Chapter 10 - Mistaken

163 15 8
                                    

 Dedicated to MabelDelosReyes

Nasa dining table ako ngayon. Kaharap ko ang ubod ng dami na namang pagkain. As usual, I can’t stop myself na naman. Kasalanan talaga ‘to ng Lola ko. Siya talaga may kasalanan wala ng iba. Kung makapaghanda kasi ng pagkain parang piyesta. Tatlo lang naman kami dito sa bahay. At ako lang din ang umuubos. Kung makapagluto si Lola, wagas. Ang Lola ko talaga mahal na mahal ako. Parang may factory ng pagkain, unlimited. Syempre PABOR sa’kin. Hehe Nabanatan ko na ang spagetti. Tinitira ko naman ngayon ang favorite kong fried chicken.Isusunod ko naman ‘tong burger na katabi nitong mechado.

“Anak, hindi ka pa ba tapos kumain diyan? Mukhang kanina ka pa diyan diba? ang KJ na tanong ng nanay ko habang nagsasalamin. Inaayos ang suot na dress.

Araw ng Linggo ngayon. Araw ng pagsimba. Nakabihis na’ko pero kumakain pa. Hehe Sina Lola at Mama ay gumagayak na rin.

“Sige na tama na yan Bernard. Maghugas ka na ng kamay mo at mag-ayos. Malelate na tayo.”

Tinakpan ko muna ang hindi ko pa nauubos na fried chicken kasama pa ng iba pang pagkain na nasa hapag. Babalikan ko na lang mamayang tanghalian. Mamimiss ko silang lahat. Agad-agad akong naghugas ng aking mga kamay. Humarap sa salamin saglit. Super saglit lang. Nadismaya kasi ako sa nakita ko. Hindi kaaya-aya. Lalo yata akong tumataba. Nakakalungkot.

Lumapit ang nanay ko sa’kin. Inayos ang suot kong XXXL na T-shirt. Madalas simpleng T-shirt lang ang suot ko sa pagsimba o kahit sa pamamasyal. Kagaya ngayon isang plain na blue T-shirt lamang ang suot ko. Mahirap kasing makahanap ng magagandang damit para sa katulad kong dambuhala. Madalas pasadya ang mga damit ko.

“OK lang yan ‘nak! Para sa’kin ikaw pa rin ang pinakagwapo at pinakamakisig na lalaki dito sa balat ng lupa.”, ang lambing ng nanay ko sa’kin. Nakita niya sigurong nakasimangot ako sa harap ng salamin.

“Talaga Ma?”

“Oo naman! Mana ka sa’kin eh. Sa’n ba sila nakakita ng matabang ganito kagwapo?!, ang lambing muli sa’kin ng nanay ko habang pinipisil ang mga pisngi ko.

“Aba aba aba! Hindi yata ako papayag na sa’yo nagmana yang apo ko!”, ang singit ng aking Lola.

“Syempre naman Lola. Ikaw yata ang pinakamagandang lola sa buong mundo!”, ang lambing ko sa aking pinakamamahal na lola. Niyakap ko siya matapos kong tanggalin ang pagkakayakap ko sa nanay ko.

“O siya tama na ‘yan. Lalanggamin na kayong mag-lola. Tara na.”, ang pigil ni nanay sa kasweetan namin ni Lola.

Sinisiko ako ni Lola. Sinesenyas niya na tingnan ko raw si Ruby at pakinggan siyang kumakanta. Singer sa simbahan si Ruby. Nag-iisang singer. Di kasi uso ang choir dito sa simbaha. Kaya naman si Ruby ang laging kumakanta sa 9 o’clock mass tuwing araw ng Linggo. Maging sa school ay kumakanta rin siya. Member siya ng Music Club.  Hindi naman talaga mapag-kakailang sobrang ganda ng boses niya. Mala-anghel ang timbre nito. Buti na lang maganda ang boses niya. Kung hindi. Poor life.

“Iha, napakagaling mo talagang kumanta. Nakakarelax ang boses mo.”, ang puri ng Lola ko kay Ruby nang matapos na ang misa.

OVERWEIGHT? Can LOVE Wait?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon