Chapter 4 - My Guardian Angel

221 19 16
                                    

Good morning! Papasok na'ko sa school. Second day. Hopefully, it's gonna be a good day. Naparami na naman ako ng kain kanina. Happy tummy! Ewan ko ba, walang sawa ang pagkain sa'kin. Hindi ako nilulubayan.

Nakita ko si Mang Tanong magtataho sa harap ng gate ng school. Ngumiti siya sa'kin nang makita niya 'ko. Matagal na niya 'kong suki. Magmula pa noong bata ako umiinom na'ko ng paninda niyang taho. Tuwing umaga inaabangan niya ang pagdating ko.

"Magandang umaga po Mang Tano!", ang masayang bati ko sa kanya.

Hinihingi niya sa'kin ang espesyal na lalagyan ko ng taho. Kinuha ko ang tumbler ko mula sa bag.

"Heto po. Punuin niyo po ulit Mang Tano huh?!"

"Abay oo naman Bernard. Ikaw pa. Takot ko lang diyan sa Tiyan mo."

Nandilat ang mata ko nang dagdagan pa niya ng maraming sago at espesyal na syrup.

"WOW!"

"Heto na boy! Para sa mga alaga natin!"

Inabot ko ang bente pesos sa kanya. Sulit na sulit ang pera ko sa sobrang sarap ng taho niya.
Ang asawa raw ni Mang Tano ang gumagawa nito, may halong pagmamahal daw kaya masarap.

"Salamat po! Bukas po ulit Manong! Mauna na po ako. Sana makabenta po kayo ng madaming-madami!"

Nagpaalam na'ko nang may lumapit na tatlong estudyante para bumili.

Isang mainit at malinamnam na taho para sa isang magandang umaga.

CHEERS!

May 10 minutes pa bago magstart ang P.E. class. 1st subject namin tuwing every Tuesday. Si Ma'am Alinsunurin ang teacher namin. Nasa early 30's siguro. Mabait. Magaling magturo. Super ganda. Siya ang pinakamagandang teacher sa buong campus. Sexy at pinapantasya ng karamihan. Hindi ako kasama don huh.

Sa 2nd floor ang classroom ng 4th year highshool. Kaya naman ako ngayo'y umaakyat sa hagdan. Parang exercise na rin. Baka sakaling magloose ako ng ilang pounds.

Asa ka pa BEN!!!

Mga kontrabida! Malay niyo naman in 10 months na akyat panaog ako dito diba? 'Wag mawalan ng pag-asa habang mataba. Ay mali pala. 'Wag mawalan ng pag-asa habang bata pa.

Binuksan ko ang pinto sa likod ng classroom namin. Isang estudyante lamang ang nakikita ko. Nasa'n ang mga classmates ko? At ano namang ginagawa ni Armalite girl dito ng nag-iisa? Wala naman nabanggit sa'kin kahapon si Ma'am na sa gymnasium ang klase.

Inilagay ko ang bag ko sa aking upuan na nasa likod ni Beatriz. Nakaupo lamang siya sa kanyang upuan. Tuwid na tuwid ang likod sa pag-kakaupo. Nakatikom ang mga kamao na tila manununtok. Lalabas na sana 'ko ng classroom para hanapin kung nasa'n ang mga classmates ko nang magsalita si Armalite girl.

"Hoy! Ikaw lalaking malaki ang tiyan! Ikaw ang may gawa nito diba?"

Hindi ko alam ang sinasabi niya. Ako na walang malay. Napatigil ako. Muli siyang nagsalita. Galit pa rin ang tono niya. Ano na naman ang drama nitong babaeng 'to?

"Nagkukunwari ka pang walang alam!"

Lumapit ako sa kanya para liwanagin ang lahat. Nakita ko ang mukha niya. Galit na galit. Just imagine. Magkasalubong ang dalawang kilay. Nanlilisik ang mga eyeball niya. Ngunit ganon pa man nangingibabaw pa rin ang kanyang kagandahan.

"Teka lang. Ano bang sinasabi mo?", ang nagtataka pa ring tanong ko.

Hindi niya ko sinasagot kundi may itinuro siya sa harap. Nilingon ko ang blackboard. Nakita kong maraming nakasulat dito. Kung anu-ano. Kung hindi ako nagkakamali sulat ito ng mga kaklase ko.

OVERWEIGHT? Can LOVE Wait?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon