Fourth memory

59 15 7
                                    

Chapter four

Antonette


Nandito ako sa harap ng cabinet ko at naghahanap ng damit, kinuha ko ang loose plain white t-shirt ko at black jeans. Tinignan ko naman ang lalagyanan ko ng sapatos at kinuha ang paborito kong sapatos na adidas na white at may mga stripes na color black sa gilid.


Sinuot ko iyon tas pinusod ang buhok ko at naglagay ng pulbos sa mukha. Tinignan ang sarili ko sa salamin. Okay lanh naman na tong itsura ko eh, concert lang naman ang pupuntahan namin at di party.


"Antonette, ready ka na ba sa concert---- OHMYGOSH WHAT ARE YOU WEARING?!" nagulat ako ng biglang pumasok si Audrey sa kwarto at sumigaw ng pagkalakas lakas.


"AYAN NA BA ANG SUSUOTIN MO SA CONCERT?!" tanong nya sakin at lumapit na parang nandidiri.


"Oo. Bakit? May problema ba sa suot ko?" tanong ko sa kanya at tinignan ulit ang sarili ko sa salamin.


"May problema ba sa suot mo? What kind of question is that Antonette?! Everything is wrong!!" pasigaw na sagot ni Audrey.


"What? Anong bang kasing problema?" kunot noo kong tanong sa kanya.


"Anong problema?! This! This is the problem." sabi nya at hinawakan ang damit ko, "Para kang manang sa suot mong yan! Tignan mo, ang luwag luwag ng damit mo! Para kang ewan!!"


"Bakit? Okay naman na tong suot ko eh! Concert lang naman pupuntahan natin at di party. Tara na!" sabi ko at lalabas na sana ng kwarto kaso bigla nya akong hinawakan sa braso dahilan para mapatigil ako.


"No. You're not going to the concert looking like that. Sit here, hahanapan kita ng maayos na damit." sabi nya at hinatak ako paupo sa higaan ko.

Remembering Park Jimin [ ON-HOLD]Where stories live. Discover now