinakbo po kanina, mga one hour ago?" tanong ko sa babae na nasa ward.


Tignignan nya ang computer na katabi nya at naghanap hanap, "Room 195, 6th floor po ma'am."


"Salamat." pagkasabi ko nyan ay agad kaming pumasok sa elavator. Nanginginig ang kamay ko sa sobrang kaba, di ako mapakali.


Nang tumungtong ang elevator sa 6th floor ay agad kaming lumabas at hinanap ang room 195. Saktong pagkakita namin dito ay kakalabas rin lang ng doctor ng kwarto.


"Doc! Doc, o-okay lang po ba ang kuya ko? Ano pong nangyari sa kanya? M-magigising pa po ba sya?" sunod sunod na tanong ko sa doctor, di talaga ako mapakali sa sobrang kaba. Paano kung di na magising si kuya? Anong gagawin ko? Ano nang mangyayari sakin?


"Relax ka lang iha. Okay lang ang kuya mo, meron lang maliit na crack sa ulo nya dahil sa lakas ng impact nang pagkakabangga pero okay lang sya." sabi sakin ng doctor at nginitian ako. Medyo kumalma naman ako ng unti ng marinig ko ang sinabi ng doctor.


"Pero pwedeng madamage ang utak nya at magkaroon ng amnesia dahil sa nangyari. Pero maliit lang naman ang posibilidad na mangyari ito kung maooperahan agad sya." biglang nanlambot ang mga tuhod ko sa sinabi ng doctor, buti nalang ay agad akong nasalo ni Shawn bago ako bumagsak sa lapag.


"Kapag nagising na sya ay hanapin nyo lang ako sa mga nurse, ang pangalan ko nga pala ay Doctor Camille Min but you can call me Doctor Min." sabi pa ni Doctor Min.


"Sige po." sabi ni Shawn habang nakahawak parin sakin, nginitian kami ni Doctor Min at naglakad paalis.


Remembering Park Jimin [ ON-HOLD]Where stories live. Discover now