"Ah wag na po!" sinabi ko. Nakakahiya naman kasi eh. 

"Sige na,bahala ka ang layo pa ng lalakarin mo." kung sa bagay. Pero ayoko pa rin!  Nahihiya talaga ko! Sige na nga! 

"Ah sige na nga po." wala eh,no choice dahil baka malate din tong pogi na toh :)

Sumakay na ko at wow ang lamig sa kotse niya. Dun ako sumakay sa likod dahil parang ang awkward naman kung sa harap. Nagsuklay agad ako dahil ang gulo ng buhok ko galing sa sabunutan. Pagkatapos nun nagsalita yung lalaki. 

"So miss,ako nga pala si David,David Tan. Anong year ka na?" tanong niya

"Ah. Hello ako naman si Suzzane,4th year na ko." hindi ko na sinabi yung apilido ko dahil ayokong magyabang or baka mayabangan sakin toh. 

"Ahh pareho pala tayo. Anong room mo?" IMBESTIGADOR?! :3 pasalamat to pogi toh. 

"306" sinabi ko 

"Ahh! Magkalapit lang pala tayo eh!" 

"Talaga? San ka?" tanong ko

"304" sinabi niya. 

Pagkatapos nun may moment of silence na naman at di na rin nagtagal... Nandun na kami sa school. Bumaba na kaming dalawa at nagpasalamat ako sa kanya... 

"Ah thank you nga pala" with matching smiley face nung sinabi ito. 

"You're welcome Suzzane." sinabi niya. 

Hayy ang pogi niya talaga! Pagkascan ko ng I.D. ko sumalubong na naman si Madge at kasama na naman niya si Ralph,parang medyo galit si Madge kay Ralph...

"Sorry na please?" paawa ni Ralph

"Hindi! Ayoko! Ilang beses ka na nagsosorry pero hinahabaan ko lang pasensya ko tapos ngayon isang sorry na naman!" sigaw naman ni Madge. 

"Oh ano na naman nangyare?"  tanong ko sa kanilang dalawa.

"Eh kasi ganito yun. Akala kasi ni Madge pinopormahan ko rin yung isang babae dun kaya nakita ko siya bigla niya kong sinampal!" sagot naman ni Ralph.

"Oh,ano naman masama dun Madge? Nagseselos ka noh?" biglang lumaki ang dalawang mata ni Madge ng sinabi ko ito. 

"OY ! I'm not jealous!" ako naman ay ngumingiti lang na parang weh-di-nga smile

"Hindi nga Suzzane!" sigaw niya

"Eh bakit mo sinampal si Ralph kung hindi ka nagseselos?" tumawa lang si Ralph at ako naman ay parang tinignan siya ng masama at sinabing .. 

"Hmm! Isa pa Suzzane! Ilalagay kita sa report book!" sigaw ni Madge at parang may sumigaw sa bandang likod.. HA! Siya yung nakasabunot ko! 

"No need Madge,reported na siya." tumingin lang si Madge sa kanya na parang sinasabi na "What? Bakit?" at ako naman ay nakatingin lang sa kanya ng masama. 

"Oh anong nangyari sa inyo Suzzane at Felicia?" ahh Felicia pala pangalan nung babaeng salbahe na yun! Walang sinabi si Felica,umirap lang siya at umalis.  pagkatanong niya nito.. Kinwento ko sa kanya at kinwento ko rin yung lalaking naghatid sakin na pogi. At eto ang reaction ni Madge at Ralph.

"Tss mas pogi pa ko dun!" sabi ni Ralph. 

"Hmm kapal ng mukha mo!" sabi ko 

"Naku pag nakita mo yung lalaki pakita mo sakin ah! Baka malay mo magkagusto ako dun!" sinabi ito ni Madge at parang sumesenyas siya na pinagseselos niya si Ralph..  Ngumiti lang ako ng konti. 

Madge's P.O.V. 

Hayy di ko ba alam kung mahal ko ba si Ralph? Hayy! Ayoko na kasing mainlove ulit,ayoko ng mangyari sakin yung dati.... 

FLASHBACK 

"Break na tayo babe." sinabi ito ng ex ko.. At ako ay umiiyak nung gabing yun.. 

"Please wag mo naman akong iwanan!" sigaw ko sa kanya pero iniwan niya ko nun. 

"Sorry,pero hindi pala ikaw yung babaeng para sakin." sinabi niya at ako ay iyak parin ng iyak.

"Bakit sino gusto mo? Si Felicia? Yung pokpok na babaeng yun?" yumuko lang yung ex ko at sinampal ko siya. 

Dati kasi ay hindi ako rockstar or maangas kung kumilos. Mahinhin ako dati at ayoko ng sex. Yun ang hanap sakin ng ex ko kaya minsan nag-aaway kami. Nalaman kong si Felicia ang gusto niya dahil ang tagal ko na silang nakikitang naglalandian. 

"Pasensya na Madge,kailangan kong alagaan yung anak ko. Kailangan kong mapanindigan yun." sinampal ko pa lalo ang ex ko nung sinabi niya yun at tinulak ko siya papalayo.

"Gag* ka!" paulit ulit lang ako sa murang yan habang umiiyak ako. Lumakas pa lalo yung iyak ko nung sinapak ko siya sa dibdib. 

"Alam ko babe alam ko babe." sinabi niya

"Gag*! Wag mo ko matawag-tawag na babe!" umalis na ko nung sinabi ko ito. Sa totoo lang kaya lumakas ang iyak ko dahil nung sinapak ko siya,imbis na siya yung masktan...























AKO YUNG NASAKTAN DAHIL SA TIGAS NG DIBDIB NIYA ~____~ 

End Of Flashback 

Hayy sana pala hindi ko nalang inaalala! 

OO NGA PALA! Yung plano ko at yung sinabi ko kay Ralph na plan ay hindi ko pa pala nagagawa ! Naku po! Sisimulan ko na bukas! 

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now