Chapter 7

1.9K 84 21
                                    

Bakante ang sumunod naming klase dahil hindi nakapasok ang teacher namin. Naisip kong mag computer muna sa labas ng school kaya pumuslit ako sa gate habang may kausap ang guard ng school. Naging matagumpay naman ang paglabas ko.

Napansin ko ang isang ibon na namumulot sa lupa. Biglang may sumakmal na pusa sa ibon pero nadaplisan lang ang isang pakpak nito. Agad na lumipad ang ibon pero bumagsak din ito nang makalayo ng kaunti sa pusa.

Kawawang ibon..dumiretso lang ako ng lakad papunta sa computer shop dahil kating-kati na ang mga kamay ko. Hustle pa kapag ginamit ko ang pocket watch para lang iligtas ang isang ibon.

Nakita kong papalapit ang pusa sa ibon kaya sinaway ko nalang ito at agad din namang nanakbo palayo. Maglalaro lang ako ng isang oras  dahil may tatlo pa kong klase na dapat pasukan.

"Draile, san ka galing? Bakit wala ka kanina sa english at mapeh?" tanong ni Clarice pagbalik ko sa room.

"Sumakit ang tiyan ko kanina kaya tumambay ako sa clinic kanina." pagsisinungaling ko.

"Ano okay naba ang tiyan mo?" pagaalala niya

"Uminom na ako ng gamot."

"Nag quiz tayo kanina sa english na miss mo tuloy."

Ikaw lang naman ang namiss ko dito. Ngek.

"Okay lang kaya ko namang habulin yun."

"Hindi naman yun eh, 5/10 lang ang iskor ko kasi wala akong nakopyahan." nakangiti niyang sabi.

"Hahahaha, seryoso?"

"Hindi, joke lang naka 9/10 ako no. Nag aaral na din akong mabuti nakaka-inspire ka kasi." hinampas niya ako ng hawak niyang notebook sa balikat.

Medyo nalungkot ako sa sinabi niya. Hindi ako deserving sa mga papuring iyon dahil hindi ko iyon pinaghirapan. Pero ano bang pake ko doon? Ang mahalaga sakin ay pinapadali ng pocket watch ang buhay ko.

"Malapit na ang exam, sabay tayong mag review gaya nung ginagawa natin noong elementary pa tayo." pagyaya niya

Napangiti ako sa sinabi niya. Masarap talagang magkaroon ng long time bestfriend. Sana nga ay siya na rin ang mapangasawa ko. Ang sarap isipin pero masakit din dahil alam kong kaibigan lang talaga ang tingin niya sakin.

"Sige ba, gusto ko iyang naisip mo." masaya kong tugon sa kanya.

Pagkatapos ng huling subject ay uuwi na sana kaagad ako sa bahay nang maalala kong dadaan nga pala ako ng palengke para mag imbestiga.

Dumaan muna ako ng palengke at hinanap ko kung nandoon pa ang banketa ng lalaking nagbenta sakin ng pocket watch. Naroon parin ang banketa at nagtitinda parin siya ng mga alahas. Lumapit ako ng kaunti para makapagmasid ng maige pero natatakpan ako ng mga pirated dvd na nakasabit. Doon ako nagtago para hindi niya ako makitang nakatingin sa kanya. Kitang-kita ko siya sa mga puwang. Wala naman siyang ginagawang kakaiba. Normal lang siyang nagtitinda sa mga costumer.
Bigla siyang lumingon sa kinaroroonan ko at nagtama ang mga paningin namin. Ngumiti siya sakin ng masama. Napatakbo nalang ako bigla palayo. Nakaramdam ako ng takot sa mga titig niya. Napakalayo ng natakbo ko, huminto lang ako nang makaramdam ako ng hingal.

Huf..Huf..Huf..

Pano niya ako nakita doon? Nakakatakot ang lalaking iyon..alam niyang ako ang pinagbentahan niya ng makapangyarihang pocket watch! Ano nang gagawin ko? Mukhang alam niya ang tungkol sa kapangyarihan ng pocket watch. Who the hell on earth is he??

...

-sensya na po kung medyo maikli lang ang chapter 7. May certain goal lang po kasi ang bawat chapters ng Time Repeater. Hangga't maaari hindi ko na dinadagdagan ng worthless scenes ☺

don't forget to vote, comment 😉

Time RepeaterWhere stories live. Discover now