Chapter 20- Bucketlist

86 7 13
                                    

"BFF naman! Ngayon lang tayo nagkita, tapos busy ka pa. Ano ba 'yang ginagawa mo? Ba't di mo'ko pinapansin? Teka, don't tell me gumagawa ka ng assignment? Wow! Congrats friend! I'm so proud of you! You're a changed person! Nawala lang ako nang ilang araw, naging normal na tao ka na.", ang kulit ni Paula sa bestfriend ngunit hindi pa rin siya pinapansin nito.

"Ah so ganyan ka na, nakapag-aral ka lang sa magandang school hindi mo na pinapansin ang bestfriend mong bakla."

"Hoy bakla! Nakita mong nagcoconcentrate ako dito! Tingnan mo nga 'to? Wala pa'kong naisulat kahit isa pero ikaw andami mo nang sinabi!", ang tugon niya habang ipinapakita kay Paula ang blankong bond paper.

"Ah so narinig mong lahat ang mga sinabi ko?"

"Oo naman! Ilang beses ko ba sasabihin na mahina ang utak ko pero malakas ang pandinig ko noh!"

"Ah sorry na BFF, namiss lang kasi kita! Pahug nga! Pakiss na rin!"

"Eeewww!!! Kadiri ka talaga!", ang sambit ni Beatriz matapos siyang paghahalikan ni Paula sa pisngi.

"Teka, ano ba kasi yan? Baka matulungan kita.", ang tanong ni Paula sa kaibigan.

"Kasi yung homeroom teacher namin, pinapagawa kami ng bucket list; bucket list daw before graduation."

Kinuha ni Paula kay Beatriz ang bond paper at umupo sa kinauupuan ni Beatriz kanina. Pinaupo ang bestfriend sa tabi niya.

"Alam mo bff madali lang yan! Sampolan kita huh?"

Inagaw ni Beatriz ang papel para tingnan ang isinulat ng kaibigan. Makikitang kumunot ang noo nito at nagkasalubong ang kanyang dalawang kilay. Inilapit ang mukha sa kaibigang bakla. Inabot ang tenga nito at unti-unting piningot.

"Aray! BFF naman!"

"Ikaw bakla ka! Panay kalandian talaga ang alam mo!"

"Aray!!! Bakit naman BFF? Bucket list number one, Magkajowa! O diba bongga? Ano bang masama sa pakikipagboyfriend? Arte mo! Pwede naman itry! No boyfriend since birth, Tse!"

"Alam mo namang wala sa bokabularyo ko yan! Tsaka gusto mo bang pagtripan na naman ako nung teacher kong yun? Antipatiko pa naman yun!"

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Seryoso sa pagbabasa si Sir Benayo ng mga ipinasang bucket list ng kanyang mga estudyante. Tumayo ito matapos kunin ang isang piraso ng bond paper na mula sa mga ipinasang bucket list. Lumapit ito kay Beatriz. Hinawakan ang mukha nito at saka tinitigan. Mapapansing pilit iniiwas ng dalaga ang tingin niya sa guro.

"Bucket list number 1, magkajowa? Anong kalandian 'to? Ipasa mo muna ang mga exam ko bago ka magjowa!", ang antipatikong wika ni Sir Benayo kay Beatriz.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Teka lang, e bucket list naman diba? Meaning it's your personal list. Ikaw naman ang gagawa ng lahat ng ililista mo diyan. Ang teacher mo ba makikipagjowa?", ang pilosopong sagot ni Paula kay Beatriz.

"Sabagay, may point ka diyan BFF, pero wala talaga sa plano ko yang pakikipagjowa na yan. Iba na lang. Suggest ka pa. Sabi kasi ni Sir, dapat creative raw."

"Ah creative ba dapat? Naku, alam mo naman yan ang forte ko.", kinuha ni Paula ang bulaklak nito sa ulo. "O heto, ewan ko na lang kung hindi ka pa maka100 diyan!"

OVERWEIGHT? Can LOVE Wait?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon