Chapter 8 - Jisa, Krolawa, Shotlo, Lydia De Vega!

144 17 11
                                    

“Ikaw?”, ang gulat na tanong ni Beatriz sa lalaking bumukas ng pinto.

Nanlaki ang mata niya nang makita niya sa kanyang harapan si Bernard. Hindi siya nagkakamaling si Bernard na ubod ng taba ang nasa harapan. Hindi niya inakalang ubod din pala ng yaman ito.

“Ai hindi siya yan, multo lang yan!”, ang asar na singit ni Paula sa kaibigan.

“Sabi ko nga eh.”

 “Naku BFF mauna na’ko huh, naguho ang mga pangarap ko. Mukhang walang boylet dito sa bahay na’to. Piglet meron.”, ang pahabol na bulong ni Paula kay Beatriz na dahilang siniko na naman siya nito para tumahimik.

“Hindi yan piglet, elepante yan.”, ang bulong din naman ni Beatriz.

“Tuloy kayo.”, ang mahinahon na yaya nito sa dalawa.

Kinuha ni Bernard ang dalawang plastic na bitbit ni Paula at ipinasok sa loob. Tinawag nito ang kanyang lola na nasa sa TV room. Ito ay kasalukuyang nanonood ng Korean drama.

“Wow! Ang ganda ng bahay ng classmate mo! Akala ko sa TV lang ako makakakita ng ganito kagandang bahay!”

“Tumahimik ka nga diyan bakla ka. Baka kung anong isipin nila. Relax lang.”

Tumayo saglit si Beatriz. Nakatawag nang pansin niya ang isang malaking painting na pagka-ganda ganda. Halatang mamahalin.

“WOW! ANG GANDA NAMAN NITO! Tingnan mo’to Paula.”, ang di mapigilang paghanga nito sa painting.

“Tumahimik ka nga diyan! Baka kung anong isipin nila. Relax lang!”, ang pang-aasar na sambit ni Paula sa kaibigan.

Magtitingin-tingin pa sana sila subalit dumating na si Bernard kasama ang Lola niya. Iba na ang suot na T-shirt pero yun pa rin ang lalaking nakaprint dito.

“Lola, nagkita po ulit tayo.”, ang bati nito sa matanda at nagmano.

“Oo nga. Maupo kayo.”

“Kayo po ba ang umorder nitong mga running shirts?”, ang tanong ni Paula habang inilalapag ang mga ito sa centre table na mas malaki pa sa dining table ng bahay nila.

Isinenyas ng matanda ang T-shirt na suot niya at tumugon, “Hindi naman obvious iha diba?”

Napangiti si Beatriz. Pigil naman ang pagtawa ni Paula. Ang cool kasi ng Lola ni Bernard. Matanda na pero malakas pa rin. Nagawa pang sumali sa marathon, sa’n ka pa? Kung gaano kalakas si Lola siya namang kinahina-hina ng apo niya.

Kumuha ng isang running shirt si Lola para tingnan kung maayos ang pagkakatahi. Maaliwalas naman ang mukha niya nang makita niya ito. Satisfied naman. Kinuha niya ang wallet niya na ipinatong kanina sa side table. Naglabas ng pera at iniabot kay Paula.

“Ito nga pala yung balance ko. Sabihin mo sa nanay mo, salamat. Sa uulitin.”

“Sige po lola. Maraming salamat din po rito. Mauna na po kami.”, ang paalam nito pagkatapos niyang mailagay sa body bag niya ang may kakapalang datung.

“Hindi ba muna kayo magmemeryenda? Teka lang. Maupo muna kayo diyan at maghahanda lang ako ng makakakain.”

“Ay hindi na po Lola. Kumain na po kami.”

“Naku Lola ‘wag kayong maniwala diyan kay Beatriz. Naglakad lang kami papunta dito. Actually gutum-na gutom na po ako.”

“Napagod po ako kakabuhat dito sa mga T-shirt na’to.”, ang habol pa ni Paula kaya naman siniko na naman siya ni Beatriz.

“Ah siya sige sige diyan lamang kayo at kukuha ako ng konting makakain. Halika Apo at tulungan mo’ko.”

Tumambad sa harapan nila ang napakaraming pagkain. Napalunok si Beatriz maging si Paula. May fried chicken, burger , fries at iba pa. Tumingin si Beatriz kay Bernard. Tumingin sa pagkain. Tumingin ulit kay Bernard. Hindi na siya magtataka kung bakit ganoon na lang kataba ang apo ni Lola. Busug na busog naman pala sa pagkain.

