Mabilis akong sumakay ng taxi paglabas ko ng gate. Mabuti nalang laging nasa bulsa ang mini wallet ko. Naka-shorts na maong lang ako at shirt. Hindi ko dinala ang phone ko.

"Saan po tayo, Ma'am?"

I don't know where to go but...

"Bar." Iyon lang ang lugar na sa tingin ko ay kakailanganin ko. Kahit tanghali palang, I don't care. Magba-bar ako hangga't gusto ko.

Wala naman makikialam sa akin. Si Lance, balewala na ako sa kanya kasi may iba na siyang inaalagaan. May iba na siyang mahal.

Maya maya ay bumaba na ako. Pumasok agad ako sa bar at naupo sa stool sa bar counter.

"Hard drinks." Sabi ko sa bartender. Inabot naman agad sa akin ang isang shot ng alak.

Gusto kong malasing. Iyong lasing na lasing para kahit paano, makalimot ako. Kasi alam ko, mamaya pag-uwi ko walang magbabago. Walang magbabago sa desisyon ni Lance na hindi tanggapin ang arranged marriage.

"One more." Sabi ko sa bartender pagkatungga nung laman ng shot glass.

Papakalasing ako hangga't gusto ko. Damn! Ang sakit sakit talaga! Shit!

All I can do now is cry.

***

James POV

"Anong sabi mo? Nahihibang ka na ba Lance? Huwag mong lokohin ang sarili mo! Mahal mo si Yumiko! Mahal na mahal!"

Tangina. Nag-iinit ang dugo ko. Kinausap kasi ako ni Papa tungkol dun sa arranged marriage. Sabi niya kausapin ko daw si Lance. Na-kwento sa akin ni Papa iyong pagtanggi nitong si Bro sa harap mismo ni Yumiko.

"Ayoko na sa kanya." Cold na sagot nya. Andito kami sa bar counter sa kusina. Umiinom si Bro ng alak. As usual. Anong oras na, maggagabi na pero wala pa si Yumi. Nag-aalala ako dahil sabi ni Fancy nakasalubong daw niya si Yumi na umiiyak kanina.

"Bro! Tama na ang pagpapanggap! Ginawa mo ba 'yon para saktan si Yumiko? Tangina lang bro, nasasaktan na siya dahil sa cold treatment mo tapos mas sinaktan mo pa siya ngayon?"

"I don't care about her feelings."

Tangina. Gusto ko ng bugbugin 'tong si Bro. "Mahal mo sya bro."

"So what? I admit that I still love her pero hindi ko na siya gustong makasama pa habang buhay. I'm moving on."

"Move on your ass! Tangina Bro! Hindi lang si Yumi ang sinasaktan mo, pati sarili mo!"

"Handa ka naman maging fiance niya 'di ba? Ikaw nalang."

"Tangina talaga bro! Ngayon, wala si Yumi baka kung ano na ang nangyari do'n!"

"Wala akong pakialam."

Shit. Ganito na ba ka-manhid si Bro? Wala na talaga siyang pakialam kay Yumi.

"Ayaw mo na talaga ma-arranged sa kanya?"

"Yeah."

Desidido siyang alisin si Yumi sa buhay niya. Damn it.

"If you say so, bro. Sana hindi mo pagsisihan ang ginagawa mo ngayon. Sana rin ma-appreciate mo ang mga ginawa ni Yumi para sa 'yo."

"Alin ang ia-appreciate ko? Iyong ginawa niyang pang-iiwan sa akin? Iyong ipamukha sa aking hindi niya ako minahal? Damn her! I really hate her and if possible, I don't want to see her."

Sobrang nasasaktan na si Yumi, alam ko. Tangina 'tong si bro.

"Bahala ka na!" Sabi ko. Nakakasukong kausap si Bro. Galit kasi pinapairal niya kaya masyado ng makitid utak niya sa ngayon.

MY 2: The Vow (EDITING)Where stories live. Discover now