Naaalala ko na naman iyong araw na nag-sacrifice ako. Naiiyak na naman ako. Wala akong naririnig na kahit ano kay Lance kaya nagpatuloy ako.

"K-Kapag sumama ako, hindi ka nila guguluhin, kaya... wala akong choice kundi ang piliin na umalis."

"I already know that, Yumiko. Hindi mo na kailangang ulitin pa."

"Lance, iyong... 'yong sinabi kong hindi kita minahal? Lance hindi iyon totoo, maniwala ka sa akin. Mahal na mmahal kita Lance."

"Ano bang kailangan mo at kailangan mong magsinungaling ngayon?" Tiningnan niya ako sa mata.

Umiling ako habang umiiyak. "No, Lance. Hindi ako nagsisinungaling. Totoo ang sinasabi ko. Mahal na mahal kita, Lance sobra. Sobrang mahal na mahal. Sinabi ko lang sa iyong hindi na kita mahal para hayaan mo akong umalis. Dahil alam kong 'pag hindi ko iyon ginawa, hindi ka papayag na umalis ako. At pag hindi ako nakaaalis? Kayo ang mapapahamak. Lance, mahal na m-mahal kita."

"Get out of my room. I don't want to hear any lies from you."

Ayaw niyang maniwala sa akin. Bakit? "Lance maniwala ka..."

"Umalis kana sabi!" Sigaw niya na ikinagulantang ko.

Iyak na ako ng iyak pero wala siyang pakialam. "Lance, hindi ako aalis. Kaya nga ginawa ko ang lahat para makabalik dito, para mabawi kita. Ginawa ko lahat, Lance."

"I SAID GET OUT!!!!"

Hindi ako nagpatinag sa sigaw niya. Tumayo na ako dahil nakatayo na si Lance. Lumapit ako sa kanya.

Hahawakan ko sana siya sa braso ng hawiin niya bigla ang kamay ko. "Huwag na huwag mo akong hahawakan. Wala ka na sa buhay ko, Yumiko. Hindi na kita mahal! H'wag mo ng bilugin ang ulo ko sa kasinungalingan mo! Tangkna lumabas ka na! Hindi kita kailangan!"

Pinilit ko pa ring humawak sa kanya. "Lance, maniwala ka sa akin please. Totoo ang mga s-sinabi ko. Please miss na miss na kita, gusto ko nang maibalik iyong dati. Gusto ko ng bumalik iyong babe ko. Please..."

Halos kapusin na ako ng hininga dahil sa paghagulhol ko.

"Kahit pa anong sabihin mo, hindi ako maniniwala. Kaya umalis kana!"

No choice. Lumuhod ako. "Nagmamakaawa ako, balikan mo na ako Lance. Tanggapin mo na iyong arranged marriage. Mahal na mahal kita, please..."

"Tumayo ka d'yan. Hindi mo ako madadala sa mga pagganyan mo kaya pwede bang lumabas ka na!?"

Galit na galit siya sa 'kin. Nanlilisik ang mata niyang nakatingin sa akin.

Tumayo na ako pero hinarap ko pa rin siya. Hagulhol na yung iyak ko.

"L-Lance..."

"Get out."

"Balikan mo na 'ko, tanggapin mo na iyong arranged marriage. Kahit hindi mo na ako pansinin, kahit wala kang paki sa akin, kahit hindi mo na ako mahal, okay lang sa 'kin basta balikan mo na 'ko. Hayaan mo ako dito sa tabi mo. Hayaan mo akong tawagin kang babe. Hayaan mo akong halikan ka, yakapin ka. Hayaan mo akong..."

Hindi ko na kayang magsalita dahil sa pag-iyak. Ang sakit sakit.

"Uulitin ko, kahit ano pang gawin mo at sabihin mo, hindi na magbabago ang desisyon ko. Kaya pwede ka ng lumabas."

Ganito na ba ka-manhid si Lance? Ginawa ko na lahat. Nagmakaawa na ako pero balewala?

Huminga ako ng malalim bago ulit nagsalita. Wala akong pakialam kung tuluy-tuloy iyong pag-agos ng luha ko.

"S-Siguro nga kahit anong gawin ko, hindi mo ako paniniwalaan. Siguro nga balewala nalang lahat ng sinabi ko ngayon. D-Dahil sa ayaw at gusto ko, kailangan ko tanggapin na... na may mahal ka ng iba."

MY 2: The Vow (EDITING)Where stories live. Discover now