“Naku Lola. Sigurado ba kayong meryenda lang ‘to? Sa dami nito, solve na ang almusal, tanghalian at hapunan ko sa mga susunod na araw. Mga 10 days siguro.”

“Ano ka ba iha? Maliit na bagay lang ‘yan. Sige na kumain na kayo. Halika na Bernard at sabayan mo na sila.”

Nang matapos silang kumain ay nag-paalam na sila. Siguradong naghihintay na ang nanay niya. Wala silang mapuntuhang tricycle palabas. Tinanggihan na naman kasi ni Beatriz ang alok ng matanda na ihatid na sila palabas ng subdivision.

“Ang arte arte mo kasi Beatriz. Masyado ka kasing mapride. E di sana naranasan din nating sumakay sa kotse ng mayayaman. Siguradong paglalakarin mo na naman ako noh!”

“Ano ka ba? Pinakain na nga tayo. Aabalahin mo pa yung matanda para mag-drive.”

“Sabagay. Nakakahiya naman kay Lola Ida. Hayaan mo na nga, malay mo may makasalubong tayong boylet dito.”

“Hay naku. Lalaki na naman.”

Ineenjoy ng magbestfriend ang mga tanawin sa subdivision. Hangang-hanga sila sa mga itsura ng kabahayan dito. Kailanman ay hindi naisip ni Beatriz na rich kid pala si Bernard Chan at isa sa mga nag-mamay-ari ng isa sa magagandang bahay sa Makati. Hindi naman kasi halata sa kanya. Sabihin na nating sagana siya sa pagkain pero bukod don hindi mo na siya kakakitaan ng anumang sign ng pagiging mayaman. Mukhang panget kasi mataba. Pero may itsura naman. Mataba lang ang mukha kaya di pansin ang kagwapuhan. Mas napapansin kasi ang malalaki niyang pisngi. Mukhang dugyot kasi laging pinagpapawisan. Walang sense of fashion kasi parang Coke Litro ang katawan. Sino ba naman ang mag-aakalang ubod pala siya ng yaman? Imagine?

“Psssst…”

“Beatriz, naririnig mo ba ‘yun?”

“Ang alin?”

“Psssst…”

“May sumisitsit.”

“’Wag mong pansinin.”

“Psssst…”

“Mukhang may tao sa likod natin.”

“And so?”

“Hey ladies!”, ang tawag ng isang lalaki mula sa likod nila.

Sabay na nilingon ng magkaibigan ang lalaking tumatawag sa kanila. He looks familiar. Lumiwanag ang mukha ni Paula at iritable naman si Beatriz. 

“Hey sexy ladies. Dito rin kayo nakatira?”, ang tanong ng binatang ‘rich kid’ ang datingan.

Nagtatakip ng mukha si Beatriz para hindi ito makilala ng kaharap.

“Hindi.”, ang mabilis na sagot ni Beatriz habang nagtatago pa rin sa kausap.

“Oo.”, ang mabilis na sagot ni Paula habang nagpapacute sa binata.

“Wow! Talaga? Teka lang Miss, why are you hiding yourself?”

“May problema ba sa face niya?, ang curious na tanong ng binata kay Paula.

“Huh? Teka BFF ano nangyayari sa’yo? May boylet.”, ang pangungulit sa kaibigan habang hinahawi ang kamay na nakatakip sa mukha.

Napagdesisyunan na rin ni Beatriz na tanggalin ang kamay niya sa kanyang mukha. Alam niyang tiyak na hindi siya makakatakas sa mga ganitong pagkakataon.

“Oh, you’re pretty. You have a nice skin naman. Anong kinakahiya mo?”, ang puri ng binata kay Beatriz.

“But wait you look familiar. Parang nakita na kita. Let me think.”

 "Talaga?", ang excited na tanong ni Paula.

“Paula, pagcounting ko ng shotlo. Lydia De Vega na huh?!”, ang weird na bulong sa kaibigan.

"Ano wit kita marinig?"

Sinesenya ni Beatriz na kailangan na nilang tumakbo pero parang hindi magets ni Paula. Medyo slow ang baklang bestfriend.

“Huh? Anong pinagsasabi mo?”

“Basta sumunod ka na lang!”

“Jisa.”

“Krolawa.”

“Now I remember, you’re that crazy girl.”

“Shotlo.”

“Lydia de Vega!.”

"Takbo!"

OVERWEIGHT? Can LOVE Wait?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon