Chapter 6 WISHES

18.4K 749 22
                                    

Dear Mr. WHO,

                Lam mo, naiisp ko ng katangahan 'tong ginagawa kong 'to.Umaasa na naman ako sa wala. Haaay... di na 'ko nadala.


***********************************************************************************************************


Simula nung araw na yun, parang mas lalong bumait sa 'kin si Xavier. Hindi ko maiwasang mag-assume. Pero...

Eto na naman ako sa pero ko. Amp. Ganun talaga... kelangang maging guarded. Once na 'kong nag-assume at anong nangyare sa 'kin? WALA! Asa lang...

Pero natutuwa ako sa sarili ko. At the very least... medyo nakakalimutan ko na si Kurt. Medyo lang. Nandun pa rin yung sakit at selos sa tuwing nakikita ko silang magkasama ni Jenny. Pero hindi na sya ang palaging hanap ng mata ko.

Si Xavier na.

"Rae!"

Napangiti na lang ako. Nasasanay na talaga ako sa kanya. Na sa tuwing naririnig ko yung pangalan ko... napapangiti na lang ako.

"Oh?" Patanong pa rin kahit alam ko na ang sasabihin nya.

Good morning.

"Good morning!"

Sabi na eh.

"Morning din."

"Lagyan mo naman ng GOOD yung MORNING mo kahit ngayon lang."

"Bakit?"

"Wala." Saka sya nag-smile.

"Okay." Sabi ko na lang. Buti natatyaga nya 'kong kausapin. Sa boring ko ba namang 'to weh.

"Nga pala. Nuod ka mamaya?"

"Ng?"

"Battle of the bands. Culminating ng Glee club ah?"

Ah... ngayon pala yun. Nag-shrug na lang ako. Parang... wala akong balak. Pero parang nakaka-curious. Iba na ang trip ng glee club. Banda? Toinks. Sabagay, singing naman yun...

"Manuod ka ha?"

"Bakit?"

"Basta." Sabi lang nya. Saka sya nag-wave.

Nung hapon na yun, wala naman talaga akong balak manuod. Kaso... narinig kong kasali si Kurt. Hindi sya magaling kumanta. Banda kase sila. Sya yung gitarista. Hehe... At least musical pa rin noh?

So ayun, nagdecide na rin akong manuod. Half-day lang ang klase. Nagpunta kaming lahat sa may stage. May mga setup na ng mga instruments dun.

Unang tumugtog yung mga second year. Screamo. Takte. Sakit sa tenga. -_-

Kasunod, mga girls naman galing fourth year. Kaboboring naman. Haixt. Pang-ilan ba kase sina Kurt?

Anim daw kaseng bands ang magpeperform. Eh pangalawa pa lang nakakawalang gana na. Parang gusto ko na umuwi. Nagpunta muna akong canteen para bumili ng pagkain.

"Oy Juliet. Bat nandito ka?" Tanong ni Clarion. Ambaet nya promise. Isa lang sya sa mangilan-ngilan na tinatawag ako sa pangalan ko.

"Bumili lang ng merienda." Sagot ko naman.

"Kanina ka pa hinahanap ni Xavier." Sabi naman ni Cana.

"Ha?" Bat naman ako hahanapin nun?

"Magpe-perform na ata sila eh. Tara na?"

Letters To WhomeverWhere stories live. Discover now