Chapter 39 - This Means War?

Magsimula sa umpisa
                                    

They ended up near a well on the back side of the mansion. May kadiliman na sa banda roon kaya tingin nya ay mas safe kung doon sila mag uusap. Sigurado rin naman nya na walang pinasunod sa kanya si Aled. Mukhang maganda rin kasi ang mood nito at wala itong dahilan pa para mag duda.

"Hindi mo man lang ako dinalaw sa hospital.." Tila nagtatampo na sabi nya pagkatapos.

Mahinang tumawa si Prince.

"It's not funny!" Mahina ngunit mariin ang pagkakasabi nya.

"So hindi sinabi sayo ni Aled?" He asked.

Nangunot ang noo nya. "What? May dapat ba syang sabihin?"

Umiling iling si Prince. "I was there first.." Nakayuko at mahina na sabi nito.

"Huh? where? In the hospital?" Sunod sunod na tanong nya. Bakit parang biglang naging ibang tao na ang lalaki?!

Tumango ang lalaki at huminga ng malalim. "Yeah, yeah. I-i have my sources too, you know.." Ngumiti ito. Halatng pilit pero anong gagawin nya? Tatanungin nya ba ito bakit tila nahihirapan ito?

"Three days ako sa hospital, hindi ka bumalik. I missed you, you know." Nakayuko na sabi nya.

"Come here." Hinawakan nito ang kamay nya ay hinila sya papalapit sa kanya.

They hugged.

He caressed her hair. "I missed you too, more than you know, Sandy." He whispered in her ear.

Hinigpitan nya ang yakap sa lalaki, ang lalaki na syang naging pinaka matalik nyang kaibigan sa mga panahon na nasasaktan sya ni Aled, sa mga panahon na kailangan nya ng kaibigan.

She restes her head on his shoulder..

Bumuntong hininga si Sandy. Bumalik na sa kasalukuyan ang kanyang isip.

"Nine Million!"

Nilingon nya si Aled na nag bibid pa rin para sa necklace na gusto nya.. wait, what? NINE MILLION NA?! Parang kanina, five million pa lang ang kwintas!

Nakita nyang umiling iling na si Prince ng muling magtanong ang auctioneer kung may tataas pa ba sa offer ng asawa nya. Narinig nya na lang ang hiyawan ng ibang tao ng sabihin ng auctioneer na si Aled ang nanalo sa bidding.

Tiningnan nya si Prince.. and the girl. She was looking at them too. SINO BA TALAGA ITO?

*FLASHBACK ULIT*

"Who was the girl with you in New York?" Tanong nya ng maghiwalay na sila. Pansamantalang naglaho ang mga tanong sa isip nya kung bakit hindi man lang sinabi sa kanya ni Aled na dinalaw sya ni Prince sa hospital.

"A-anak ng business partner ko.." mabilis na sagot ni Prince. Nagkamot ito ng batok.

Bagamat hindi sya naniniwala ay hindi na sya nagtanong pa.

*END ULIT.*

"Baby, we got the necklace!" Tila tuwang tuwa na sabi ni Aled sa kanya.

Well, he doesn't actually looks like he's so happy. Naka ngiti kasi ito at nakataas pa ang kamay.. so ganun ang iniisip nya. BUT HER? ewan nya. Tila hindi nya na naman kilala ang asawa nya.

She tried to smile. "I-i know.. thank you." She kissed him on his cheeks, he hold her hands.

Ala una na natapos ang auction. Bigla na lang nawala si Prince at ang babae na kasama nito.

Nang makauwi na sila, Aled seemed to be flirting a little, pero pinahalata nya na wala sya sa mood makipag lambingan dito. Hindi naman ito na offend or what. Hinalikan pa nga sya nito sa noo nya bago sya pinapasok sa kwarto nya.






"Wait, are you mad? Whya re you acting like that?!"

Nasa loob na sila ng condo nya ng sa wakas ay nagawang tanungin ni Dychie si Prince. Bagamat kalmado ito habang magkasama sila pauwi ay hindi ito nagsasalita at palaging naka kuyom ang mga kamay.

"I could have got you that damned necklace!" Bigla ay tila sumabog ang lalaki. Malakas ang pagkakasabi nito niyon na ikinagulat nya.

Napa-atras sya. "Wha? Is this still about that necklace? I told you, i don't really like it!" She shouted back. She threw her purse somewhere.

"You liked it, you want it. I saw you when you saw that damned necklace. Why do you have to lie?!"

"W-well.." Hindi nya alam ang sasabihin.

Hindi na nito hinintay ang sumagot sya. Dumiretso ang lalaki sa mini bar ng condo nya at padaskol na binuksan ang wine cabinet. Kumuha ito ng isang bote ng scotch. Kumuha ito ng baso and poured scotch almost half the glass.

"What are you doing?" Palapit na sya rito ng tunggain ng lalaki ang lahat ng laman ng baso. "WHat the hell!" Inagaw nya rito ang hawak nitong baso at bote. "Ano bang problema mo?!"

Tumalikod ito sa kanya. Muli syang napa atras ng bigla nitong suntukin ang pader.. it's so strong that his hands looked crushed..w ith blood!

"Anak ng!" Agad nyang nilapitan ang lalaki. "Are you crazy? Ano bang problema mo!" Inis na kinuha nya ang kamay nito, kasehodang malagyan na rin sya ng dugo nito. She looked at his face and she saw tears flowing down his cheeks.

Mariin syang napapikit.

IT'S NOT ABOUT THE NECKLACE ANYMORE.

IT'S ABOUT ALED.. AND THAT GIRL.


----------

Hi! Follow me on instagram:

instagram.com/heyleelay

and twitter

twitter.com/theellestrange

I Married the Ice King (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon