Chapter 5 - To the Rescue

181 18 15
                                    

This chapter is dedicated to gemvilla and UrSoKuLoT

My guardian angel, bumaba ka muna dito saglit please. Kahit mga 2 minutes lang.

"Hoy Taba!"

Sa pagkaka-alam ko mahinhin ang boses ng mga anghel. Pero bakit ganon? Sino na naman ba 'tong sumisigaw na parang nasa Zamboanga City ang kausap? Naku! Si Beatriz na naman pala. Mukhang gagatungan pa yata 'tong si Webster. Maawa ka naman sa'kin Armalite girl! 'Wag ka nang makisali!

"Sumama ka sa'kin. Pinapatawag ka ng principal."

"Huh? Ako?"

"Nagpapatawa ka ba? May iba pa bang mataba dito?", ang sagot niya sa'kin. Kinindatan ako. Don't tell me type ako nito.

"Aba'y ano ba! Ano pang hunihintay mo? Sumama ka na sa'kin".

Isa pang kindat. Hay ewan slow talaga ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari dito sa babaeng 'to. Hinila ang damit ko para makatayo ako mula sa pagkakaluhod.

"Tara."

Tila nagbago yata ang isip at hinila ako pabalik. Ayoko nang bumalik sa eksena. Talaga 'tong babaeng 'to. Hindi ko alam kung anong iniisip niya sa mga panahong 'to.

"Teka lang. May nakalimutan ako."

Nagulat ang marami nang dinuru-duro niya si Webster.

"Ikaw! Anong pangalan mo?"

"Webster bakit?"

"Webster? Ang bantot ng pangalan nito!", ang pagbulong niya pero narinig pa rin ni Webster na dahilan na ikinainis nito.

"May problema ka ba sa pangalan ko?"

"Huh? Ah wala naman Webster! Teka! Yun yung dictionary? Webster Dictionary tama?"

"E ano ngayon?!", ang inis na tanong ni Webster kay Beatriz.

"Ah Webster, pwede ba'kong pumik-up line?"

Nawiwirdohan ako sa kanya. Anong pick-up line pinagsasabi n'ya. Sige tingnan natin.

"Ano Boss, pipick-up line raw?", ang tanong ng isa sa mga dare devil friends ni Webster.

"Ah sige pagbigyan natin. Mukhang bago yata 'to eh."

"OK GO!", ang sabi ng isang daredevil friend.

Heto na. Pick-up line na. Manalangin tayo.

Nakita kong bumwelo si Beatriz sa pamamagitan ng paglunok. Huminga ko ng malalalim.

She's ready.

"WEBSTER, dictionary ka ba?"

"Eh kung sabihin kong hindi?", ang pang-asar niyang sagot sa kausap.

"'Wag kang basag trip!"

"Ok fine!"

"Oo bakit?"

"E kasi puro ka salita!", ang sigaw niya kay Webster na may kasamang pag-duro ulit ng kamay.

"Ano?!"

"Oo ikaw. Puro ka salita! Puro ka satsat! Puro ka yabang! Ligpitin niyo 'tong kinalat niyo at baka ikaw, ikaw, ikaw, kayong lahat ang unahin kong isumbong sa principal!", ang galit na galit niyang wika sa tatlong bugok.

OVERWEIGHT? Can LOVE Wait?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon