MTJAB: Chapter 24

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ah... Aakyat na ako, Kuya!" Sigaw ni Monique kay Troy pero nanigas si Monique sa kinatatayuan niya nang marinig ang ma-awtoridad na boses ni Liam. Maging ako ay napakunot ang noo sa kanya nang bumaling siya sa kapatid.

"Tama ba ang narinig ko, Princess? Momol?" Sobrang lamig ng boses niya sa kapatid na babae na para bang may hindi siya nagustuhan sa sinabi nito.

"Ah eh, Kuya, narinig ko lang naman 'yon sa barkada ko. K-kaya nasabi ko." Paliwanag ni Monique sa kapatid. Nakita kong humalukipkip si Troy at kunot noong tiningnan ang kapatid.

Napapitlag ako nang hawakan ni Liam ang kamay ko at marahan na pinisil iyon.

"Saglit lang, baby..." Paalam niya sa akin na nagpapula sa mukha ko. Tumayo siya at nakahalukipkip na lumapit sa kinatatayuan ng kapatid niyang babae.

"Sinong barkada 'yan?" Usisa ni Troy.

"Si... si Mara." Nauutal na sagot ni Monique sa mga Kuya niya. Mas lalong lumapit si Liam sa kanya.

"Layuan mo yung Mara na 'yon, kung anu-anong natututunan mo." Suway ni Liam sa kanya. Nakakatakot ang boses ni Liam. Napaka-strikto ng dating at kahit nakatalikod siya sa akin, alam kong matalim ang titig niya sa kaisa-isang kapatid na babae.

"Pero, Kuya!" Sigaw ni Monique.

"What?" Bulyaw ni Liam sa kanya. Bumuntong-hininga si Monique at saka tumungo.

"Ako na ang bahala. Pagsasabihan ko na lang si Mara." Pagtatanggol ni Troy sa kapatid.

"Kilala mo 'yon?"

"Ah, oo, Kuya. Kaklase namin." Sagot ni Troy at tumango si Liam sa kanya.

"Mag-aral ka na. Teka, may boyfriend ka na ba?" Paninigurado ni Liam.

"Sa tingin mo ba Kuya, makakapag-boyfriend ako? Kung sa tuwing may pupunta ditong lalaki, hinaharang niyo nang apat nila Dad." Naiinis na sabi ni Monique at saka padabog na umakyat sa taas.

"Princess!" Sigaw ni Liam sa kanya.

"Whatever Kuya! Nakakainis na kayo!" Galit na sigaw ni Monique sa kanya.

"Tsk, ako na ang kakausap, Kuya. Ate Ara, akyat muna ako." Paalam ni Troy sa amin at tinanguan ko naman siya.

Kunot noong humarap sa akin si Liam na akala mo kunsumidong kunsumido sa kapatid. Tinitigan ko siya sa mata at saka pinagtaasan ko siya ng kilay kahit sobrang kinakabahan na naman ako sa kanya. Kaagad naalis ang kunot ng noo niya.

"Napakaganda mo, mahal na binibini." Pambobola niya. Hinagis ko sa kanya yung throw pillow pero nginisian niya lang ako. Pulang pula na talaga ang mukha ko dahil sa kanya.

"Akala mo ba tapos na tayo, baby? Hindi pa tayo tapos mag-usap. Damn, I love you." Pang-aasar niya sa akin. Ang bilis magbago ng mood niya. Kanina mainit ang ulo niya kay Monique. Pero ngayong tinititigan ko siya sa mata niya, kumikinang iyon at nagtatambol ang puso ko sa ganda ng ngiti niya sa akin.

Naglakad siya palapit sa akin at umupo ulit siya sa tabi ko. Napalunok ako nang sunod-sunod nang hawakan niyang ulit ang kamay ko. Tiningnan ko siya at para siyang timang na panay ang ngisi. Para siyang batang binigyan ng regalo ni Santa Claus sa sobrang saya ng itsura niya.

"Bakit ba tawa ka nang tawa?" Sigaw ko sa kanya pero mas lalo siyang ngumisi.

"Sinabi mong mahal mo ako. Alangan namang magluksa ako?" Tumatawang tanong niya sa akin. Hinampas ko ang braso niya pero ako pa ang nasaktan dahil sa biceps niya. Pero mas nagulantang ako nang bigla niya akong yakapin nang sobrang higpit at kulang na lang ay mapipi ako sa higpit ng yakap niya.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon