Napatili ako ng biglang may humarang sa aming dalawang lalaki. Marunong ako ng kaunting self defense pero duh! Konti lang! Konti! Agad na umamba ng suntok yung isang lalaki kay Anthony kaya napaatras ako. Buti na lang at nakailag siya saka gumanti din ng suntok. What the fvck. Nakita kong naglabas yung isa pa ng patalim kaya agad akong nagpanic. Naghanap ako ng kahit anong bagay sa paligid na pwedeng pamprotekta sa amin at nag-end up ako sa isang paso. Walang pagdadalawang isip ko iyong kinuha at hinampas doon sa ulo ng lalaking may patalim,
"You're not allowed to hurt my boyfriend so fvcking back off!" Inis kong sigaw doon sa lalaki nang tumumba siya. Tumba na din yung isa. Salamat naman...
Inakbayan ako ni Anthony kaya napalingon ako sa kanya, half smile ang mokong.
"What?" Inis kong sabi. Umiling lang siya atsaka hinawakan ang kamay ko at tumakbo nanaman kami.
Pagkadating namin sa parking lot ay agad naming nakita sina daddy sa bandang dulo pero bago pa man kami makalapit ay may humarang nanaman sa amin. Dinig ko ang pagsigaw nina Maxine at nakita ko din ang dali dali nilang paglapit sa amin.
Gaya kanina ay itinago ulit ako ni Anthony sa likuran niya.
"Anthony..." nanginginig nako sa takot sa kung ano man ang pwedeng mangyari sa amin. Naiisip ko pa lang na mapapahamak ang mga mahal ko sa buhay ay hindi ko na kaya.
"Shh... I will protect you no matter what."
Gusto kong magsalita at tumutol pero pagod na pagod na ako. Pakiramdam ko ay ano mang oras ay babagsak na ang katawan ko pero nung nakita kong hahampasin na noong lalaki ng baseball bat si Anthony ay agad akong yumakap kay Anthony.
Hindi ako papayag na masaktan ni isa sa mga mahal ko sa buhay. Kung kaya ko ay poprotektahan ko sila.
"Margarette!" Yun na lamang ang huling salitang narinig ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.
-
Nagising ako dahil sa lamig na bumalot sa buong katawan ko. Unti unti kong idinilat ang mata ko at nakitang nasa rooftop ako nitong hotel. Inilibot ko ulit ang mga mata ko at nakita si Anthony sa kabilang dulo ng rooftop. Nakatali siya at may bahid ng dugo ang labi at ulo niya. Shit! Anong ginawa nila kay Anthony?
Akmang tatayo na ako nung mapansin kong maski ako ay nakatali din. Nanunuot na sakin ang lamig na dulot ng hangin dito sa rooftop at ang lamig na nararamdaman ko dahil sa kalagayan namin. Masakit din ang ulo ko, siguro ay dahil sa pagkakatama noong baseball bat sa akin kanina.
Tinawag ko si Anthony kahit na hirap na hirap na ako. Masakit din ang lalamunan ko kaya kaunting boses lang ang nailalabas ko. Wala pa siyang malay pero kailangan ko na siyang gisingin. Kailangan na naming makaalis sa impyernong to.
"Anthony... please.. open your eyes.. please.." napapikit na lang ako nung biglang nagkaroon ng ilaw ang buong rooftop.
What the hell is this!
Nang kaya ko ng magadjust doon sa ilaw ay iminulat ko na ang mga mata ko. Hindi na lang kami ni Anthony ang nandito. I saw Violet, with a lot of men. Nakangiti siya habang papalapit sa akin, yung ngiting kahit sa panaginip ay hindi ko naisip na makita sa kanya. Hanggang ngayon ay umaasa pa din ako na magbabago ang isip niya, na babalik siya sa dati. 'Yong mapagmahal na ina sa aming dalawa ni Bea.
Habang papalapit sila ay naaninag ko ang mukha ng dalawa pang lalaki. Nakayuko sila pero unang tingin pa lang ay kilala ko na kung sino ang mga ito. They are my friends. Kahit sa sandaling panahon pa lang na nakasama ko sila ay napalapit na sila sa akin. They already have my trust. Pero nanghihina na ako, bakit lahat ng pinagkakatiwalaan ko ay sinisira ito. Mayroon din ba silang magandang dahilan?
ESTÁS LEYENDO
A Nerd With Class
Novela JuvenilSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...
ANWC: 48
Comenzar desde el principio
