"Dad, ma'am, sir.. aasikasuhin lang po namin ang iba pa naming kakilala. Maiwan na po namin kayo." Ngumiti ako atsaka yumuko. Ganoon din naman ng ginawa ni Anthony.

"Oh, sure, go ahead."

Agad kong hinila si Anthony papunta sa table ng mga kaibigan namin na tuwang tuwa habang kumakain. Ang mga to e.

"Parang di nakaheels ah, bat ka ba nagmamadali?"

"Gusto ko ng umupo! Kanina pa kaya tayo nakatayo at nangangalay na ang paa ko." Inis kong sabi. Ang sakit sakit na kasi ng paa ko!

"Oh, napano si Pres? Bat busangot?"

Bungad na tanong ni Stephan nung makaupo na kami. Napatingin tuloy sakin lahat.

"Birthday na birthday mo pres, ngiti naman diyan!" Dagdag pa ni Lex. Nandito na pala sila. "Kanina pa kayo?"

"Kararating lang namin, ang bagal kasing mag-ayos ni Lex. Parang babae." Asar na sabi naman ni Tyler.

"Ulul. Ang tagal mo kasing maligo kaya nahuli ako!"

Hindi ko na lang sila pinansin na magbangayan at itinuon ang pansin sa paa kong mukhang namamaga na at sa mga babaeng kanina pa tingin ng tingin sa direksyon namin. Specifically, sa boys. Excuse me? Bulag ba sila? Di ba nila makitang may mga date yung tinitingnan nila?

Hindi ko na lang sana papansinin dahil hindi ko naman sila kalevel at ayokong magkaroon ng gulo sa mismong kaarawan ko ang kaso yung mukhang ibon ay inirapan ako.

"What the hell?"

Napatingin sakin si Maxine na nakarinig nung mura ko atsaka sinundan ng tingin yung tinitingnan ko. How could that girl ruin my night!?

"You know them?"

"No."

"Then why are you looking at them?"

"'Cause they fvcking ruined my night. They keep on looking at the boys, hindi ko na sana papansinin but when that girl, who looks like a bird rolled her eyes at me. The hell!"

Natigil ako sa pagsusumbong ng tumawa si Maxine. Mas lalo tuloy akong napipikon!

"Why are you laughing? Tinatawanan mo ba ako?"

Halos di na siya makahinga at nawawala na ang postura niya kakatawa pero hindi pa din siya tumitigil. Nakatingin na samin ang ibang guests kaya siniko na siya ni Bea.

"What?" Sabi niya dito habang tumatawa pa din.

"You're getting all of the attention ate Max!"

"Natawa lang ako kay bessy. Paano ba naman tinawag niyang ibon yung babaeng yun." Napatingin kami doon sa tinuro niyang babae at nakita ko yung babaeng umirap sa akin na hindi na maipinta yung mukha. Humagalpak nanaman ng tawa si bessy kaya imbis na mas mainis ay natawa na lang din ako dahil sa ginawa niya.

Alam kong mapapagalitan na kami mamaya kay daddy dahil sa ginagawa namin, pero natutuwa ako sa reaksyon nung ibon e.

Nakita kong tumayo yung babae at naglalakad na sila ngayon papunta sa table namin. Tumayo din si Maxine kaya sumunod ako. Inalalayan naman ako ni Anthony at ganon din si Stephan kay bessy habang tuwang tuwa namang nanonood ang mga kaibigan namin. I don't know where daddy is but I know he's watching us right now. Buti at hindi niya pa kami pinapagalitan.

"Are you talking about me?" Taas kilay na tanong nung babaeng ibon. Sakin nakadirekta ang tingin niya kaya mas lumapit pa ako.

"Babe..."

"I can handle this, don't worry."

Tumango si Anthony pero nanatili siyang malapit sa akin. Nakita ko naman ang pagsulyap nung ibon sa kanya. Ang kapal ng mukha.

"Aww. Sorry dear, napag-usapan lang namin yung babaeng nakita namin last time. Mukha kasing ibon. Di ko alam na natamaan ka pala." Tumaas yung kilay niya atsaka lumapit pa ulit sakin. Hinahamon ba ako nito? Oh well, hindi ko siya uurungan.

"Really? Mukha ka kasing nagsisinungaling." Napangisi ako. Manghuhula din pala 'to.

"You're good huh. May future ka sa panghuhula. By the way, buti pa ang panghuhula may future ka, but now?" Tiningnan ko siya mula baba hanggang taas na mukhang baba pa din. "Mukha kang likod. Para tuloy akong kumakausap ng nakatalikod sakin." Natawa yung mga nasa paligid namin, especially my friends. Kumunot naman yung noo niya.

"And one more thing, yung babaeng pinag-uusapan namin? Yung mukhang ibon?" Huminto ako at ngumiti, "Actually, magkamukha kayo. Ah no, mukhang ikaw nga yata yun." Humagalpak na si Maxine kaya mas lalong nainis yung mga babae sa harap namin.

"How could you!? Let's see kung makakatawa pa kayo sa mangyayari!"

Tatalikod na sana ako ng biglang namatay yung ilaw at nakarinig kami ng ilang putok ng baril. Oh shit! What the hell is happening!?

A Nerd With ClassWhere stories live. Discover now