"Ah.. she's with tito. Nasa company sila."

Dumating ang hapon kasabay ng pagdating nina daddy. He told us to get dress. May mga kasama silang sa tingin ko ay ang mga mag-aayos sa amin. Inayusan kami isa-isa at ako ang pinakahuli. Halos ilang oras din akong inayusan, nangalay na ang leeg ko kakatitig sa sarili ko sa salamin. Pinatanggal nila ang glasses ko and replaced it with lenses. Ayoko sana ang kaso ay mapilit sila. Nung matapos na sila sa pag-aayos sa akin ay pinatingin ulit nila ako sa salamin.

As usual, I am pretty enough for our clan. Chinita eyes, pointed nose, and thin lips. I am not the prettiest girl in our clan nor in our Academy but I am confidently beautiful. Nakasuot ako ng kulay itim na long gown at nakabun ang buhok ko na may mga kaunting bangs na iniwan para lumugay. Nung natapos na ako sa pagtingin sa sarili ko ay sumunod na ako sa baba. Paniguradong ako na lang ang hinihintay nila.

Malapit na ako sa panghuling baitang ng hagdan nung napalingon sila sa akin, unang nagreact si bessy at agad akong nilapitan. Sumunod naman ang iba.

"Yay! You're so beautiful ate! Iba talaga ang lahi natin!" Sabi ni Bea atsaka tumawa.

"Hoy Bea, sa akin naman ni Venice ang kagandahang taglay niya, wag kang assuming."

Napairap si Bea sa sinabi ni Maxine kaya natawa na lang kami sa kanila.

"Ganda mo pres!"

"Dati pa,"

"Yan ang mahangin!"

Nagtawanan ulit kami bago sila nagyayang lumabas na para pumunta sa sasakyan. Inilahad ni Anthony ang braso niya na siyang kakapitan ko. Tinanggap ko 'yon atsaka kami sumunod sa mga kasama naming lumabas.

Limang sasakyan ang nakaparada. Dalawa doon ang para sa amin habang ang tatlo ay para sa mga armadong lalaki na mageescort sa amin sa venue. Buong byahe ay wala kaming imik maliban na lang sa katabi kong panay ang salita.

"You're too gorgeous, may mga lalaking magsasayaw sayo mamaya..." tiningnan ko lang siya at tinaasan ng kilay.

"And so?" Tumikhim lang siya atsaka tumingin sa labas. Napangiti ako at saka sumandal sa kanya.

"Anthony..."

"...."

"Uy..."

"....."

Ang pabebe talaga nito.

"I'm yours, right? I'm always yours so why do you need to be this jealous?" Minsan napapaisip na ako kung sino talaga ang babae sa amin. Feeling ko kasi mas umaakto siya as a girl kaysa sa akin.

Tumingin siya sa akin atsaka pinilit na magsungit. I saw how hard he supress his smile though.

"You're making me jealous." Matigas niyang sabi.

"I am not. Ikaw lang tong nag-iisip masyado."

"Fine."

Nag-asaran pa kami hanggang sa makarating na kami sa venue. Some of my dad's men escorted us to the building. Pagkapasok na pagkapasok namin ay isa-isang nagbow ang mga staffs. Nauunang maglakad si daddy, then kami, then sina Bea. Noong malapit na kami sa malaking pinto kung saan ang hall ay unti-unting umayos ang mga staff. Matapos ang ilang minuto ay unti-unti ng bumukas ang pinto kasabay ng pagsasalita ng emcee at palakpakan ng mga tao.

"Let us all welcome, Mr. Park Jin and her daughters, Ms. Park Bea, and of course, our debutant Ms. Park Margarette Venice together with their escorts and friends!"

Malakas na palakpakan ang nangibabaw sa buong hall. Flash ng camera kung saan saan, pakikipagbatian sa mga tao at pakikipag-usap sa mga ngayon ko lang nakilala. Business world is really ugh! Noong nagkaroon ng pagkakataon ay agad akong nagpaalam kay daddy at sa mga bisitang kasalukuyang kaharap namin.

A Nerd With ClassWhere stories live. Discover now