"Did you take pictures of the place? I want to see!"

"Yes of course! Ako pa ba?"

Nagpatuloy lang sa pag-uusap ang dalawa, nakikisali din si Stephan at nakikitingin doon sa picture na ipinapakita ni Bea habang kami naman ay nagpatuloy lang sa pagkain.

Matapos kumain ay nagpaalam na akong didiretso sa kwarto para matulog. Tatabi sa akin ang mga babae pero hindi pa daw sila inaantok kaya nauna na ako. Sina Anthony ay bukas pa ng umaga makakabalik dahil nagbabiyahe pa lang sila ngayon. Dumiretso na ako sa banyo para magshower at makapagpalit ng pantulog matapos non ay humiga na ako sa kama pero kahit anong pikit ko ng mata ay hindi pa din ako makatulog.

Ugh!

Umikot ikot na ako't nagpagulong gulong pero wala pa din. Halos mag-iisang oras na akong ganito kaya tumayo na lamang ako atsaka tumitig sa kawalan. Makakatulog pa kaya ako? Ano ba Venice! You need to sleep para bukas! But damn, hindi ko kasi maalis ang pinaghalong excitement at kaba ko. Napatalon ako sa gulat ng biglang bumukas ang pinto at ibinuga non ang mga babae,

"Ate? You're still awake, akala namin ay nakatulog ka na." Lumapit sa akin si Lisa atsaka nakihiga, amoy pagkain ito kaya paniguradong nagfoodtrip pa sila bago umakyat.

"I can't sleep.."

Tumabi na din ang dalawa sa amin at hinayaang lamunin kami ng katahimikan. Isang komportableng katahimikan na siyang humila sa akin sa mahimbing na pagtulog.

Kinabukasan ay huli akong nagising, naabutan ko silang nasa baba at busy na nag-uusap. Nagkkwentuhan ata. Wala doon si daddy kaya tinanong ko ang nakasalubong kong kasambahay.

"Ah, si Sir po? Maaga pong umalis Ma'am, pupunta po atang opisina."

"Ah... ganon po ba? Sige po manang, salamat." Yumuko ito at tuluyan ng umalis. Dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng kape at kumuha ng toasted bread. Matapos non ay naupo muna ako sa upuan dito sa dining table, kakainin ko na muna ito bago sumali sa usapan nila.

Maya maya ay narinig ko ang doorbell kaya napatayo ako at sinilip sila, it's them! Anthony and the two! Kaagad akong bumalik sa kusina para ubusin ang pagkain ko, halos mabulunan na ako. Buti na lang at nalunok ko siya ng maayos. Pagkatapos noon ay parang walang nangyari akong naglakad patungong living room. Naabutan ko sila doong kinukumusta ang tatlong kararating.

Jake and Lucy sits at the two solo sofa while Anthony lay down at the carpet. Mukhang pagod at puyat talaga sila. Hindi muna ako lumapit at pinanood lamang sila,

"How are they? Ayos lang ba sila? Of course! Sigurado akong ayos lang sila, hindi sila papabayaan ni tito..." sunod-sunod na sabi ni Maxine.

"Yes, mukha namang hindi sila naboboring doon." Pagod ang boses na sabi ni Lucy.

"Paniguradong miss na ako ng mga magulang namin." