Chapter 10

1.4K 71 9
                                    

"Draile gising!"

Ang boses ni Clarice...nakabalik naba ako sa nakaraan?

"CLARICE!!!" idinilat ko ang aking mga mata.





------------------------------------------------------





"Tumayo ka diyan gusto kitang makausap!"

"Iniistorbo mo ang pagtitinda ko." tumayo ang tindero ng mga alahas.

"Alam kong alam mo ang tungkol sa pocket watch!"

Ngumisi siya.

"Ano na e-enjoy mo ba ang paggamit non?" tanong niya.

"Sino ka at bakit binenta mo sakin ang makapangyarihang pocket watch na iyon?"

"Gusto ko lang na mapakinabangan mo iyon para sa sarili mo."

"Sabihin mo sakin kung sino ka!" hinawakan ko ang balabal niya.

"Hindi kapa ba masaya? Nagagawa mo na ang lahat ng gusto mo. Nanlilinlang ka ng mga tao para sa sariling kapakanan mo. Hindi ba iyon ang gusto ng isang taong kagaya mo?"

"Alam kong hindi ikaw ang lalaking namaril samin dahil wala kang motibo para gawin iyon. Sino ang lalaking iyon? Siya ba ang dating may ari ng pocket watch? Siya ba ang pinagbentahan mo dati?!"

"Sinong nakakaalam?" maikli niyang sabi.

"Mayroon na bang naunang nakapag may ari ng pocket watch bago mo ito ibinenta sakin?!"

"Marami na." nakangiti niyang sagot.

"Pero bakit nabalik ito sayo?!"

"Malalaman mo rin sa lalong madaling panahon." inialis niya ang kamay ko sa pagkakahawak sa balabal niya.

"Ayoko na nito! Heto na isasauli ko na sayo!" inilabas ko ang pocket watch sa bulsa ko.

Lumapit sa tainga ko ang tindero at may binulong siya. Bigla kong naalala ang mga pangyayari noong araw na iyon..

"Draile gising!"

Ang boses ni Clarice.. nakabalik naba ako sa nakaraan?

"CLARICE!!!" dinilat ko ang aking mata.

"Draile salamat gising kana." yinakap ako ni mama at umiiyak siya.

"Ma?" pagtataka ko.

"Nasaan ako?" tanong ko

"Nasa ospital kana anak huwag kang mag alala." sabi ni mama

Bigla kong naalala yung pocket watch. Kinapa ko sa bulsa ng pantalon ko.

"Nasaan yung pocket watch?" wala akong makapa sa pantalon ko.

"Ma, nasaan yung pocket watch?!" pasigaw kong tanong.

"Anong pocket watch anak?" tanong ni mama.

"Kailangan ko yung pocket watch!!" tatayo sana ako pero may nakakabit sakin na aparato.

"Sir, relax lang po kayo. Heto po yung pocket watch na hawak-hawak niyo nung dinala kayo dito." inabot sakin ng nurse ang pocket watch.

Agad ko iyong binuksan at nakita ko ang oras.

"Hindi maaari.." tumulo nalang ang luha ko.

8:20 pm na ang oras..

Huli na ang lahat para maibalik ko pa ang oras kung saan hindi pa nababaril si Clarice.

"Bakit anak?" tanong ni mama

"Ma, nasaan si Clarice??"

Hindi sumasagot si mama.

"MA, NASAAN SI CLARICE?!"

"Nandoon siya sa operating room." sumagot na si mama.

Tatayo sana ako pero mayroon palang mga aparato na nakakabit sakin.

"Sir, hindi pa po kayo pwedeng umalis sa kama." pag-awat ng nurse.

"Ma, gusto ko siyang makita." pag mamaka-awa ko.

"Anak, hindi ka pa pwedeng tumayo. Sasabihan nila tayo kapag may balita na." inihiga ako ni mama sa kama.

Tinakpan ko ang mata ko gamit ang kaliwang kamay ko. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko hanggang sa humagulgol na ako.

Bakit? Bakit sa dinami-dami ng mga pangyayaring naulit ko, bakit hindi ko nagawang ulitin ang oras para iligtas si Clarice? Nandoon na, hawak ko na ang pocket watch pero hindi ko pa nagawa!

Swerte dapat ang dala sakin ng bagay na ito pero bakit ngayon ito ang nangyari? Walang kwenta ang pocket watch na ito!

..

"Hindi pa nahuhuli ng pulisya ang namaril sa inyo. Ano nalang ang gagawin mo kung wala na sayo ang pocket watch?" bulong sakin ng tindero ng mga alahas.

"Hindi ka niya titigilan hangga't hindi niya nakukuha ang pocket watch mula sayo." dagdag niya.

At nagsalita pa siya..

"Wala kang ibang pagpipilian kundi ang patayin siya bago ka niya maunahan!"

End of Chapter

-don't forget to vote, comment, recommend ☺

Time RepeaterWhere stories live. Discover now