Chapter 29 - Itlog

45 2 6
                                    

Long time no see ulit. Thank you ulit guys kahit hindi ako nakakapag-update somehow may bumabasa pa rin nito. Basa lang guys.

Ano namang eksena 'to? Bakit andami nila?, ang tanong ni Beatriz sa sarili nang makita niyang nakahilera ang mga senior students sa lobby ng highschool building.

"At ang lakas talaga ng loob! Pumasok pa!", ang banat na naman ni Kendra.

Hindi pinansin ni Beatriz ang pangaasar at nagpatuloy sa paglakad. Maya-maya lamang ay bumagsak siya sa lapag dahil sa pagtalisod sa kanya ng isang hindi kilalang estudyante. Nagtawanan ang lahat. Tumayo siya sa pagkakatalisod at hindi pa rin pinansin ang mga ito. Nagpatuloy pa rin siya sa paglakad. Walang mangyayari kapag pinatulan pa niya ang mga ito. First day ng exam ngayon kaya dapat good vibes siya.

Nakakailang hakbang pa lamang siya ay may humila ng kanyang buhok. Hindi na siya nakapagpigil. Papalagpasin na sana niya pero nakita niya ang pagmumukha ng K-girls na gigil na gigil sa pagtawa habang hila-hila nila ang kanyang malambot na buhok.

Nanlaban siya hanggang sa mahila niya ang buhok ng tatlo at kanyang pinagbuhul-buhol.

"'Yan ang bagay sa inyo mga bruha! O kayo? Ano pang ginagawa niyo diyan? Imbis na magsipag-aral kayo! Don't tell me gusto niyong matulad dito sa mga 'to?", ang gigil na gigil din na wika ni Beatriz habang ipinupusod ang kanyang buhok.

Dali-daling nag-alisan ang mga estudyante nang dumating si Mr. Benayo.

"Anong kaguluhan ito? Beatriz? Ano na naman ginawa mo?"

"Naku Sir! Tinuruan ko lang po ng leksyon mga 'yan! Sabunutan ba naman nila ko e di 'yan inabot nila."

"Naku iha! Hindi mo ba alam na..."

"Na? Anak sila ng shareholders?"

"Ayun na nga Sir eh. Naturingang anak ng mga edukadong shareholders, pero ganyan sila.", ang putol ni Beatriz sa homeroom teacher.

Hindi na nakaimik ang guro. Hinayaan na lamang na umalis si Beatriz. Tinanggal naman niya ang pagkakabuhul-buhol ng buhok ng K-girls.

"Bakit niyo ba kasi kinakalaban 'yung babae na 'yun e daig pa nun si Hulk!"

Hindi na lamang umimik ang K-girls. Kinimkim na lamang ang kahihiyan at pagkatalo kay Beatriz.

________________________________________________

Nandito na si Beatriz. Kanina ko pa siya inaabangan. Nakapusod siya ngayon. Mas lalong naemphasize ang maganda niyang mukha. Bakit ang saya ko 'pag nakikita ko siya? Kahit hindi niya 'ko sinipot sa first date sana namin... ok lang. Hindi pa rin ako nagagalit sa kanya.

Ayan papalapit siya sa'kin. Alam kong lalapit siya para kamustahin ako.

"Bernard! Mabuti naman at nakapasok ka na. Ok ka na ba? Kamusta na pakiramdam mo?", ang tanong niya sa'kin.

"Ah... am.. ok na'ko."

"Ah... mabuti naman kung ganon. Pasensya ka na huh. Next time na lang ulit tayo magjogging."

Kung may next time pa...

"Walang problema. Kalimutan mo na 'yun. Ang importante nakaalis na'ko don sa ospital na 'yun."

Ang importante nakikita kita....

"Alam mo bang galit na galit sa'kin lahat ng senior students?"

"Bakit naman?"

"E kasi di mo raw sila nareview. Ako sinisisi nila."

"'Wag mo na silang pansinin. Ganyan talaga mga 'yan. Kailangan lang naman nila 'ko tuwing exam."

