Some time Ago in High School

Start from the beginning
                                    

Agad siyang lumabas ng sasakyan.

"Huy! Dude! Pumasok ka dito! Baka makilala ka nila." Nagpapanic naman na sabi sa kaniya ng pinsan.

"Di yan." Aniya at inaaninag pa rin ang dalaga, nang mapansin niya ang pamilyar na mukhang lumabas ng gate. Si Tanya pala ito na pinsan niya sa motherside.

"Shit!" Napaatras siya at muling pumasok sa loob ng sasakyan. 

"Bakit? Nakilala ka nila?" nagaalalang tanong ni Percival sa kaniya.

"Si Tanya, kabarkada ng baby mo." Sambit niya. "At ng honey ko." Napangiti siya. Just imagining that the girl he saw was his, felt warm inside.

Suddenly, his phone rang. It was Bianca calling.

"Yan! Nakatunog yung girlfriend mo." Natatawang sabi ni Percival.

"Di ko pa siya girl friend." Sagot niya habang nakatutok sa mobile phone. 

"Eh diba sabi mo---" hindi na naituloy ni Percival ang sasabihin dahil tinakpan niya ang bibig nito.

"Diba sabi ko sikretong malupit yun?" naiinis niyang sabi sa pinsan.

Natatawa namang tinanggal ng pinsan ang kamay niya. 

"Tangnang alat ng kamay mo, dude!" Komento nito. "Basta, malaki ka na. Tuli ka na. So, alam mo na dapat mong gawin. Mag-condom---"

"Tara na nga!" Putol niya sa sinasabi ng pinsan. "Kaasar. Libre mo na lang ako. Nagutom ako kakaintay natin dun sa baby mo!" Demand niya dito.

Siya naman ay tinitigan ang mobile phone na nagriring na naman.

"Bakit ba ayaw mong sagutin?" tanong ni Percival. 

"La lang." Sagot lang niya at hinabol ng tingin ang eskwelahan na pinuntahan nila.

"Sagutin mo. Baka gustong ipaalam ni Bianca that's she's pregnant." Pang-aasar pa nito sa kaniya. 

"Di mangyayari yon. I use protection." Inis niyang sagot, at iniba ang usapan. "Ano ulit pangalan nung isang chiks?" pasimple niyang tanong.

"Ulol. Di ko sasabihin sa'yo." Sagot ni Percival. "Diba ga-graduate ka na at pupunta ng Canada kasama ni Bianca?"

"Dude, kahit hindi mo sabihin. Mahahanap ko din siya sa Facebook. Pupuntahan ko lang yung profile ni Rori, mate-trace ko na yung pangalan nun chiks na yon." Aniya.

"Hehehe! Tinamaan ka?" tanong ni Percival. "Sorry, Dude! Di ako papayag na maging two-timer ka. Besides, nililigawan na yun ni Utt."

"Utt? Yung ka-team mate mo sa US?" tanong niya.

"Oo," sagot ni Percival. "He's like a brother to me."

"Teka, blood is thicker than water diba?" hirit niya.

"Oo nga, pero wag ka na! Andiyan na si Bianca, kaya wag kang gago."

"Bad trip!" Asar niyang sabi na ikinatawa naman ni Percival. 

"Tara na! Balik tayong Tagaytay. I-celebrate natin ang pag-alis mo bukas kasama si Bianca sa Canada."

"Bon voyage to me!" Tamad niyang sagot. 

Napaisip siya dahil matagal na niyang inaasam makarating sa Canada at magsimula doon na hindi kasama ang mga magulang. At si Bianca naman ay nagkusang sumama sa kaniya doon upang mag-aral kasama siya. 

Pero nang makita niya ang dalagang mahiyain na yon kanina, tila parang nalungkot siya.

It was a weird feeling, na parang may mabigat na kung ano sa dibdib niya. 

Pero dahil moderno siyang lalaki, hindi siya naniniwala sa kung ano man ang ibig sabihin ng kaniyang nadarama. He's a logical and practical person. He wouldn't just do something out of a weird and heavy feeling.

Years passed and he learned to truly love Bianca, despite of the many times he felt disappointed with her attitude, outlook in life, and behavior

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Years passed and he learned to truly love Bianca, despite of the many times he felt disappointed with her attitude, outlook in life, and behavior. Naging tapat siya kay Bianca. But, he would often  have nightmares about a girl without a face. She was crying and afraid. He wanted to help her, but he couldn't move. Sa isip niya, hindi kaya ito si Bianca na may lihim na pinagdadaanan kaya tila parang nagiging malamig na sa kaniya ang dalaga?

He was confused, until he found out that Bianca was cheating on him. And, he started not to believe in forever, left Canada, and met a woman who was shy.  

She looked familiar, but he was not sure when or where he met her. 

Love in a Rush (Completed/ Published in Dreame app)Where stories live. Discover now