"I disagree."

Si Lance, hindi agree? Inaasahan ko na 'tong i-aarange ulit nila kami pero iyong pagtanggi ni Lance? Hindi ko inaasahan.

"What do you mean iho?" Tanong ni Mr. Abellano.

Tumingin sa akin si Lance. Direkta sa mata. Walang emotions. "Hindi ba dati, nag-request naman si James na siya nalang ang ipakasal niyo kay Yumiko? So mas mabuti kung siya nalang ngayon. Huwag ako Papa."

Ayaw na niyang maging fiance ako? Hindi ba wala na sila ni Nicole? Bakit...

"Pero iho mahal ninyo an---"

"May iba na akong mahal. At kung maaari 'Pa, ayokong makasal sa babaeng hindi ko gugustuhin na makasama habang buhay."

Shit.

Nanggigilid bigla ang luha ko. Hindi niya gugustuhing makasama? Sino? Ako? At may mahal na siyang iba? Kaya ba ganito ang treatment niya sa akin? Pati kagabi? Kaya ba wala na siyang pakialam sa akin?

Tama ba ang kutob ko na hindi na niya ako mahal? Shit. Ang sakit.

Pinipigilan kong tumulo ang luha ko dahil nakatingin pa rin sa akin si Lance.

"Pero iho..."

"Tatawagan ko na si James. Papupuntahin ko siya dito sa library para siya ang kausapin niyo. Siya na ang ipakasal niyo. Huwag ako. If you'll excuse me, pwede na ba akong lumabas?"

Napatungo ako. Wala na. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang pigilan iyong luha ko. Kusa na siyang bumagsak.

Ayaw na sa akin ni Lance.

Ang ine-expect ko, tatanggapin niya ang arranged marriage pero 'yon nga, magiging cold siya sa akin. I didn't expect na tatanggihan niya 'to.

Ito ba iyong parusa sa akin? Ito ba iyong parusa sa akin ni Lance dahil sa pagsisinungaling ko six months ago?

Ginawa ko lang naman iyon para sa safety niya. Ginawa ko 'yon dahil mahal na mahal ko siya. Sa loob ng six months na nasa Japan ako, halos araw-araw akong nasa kompanya, kumakausap sa mga investigator na inutusan ko na alamin ang issue sa pagitan ng Hayashi-Abellano.

Nagtagumpay ako. Kaya nga eto at kami na ulit ni Lance ang ia-arranged nila pero bakit...

Bakit umayaw si Lance. I know he meant it dahil sinabi niya iypn nang nakatingin sa mga mata ko.

May iba na siyang mahal. Sino ang swerteng babae na 'yon?

Hindi nako tumunghay dahil alam kong lumabas na si Lance. Tinalikuran na niya ako. Ang sakit.

Nang maramdaman ko ang paghimas ni Papa si likod ko, napahagulhol na ako. Ang hirap magkimkim ng sakit.

"Sshhh iha..."

Nakatungo pa din ako habang umiiyak. Nasasaktan na ako. Nasasaktan na ako talaga.

Kaya ko naman tiisin lahat ng pambabalewala sa akin ni Lance e. Kaya ko pero bakit parang bigla akong nanlumo nang sabihin niyang may mahal na siyang iba at ayaw niya akong makasama pa habang buhay?

"K-Kasalanan namin ito iha..."

Narinig kong sabi ni Mr. Abellano. Pinahid ko ang luha ko saka medyo pinakalma ko ang sarili ko saka tumunghay. "P-Pwede po bang lumabas muna ako?" Sabi ko sa pagitan ng pagpatak ng luha ko.

"Go on."

That's the sign para tumayo na ako at mabilis na lumabas ng library. I was crying like hell. Ang sakit sakit.

"Yumi, what happened?" Nakasalubong ko si Fancy pero hindi ko siya pinansin. Bumaba ako. Aalis ako.

Gusto ko munang magpahangin sa labas. Pakiramdam ko kasi sasabog na ako. Ang sakit sakit.

MY 2: The Vow (EDITING)Where stories live. Discover now