Matagal ko nang gusto ang best friend kong si Clarice pero hindi ko magawang magtapat sa kanya. Natatakot kasi ako na ma-reject. Dati takot akong subukan ang mga bagay-bagay dahil sa pangangambang baka magkamali ako pero nagbago ang lahat simula ng madiskubre ko ang kapangyarihan ng isang pocket watch.
"Clarice, matagal na kitang gusto."
Sa wakas ay nasabi ko din sa kanya ang nararamdaman ko. Natigilan siya ng marinig iyon. Kinakabahan ako sa kung ano ang isasagot niya.
"Sori pero hindi tayo magkapareho ng nararamdaman."
Ouch. Masakit pala talaga ang ma-reject. Pagkasabi niya ng mga salitang iyon ay bumaba na siya ng rooftop. Labis na kalungkutan ang naramdaman ko. Hindi ko na ulit ito gagawin. I hate this feeling! Dinukot ko ang pocket watch mula sa bulsa ng pantalon ko. Ini-adjust ko ang oras pabalik ng dalawang minuto.
"Draile, ano bang sasabihin mo sakin?" tanong ni Clarice.
"Wala bumaba na tayo."
"Pina-akyat mo ako dito para sa wala!" reklamo niyaKahit inulit ko ang oras ay hindi na mababago ang sakit na naramdaman ko. Aleast naiwasan kong mapahiya sa kanya at saka hindi na kami magkakailangan sa isa't isa. Ito ang pangatlong beses na ginamit ko ang kapangyarihan ng pocket watch.
-don't forget to vote, comment
Maliit na bagay 😂😂😂
ESTÁS LEYENDO
Time Repeater
Ciencia FicciónHighest Rank in Science Fiction#25 Published: 1/13/2017 Completed: 1/26/2017 Paano kung nag e-exist ang isang pocket watch na kayang ibalik ang nakalipas na isang minuto hanggang isang oras at maaari mo itong baguhin? Gugustuhin mo bang mapasakamay...