Chapter 9

1.5K 73 12
                                    

"Draile, bakit tulala ka diyan?" Linapitan ako ni Clarice sa upuan ko.

Napatingin ako sa kanya.

"Ah wala, may iniisip lang."

"Babae siguro?" Pangaasar niya

"Hindi kaya, nakasimangot nga ako dito eh."

"Bakit may problema kaba?" Pag aalala niya.

"Wala, stress lang to."

"Nagpuyat ka nanaman sa wrestling no?"

"Kabisado mo talaga ako." Nakangiti kong sabi.

"Sa sabado may practice kame ng choir ng tanghali. Gusto mo review tayo pagkatapos ng practice?" yaya ni Clarice.

"Sige wala naman akong lakad sa sabado." Pag payag ko.

Dumating ang araw ng sabado. Nandito ako sa school at hinihintay kong matapos ang practice nila Clarice. Walang masyadong tao ngayon dito dahil weekend.

Tiningnan ko ang oras sa pocket watch, 3:05 na. Natulog muna ako sa upuan sa gilid ng AVR kung saan nagpa-practice ang choir.

"Draile gising!"

Narinig ko ang boses ni Clarice. Ginigising niya pala ako.

"Nagbabaan na sila tara bumaba na rin tayo." hinawakan ni Clarice ang kamay ko para tulungan akong tumayo.

Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. Isinabay ko ang oras ng cp ko sa pocket watch simula nung pumunta ako ng casino. 4:30 na, nakatulog pala ako ng mahigit sa isa't kalahating oras.

"Doon tayo sa bench mag review, may dalawa't kalahating oras pa tayo." sabi ni Clarice

Pababa palang kami ng hagdan nang makita namin doon ang isang lalaking nakasuot ng jacket at may mask ang mukha niya. Bigla itong bumunot ng baril.

Hinawakan ko ang kamay ni Clarice saka kami tumakbo sa pasilyo.

"Doon tayo dumaan sa kabilang hagdan."

Kinakabahan na ako ng mga sandaling iyon. Ang tanging naiisip ko lang ay tumakbo.

Pagdating namin sa kabilang hagdan ay nandoon din ang lalaking naka-mask. Nahulaan niya pala ang galaw namin.

Dinala ko si Clarice paakyat ng 4th floor. Narinig ko ang putok ng baril. Hawak ko lang ang kamay ni Clarice. Tatakbo kami hangga't may matatakbuhan.

Pagdating namin ng rooftop ay isinara ko kaagad ang pinto pero wala itong lock.

"Pano ito ilo-lock?!" Pagkataranta ko.

"Draile.." tinawag ako ni Clarice.

Paglingon ko sa kanya ay nakita kong may dugo siya sa bibig. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Hindi ko alam ang gagawin. Bigla nalang siyang bumagsak sa sahig.

"Clarice!" Linapitan ko siya at nakita kong may tama siya ng bala sa likod.

Agad kong kinapa ang pocket watch sa bulsa ko pero inabot ni Clarice ang kamay ko.

"Draile..may sasabihin ako.."

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko para madukot ko ang pocket watch.

"Mamaya kana magsalita. Hindi ka mamamatay!" inilabas ko ang pocket watch galing sa bulsa ko.

Ia-adjust ko na ang oras pabalik ng isang oras para maulit doon sa oras na tulog palang ako. Bakit natulog ako kanina?! Huli na ang lahat kapag nagising ako dahil siguradong nasa school na ang lalaking naka-mask. Pero wala ng pagpipilian, atleast doon ay hindi pa nababaril si Clarice at may kaunting minuto pa para baguhin ang mangyayari.

BANG!!!

Tinamaan ng bala ang kanang kamay ko at nabitawan ko ang pocket watch.

"F-ck!" nakita ko ang lalaking naka-mask sa may pinto ng rooftop.

Dinampot ko kaagad ang pocket watch gamit ang kaliwang kamay ko saka tumakbo.

BANG!!!

Tinamaan ng bala ang kaliwang binti ko kaya sumubasob ako sa sahig at nabitawan ko ang pocket watch. Tumalsik ito sa tapat ng kabilang pinto ng rooftop.

Pinilit kong gumapang para maabot iyon kahit parang huli na ang lahat. Nakita kong lumabas sa pinto ang dalawang guard.

"IBABA MO ANG BARIL MO!" iyon ang mga salitang narinig ko.

Namamanhid na ang katawan ko at nakakaramdam ako ng antok.

Ang pocket watch...

Nahawakan ko muli ang pocket watch. Ito ang huli kong nakita pagkatapos ay hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

End of Chapter

-sa mga nagtatanong po kung saan mabibili yang pocket watch, sori po kasi nag iisa lang yan 😂 Hintayin niyo po mawala kay Draile ☺

Don't forget to vote, comment




Time RepeaterWhere stories live. Discover now