"Morning Yumi." Bati ni James.

"Morning." Sagot ko. Mula ngayon, pipilitin kong hindi tingnan si Lance dahil sa tuwing makikita ko sya, paulit-ulit kong nararamdaman iyong sakit dito sa puso ko.

Umupo na 'ko sa tabi ni Fancy. Bale kaharap namin sina James at Lance.

"Yumi bakit may pasa ka sa braso?" Biglang tanong ni James.

Huh? Napatingin naman ako sa braso ko. Hala may pasa nga. Napano 'to? Teka...

"A-Ah, may nambastos kasi sa akin kagabi sa bar."

"Ano?!"

"But I'm okay. May tumulong naman sa akin."

For sure, kung hindi dumating si Trigger, baka may nangyaring masama na sa akin. Utang ko sa kanya ang kaligtasan ko.

"Wag ka nang pupunta sa bar na mag-isa." Sabi ni James.

"Yes Yumi! What if walang tumulong sayo. Oh my!" Sabi naman ni Fancy.

Tumango nalang ako at nagsimula ng kumain.

"By the way Yumi, hindi ka pa ba papasok sa SWU?" Tanong ni James.

"A-Ah, kasi James baka hindi na 'ko pumasok ulit sa SWU." Sabi ko. Ayoko ng ilihim sa kanila ang tungkol dito.

"Ha? Bakit?"

"Why naman Yumi?"

Nanggigilid yung luha ko pag naiisip ko iyong dahilan ko kung bakit parang ayoko ng pumasok sa SWU. "B-Baka kasi hindi na din ako magtagal dito sa Pilipinas."

Napakagat ako sa labi ko. Anytime kasi alam kong lalagpak ang luha ko.

"Ha? What do you mean?"

I paused for a second bago sumagot. "Iyong dahilan kasi ng pagbalik ko dito sa Pinas, wala na. W-Wala na akong dahilan para mag-stay pa dito." I gave them my fake smile. "K-Kapag pinilit ko pang mag-stay dito, masasaktan lang ako---excuse me."

Mabilis akong napatayo. Hindi ko na kayang pigilan ang luha ko.

Tumakbo ako dito sa may pool area. Naupo ako sa may gilid saka umiyak. Ang sakit sakit pa rin. Ang sakit sakit!

Bakit sa dinami-dami ng tao, ako pa ang napiling makaranas ng ganito? Shit lang kasi. Hirap na hirap na 'ko. Ang hirap mag-pretend na okay ako kahit hindi naman talaga.

Mahal na mahal ko si Lance. Ayaw siyang i-give-up ng puso ko pero ano pa ba? Wala na namang pag-asa e. Wala na! Ba't kasi hindi nalang tanggapin ng puso ko na may mahal nang iba si Lance!

Napasabunot ako sa sarili ko saka umub-ob. Umiyak lang ako ng umiyak. Gusto ko ng mawala ang sakit dito sa puso ko. Hindi ko na kaya e. Hindi na!

***

Lance POV

"I'm so naaawa kay Yumi. I know she's really nasasaktan."

"Hayaan nalang muna natin siya. Huwag mo siyang susundan bubwit."

"But---"

"Hayaan mo nalang siya. Alam kong mas gusto niyang mapag-isa."

Iyan usapan nina James at Fancy nang biglang umalis si Yumiko dito sa dining area.

Nagulat ako sa sinabi niya na baka umalis na din siya dito sa Pilipinas. Ang lakas ng epekto sa akin.

Galit na galit ako sa kanya pero bakit tutol ang puso ko sa balak niyang pag-alis ulit? Tangina.

Tumayo ako at hinanap si Yumiko sa paligid ng bahay.

MY 2: The Vow (EDITING)Where stories live. Discover now