Chapter 3 - #TheLastGirlStanding

269 18 25
                                    

"Ah."

"Ano po..."

"Base po sa word na classical and modern, medyo self-explanatory na po kasi yun Sir? Ieexplain ko pa rin po ba? Hindi n'yo po ba alam Sir?", ang pilosopong sagot nito.

Tawanan ang buong klase. Hindi niya siguro alam ang sagot kaya dinadaan sa joke.

"OMG. Hindi ito joke time, o show time o kung anu-anong klase pang time iha. Feeling mo si Anne Curtis ka o si Vice Ganda? Mamili ka?", ang pilosopo ring banat ni Sir Reyes dahilan na nagtawanan na naman ang buong klase.

Seryoso ba siya? Bakit siya nandito sa klaseng 'to? Hindi ba niya alam na ang lahat ng narito ay cream of the crops, with high honors nang grumaduate ng elementary. Halos 5 ang naglalaban in each ranking. Walang itulak kabigin.

"Ok that's just for now. Pagbibigyan kita dahil bago ka pa lang. Sa susunod hindi ko na papalagpasin yang mga banat mong ganyan."

Nilapitan siya ni Sir Reyes. Tiningnan mula ulo hanggang paa. Hinawakan ang baba. Tinitigan ang kanyang magandang mukha. Poker face naman si Beatriz. Wala yata sa bokabularyo niya ang mapahiya. Kung ako ang nasa kalagayan niya kanina tumatagaktak ang pawis ko at bala mapawalk-out pa'ko.

"Sayang maganda ka pa naman. Please lang payo ng iyong lingkod na kapanalig. Itaas mo ang bandila nating mga kababaihan.", ang pagkasarkastiko niyang paalala kay armalite girl.

"CLASS DISMISS."

Hindi pa rin siya natitinag mula sa pagkakatayo niya. Hindi umaalis sa pwesto. Nananatili pa ring nakatayo habang ang mga classmates namin ay isa-isa nang nagsisilabasan. Hinihintay ko kasing umalis siya bago ako umalis. Ipinagbilin kasi sa'kin ni Sir Benayo na siguraduhing nakaalis ng maayos ang mga classmates ko at malinis ang classroom bago ilock. Nag-ayus-ayos muna ko saglit ng mga upuan. Pinulot ang konting kalat. Lumingon ako sa pwesto niya ngunit nandoon pa rin siya. Seryoso? The last girl standing ay si Armalite Girl.

"Miss, anong oras mo balak lumabas ng room? Kasi uwing-uwi na'ko. Alam mo na. Gutom na'ko. Kaya please lang. Almost 30 minutes ka ng nakatayo diyan. Galaw galaw din 'pag may time.", ang medyo iritable kong wika sa kanya.

"Bakit sinabi ko bang hintayin mo'ko?!", ang sigaw niya sa'kin at dinugtungan pa niya ng panibagong sigaw.

"Umuwi ka na!"

Ano kayang nakain nitong babaeng to? Sama ng loob? Makasigaw wagas.

"Binilin kasi sa'kin ng homeroom teacher natin to make sure na maayos ang class room at nakauwi na kayong lahat. Irereport ko kasi sa kanya kaya makisama ka naman."

"Umalis ka na! Ako na lang maglalock ng pinto!!!"

Galit na galit siya. Nakasigaw na naman. Hay! Nakakarindi!

"Ok fine. Madali naman ako kausap. Basta ilock mo ang pinto. Punta na'ko kay Sir Benayo huh? Ikaw na bahala!"

Iniwan ko na siya. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Nashock siguro siya kay Sir Reyes. O baka nashock sa tanong. Mabait naman si Sir. Eventually masasanay din siya sa technique ng pagtuturo niya. Kaya nga cream of the crops ang klase namin dahil na rin sa expertise niya. Araw-arawin ba naman ang quiz, graded recitation at kung anu-ano pang activities ewan ko na lang kung hindi pa mahasa ang estudyante. Saan ba kasing lupalop galing yung Beatriz Mercado na yun. Parang walang natutunan sa kanyang pag-aaral. Kung may shouting na subject siguradong mageexcel siya.

Napakalakas ng TV nang dumating ako sa bahay. Nanonood na naman si lola ng korean drama. Ito lamang ang tangi niyang libangan maliban sa pagluluto ng pagkain ko. Seryosong-seryoso siya sa panonood. Ilang beses na niya yata napanood 'tong si Gu Jun Pyo. Ako na nauumay para sa kanya. Sa lakas ng TV hindi niya namalayan na dumating na'ko. Lumapit na lamang ako sa kanya at nagmano.

OVERWEIGHT? Can LOVE Wait?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon