"How are they?" Napabuntong hininga muna siya bago sumagot.
"Nasa loob pa din si tito ng ER. Nahihirapan ang mga doctor na kunin ang bala dahil bumaon daw yon sa isang organ ni tito, si Mark naman ay nasa isang private room na at inoobserbahan pa din dahil may matigas na bagay yatang inihampas sa ulo niya."
Parang nanghina ako sa mga narinig ko. Sana naman ay maging maayos na sila...
"Sinong kasama ni Mark?" Tanong naman ni Stephan.
"Andoon na sina Tito at Tita... may mga gwardiya din silang kasama." Napatango tango na lamang kami kaya biglang tumahimik ang paligid.
"Uhh..."
Napatingin ako kay Jandi, mukhang may gusto siyang itanong ang kaso ay pinipigilan niya ang sarili. Si Tyler at Lex ba?
"Tyler and Lex were already in Jail. Umamin sila sa mga ginawa nila at humingi na din ng tawad. Handa daw sila na tanggapin ang kaso dahil may kasalanan naman sila." Tumango tango ito at pilit na ngumiti bago tumalikod at bumalik sa pwesto niya kanina.
Napabuntong hininga ako.
"I don't want to be harsh, but I want her to know the truth.."
"You did well, babe. Alam kong naiintindihan niya yon."
Bakit ba kasi nangyari to? Bakit nagkaganito? Bakit silang dalawa pa? Kahit sa sandaling panahon lang alam kong sobrang napalapit na yung dalawa samin, lalo na kina Mark pero bakit? Anong nangyari?
Maya maya ay lumabas na ang doctor, napatayo si Venice na sinundan naman ng iba. Kaagad din kaming lumapit para pakinggan ang kung ano mang sasabihin ng doctor.
"Where are the family of the patient?" Agad na lumapit si Lisa at Venice.
"Bakit po?"
"Kumusta si daddy, doc?"
Lahat kami ay nakaabang sa sasabihin ng doctor. Makikita mo ang kaba at pag-aalala kina Lisa at Venice.
"We already removed the bullet, he's already okay but still unconcious. We'll move him at his room, at maya maya ay pwede niyo na siyang puntahan."
Nakahinga kami ng maluwag sa paliwanag nito. True to his words, nailipat din agad sa private room si tito, tabi lamang ng private room kung nasaan si Mark. Nagpunta muna si Luhan, Stephan, Stephanie, at Jandi sa room ni Mark samantalang umuwi muna si Jake at Lucy dahil maaga pa sila bukas kaya kami lang ni bessy at Lisa ang nandidito ngayon. Magkatabi silang dalawa sa upuan na inilagay nila sa tabi ng kama ni tito. Nakatitig lang sila sa daddy nila, naalala ko tuloy si daddy at doon ka naisip na life is too short. After this, babalik muna akong Japan para samahan si daddy... I need to say sorry for all the things that've done... hindi pa naman siguro huli ang lahat hindi ba?
Lumapit ako sa kanila at pareho silang niyakap.
"Don't stress yourself too much. Tito is fine now. I know, he will soon open his eyes to see the both of you. We'll wait until tito and Anthony wake up. Kaya alagaan niyo din ang sarili niyo, okay?"
Buong magdamag naming binantayan si tito, pinauwi muna namin ang iba dahil naghihintay din ang mga pamilya nila, umuwi na din kasi sila mula doon sa isla kung saan sila pansamantalang itinago ni tito.
Kinabukasan ay sa kabilang kwarto naman nagbantay si Venice, naiwan kami ni Lisa dito sa kwarto ni tito. Bandang hapon ay dumalaw din ulit sina Stephan pero hindi niya kasama si Stephanie, pinagpahinga muna kasi ito.
Si Lucy at Jake naman ang umaayos sa kaso.
Hindi ko alam kung kailan magigising si tito but I know, malapit na... maging si Anthony ay wala pa ding malay, pero alam ko namang hindi yon bibitaw. Hindi non iiwan si Venice.
Venice's POV
Nakatitig lang ako kay Anthony na kung titingnan mo ay mukhang payapang natutulog lang. Nagpaalam muna kasi sina Tita na uuwi para kumuha ng ilang gamit. Kakaunti lang kasi ang dala nilang gamit kaya nagpasya silang kumuha ulit, kukuha din daw sila ng ilan pang mga kailangan nila. Dalawang araw na simula nung nangyari lahat. Dalawang araw na ring tulog si Anthony at Daddy.
I am thankful to Anthony, kasi lagi siyang andiyan sa tabi ko. Hindi niya ako iniwan, kaya ngayong kailangan niya ako ay hinding hindi ko siya iiwan. Isa pa, kundi dahil siguro ay wala siya dito ngayon. Nagpapasalamat ako kina Tita dahil hindi sila nagalit sa akin. Nakuha ni Anthony ang features niya sa mama niya, samantalang nakuha niya naman ang malokong ngiti sa papa niya.
"Anthony... please open your eyes, nameet ko na ang parents mo. Bumangon ka na o... miss na kita e..."
Dumating ang hapon na wala pa ding nangyayari, tulog pa din si daddy at Anthony. Pero hindi ako susuko, handa akong maghintay kahit gano pa katagal.
"Hija, kami na muna ang magbabantay kay Mark. Magpahinga ka na muna." Ayoko sanang umalis sa tabi ni Anthony pero mas lalong ayokong suwayin ang mga magulang niya. Hinalikan ko na muna ang noo Anthony bago ako tuluyang lumabas ng pinto.
Lalabas muna ako, mukhang kailangan ko ng fresh air kasi pakiramdam ko unti unting naninikip ang dibdib ko. Pero bago pa man ako makalabas ay sabay na lumabas ng dalawang kwarto si Bea at Tita.
Teka... anong nangyayari?
"Nurse? Nurse gising na ang anak ko! Nurse!"
"I need a doctor! My father need a doctor! Please!"
Hindi ko alam saang kwarto unang papasok, hindi ko alam kung ano ang unang mararamdaman, what the hell is happening!
Papa God, please...wag niyo pong kunin si daddy, please... kailangan pa po namin siya...
YOU ARE READING
A Nerd With Class
Teen FictionSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...
ANWC: 49
Start from the beginning