"Feeling ko nga."

"E ikaw ba nakapagreview ka?", ang tanong ko sa kanya.

"Hindi eh. May time pa ba? Baka pwede mo naman akong turuan muna? Habang wala pa si Ma'am."

Lumapit sa'min si Ruby. Inilapag ang notebook niya sa desk ni Beatriz.

"Hindi pa maayos ang condition ni Bernard. Hayan ang notes ko. Basahin mo na lang.", ang wika ni Ruby kay Beatriz.

"Ah ganon ba. Ah sige salamat huh."

Kinuha ni Beatriz ang notebook ni Ruby. Tiningnan ito. Nandilat ang kanyang mga mata.

"Wow!"

"Bakit?", ang tanong ko.

"Pambihira. Ang ganda ng sulat mo Ruby. Sulat babae! Pambihira talaga!", ang OA ni Armalite girl.

"Malamang babae ako eh!"

"Oo nga. Babaeng manok."

"Huh?"

"E parang kinahig ng babaeng manok 'tong sulat mo. Pa'no ko maiintindihan 'to?"

Kinuha ko ang notebook ni Ruby. Tiningnan ang sulat niya. Tama ako. Hindi naman panget ang sulat niya. Natawa naman ako kay Armalite girl.

"Anong sabi mo? Kinahig ng chicken 'tong notes ko? Sabihin mo hindi mo lang talaga maintindihan. Diyan na nga kayo!", ang iritableng sagot ni Ruby.

Makikita sa mukha ni Ruby ang pagkainis samantalang tuwang-tuwa naman sa pang-aasar si Armalite girl.

Maya-maya lamang ay dumating na ang si Sir Benayo. Since homeroom teacher namin siya, siya ang nagpapaexam sa lahat ng subjects namin. Dala-dala niya ang trolly niya. Tiyak na punung-puno na naman ito ng test papers.

Tahimik na ang lahat maliban kay Armalite girl na kanina pa ko tinatawag. Hindi ako lumilingon dahil alam kong pagagalitan kami ng teacher.

"Ano yan Beatriz? May problema ba?", ang tanong ni Sir Benayo.

"Ah Sir. Wala naman po. Ang gwapo niyo ngayon Sir... ay maganda po pala.", ang bola na naman nito sa guro na labis na ikinatuwa naman nito.

"Salamat iha. O Siya. The examination will begin in just a few minutes. So please make sure to prepare your clean desk. Ballpen lamang ang makikita ko! Naintindihan ba?!", ang paalala ng guro habang naglalakad-lakad para icheck ang desk namin kung malinis.

Busy na kaming lahat sa pagsagot sa exam. Number 1 rule: Walang lilingon. Tumingin lamang sa test paper. So kahit tinatawag ako ni Beatriz, hindi talaga 'ko lumilingon.

Tapos na'ko. Kaagad kong ipinasa ang test papers ko. Nagulat ako nang makita ko si Beatriz na magpapasa na rin ng test papers. Poker face siya. Hindi ko tuloy malaman kung galit siya na hindi ko siya pinakopya.

"Tara na kain tayo.", ang yaya ni Armalite girl. Nabunutan ako ng tinik nang siya ang unang pumansin sa'kin.

"Grabe ka Bernard! Hindi mo man lang ako pinakopya! Ikaw ang may kasalanan pag nabokya ako sa test huh!"

"Huh? E kasi..."

Tumawa siya.

"Joke lang. Ano ka ba! Ok lang 'yun. Wala naman akong magagawa. Hindi naman talaga 'ko nag-aral. Sanay naman ako sa itlog."

"Huh? E wala ka ba talagang naisagot?"

"May nabasa kong isang word don sa notes ni Ruby kanina. Yun lang naisagot ko. Sana tama pagkakabasa ko."

Tawa ulit siya.

Bakit parang ang gaan-gaan lang sa kanya lahat? Masaya ba talaga siya o idinadaan na lamang niya sa tawa?


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OVERWEIGHT? Can LOVE Wait?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon