Chapter 6

1.8K 93 24
                                    

"Swerte daw kasi talaga sa sugal ang lucky charm na pocket watch kaya nga ito rin ang gamit ko." sinasakyan ko lang ang mga sinasabi ng katabi ko.

"Saan ba nakakabili niyan?" tanong niya

"Sa india pa ito binili ng asawa ko.."  ito ang unang pumasok sa isip ko.

"Balak ko narin sanang bumili." sabi niya

"Hahaha akala ko ba hindi ka naniniwala sa lucky charm?" jaming kong tanong.

"Palagi ka rin kasing nananalo sa roulette kagaya niya kaya gusto ko rin sanang subukan haha. Baka sakali lang." tawa niya

Shit, magaling din sa roulette ang kilala niyang magaling na manunugal na may lucky charm na pocket watch. Posible kayang...

Kailangan kong magpatalo ng ilang round. Hindi pwedeng manalo ako ng 100 percent sa lahat ng round. Baka mapaghinalaan pa ako ng mga tao dito.

Nagpatalo nga ako sa ilang round pero mas marami ang round na ipinanalo ko.

"Magaling kang maglaro ng roulette, mukhang naiintindihan mo ng husto ang larong ito." puri ng katabi ko.

"Medyo pero sa tingin ko swerte lang ako." sabi ko pagkatapos ay tumayo na ako sa upuan.

Tama na muna ito sa ngayon. Babalik na muna ako sa bahay.

"Ako nga pala si Riel Garcia. Ikinagagalak ko kung magkakaroon ako ng isang kaibigan na magaling sa sugal." tumayo din siya at nagpakilala.

"James Elseworth." ito ang unang pangalan na dumapo sa isip ko.

Shit pangalan nga pala ng wrestler yon!

"Mayroon ka bang calling card?" tanong niya

"Oh...i forgot to take some calling cards before i get here.." nag english pa ako para mukhang mayaman.

Shit tama kaya ang english ko?

"Ah ganun ba, ako nalang ang magbibigay ng calling card ko." inabot niya sakin ang calling card niya.

"Nice meeting you Mr. Garcia. Ipapapalit ko na ang mga chips ko then pupunta na ako ng kotse ko mayroon pa kasi akong meeting with some inventors." kunwari businessman

Shit investors pala dapat.

"Tawagan mo nalang ako incase na gusto mong makipag meet for some business or mag laro ng golf." sabi niya.

"Ok I will." nakangiti kong sabi sa kanya.

Phew! Naka-attract pa ako ng stranger. Hindi na ako babalik sa casino na iyon. Pero may nakuha rin akong impormasyon sa pagpunta ko dito. Sino kaya ang magaling na manunugal na sinasabi niya. Siya kaya ang may ari ng pocket watch na ito bago mapunta sakin? Pero bakit nabili ko ito sa isang banketa? Kung kailan napapakinabangan ko na ng husto ito saka pa nagkaroon ng threat. Kung mayroon mang naunang nag may ari nito at nawala sa mga kamay niya...posible ding mawala ito sa kamay ko. Hindi pwede, hindi ko hahayaang mawala sakin ito. Gagawin ko ang lahat para mapanatili ang pocket watch na ito sa pagmamay-ari ko.

Sa wakas nakauwi na din ako aa bahay. Madali akong yayaman kung gagamitin ko ang pocket watch sa pagsusugal pero lilipat ako ng ibang casino. Sa ngayon ay hindi muna ako bibili ng mga gamit dahil siguradong itatanong ng mga magulang ko kung saan galing iyon.

"Kuya, kumain kana may pasalubong kami sayo ni mama." sabi ni bunso

"Busog pa ako e, mamaya kakainin ko yan."

Pumasok si mama kasunod ko.

"Oh ma saan ka galing?" tanong ko
"Diyan sa kanto bumili ng pang rekado sa ulam mamaya. Nahagip nga yung braso ko ng itim na sasakyan na pumasok sa kalye buti nalang mabagal ang takbo." kwento ni mama

"Nagalusan ka?" tanong ko.

"Hindi naman, kaya hindi nako nagreklamo hinayaan ko nalang dumiretso yung sasakyan." sagot ni mama.

"Kasikip-sikip ng kalye pumapasok pa dito." medyo galit kong sabi.

"Hayaan mo na hindi naman ako napano."

Umakyat na ako ng kwarto. Ako yung klase ng tao na mas madalas mag isip kesa magsalita. Pumupunta ako ng kwarto dahil tahimik doon. Perpekto ang lugar na iyon para mag isip. Iniisip kong mabuti ang mga nangyari kanina sa casino. May mga mali akong step na nagawa kaya kailangan kong mag ingat pa ng husto sa susunod. Naisip ko rin ang tungkol sa manunugal na sinasabi ni Riel Garcia. Sino kaya iyon? Habang nag iisip ay pumasok sa isip ko ang tindero sa banketa.

...

-sakit sa bangs mag isip 😣

don't forget to vote, comment ☺

...

Time RepeaterOn viuen les histories. Descobreix ara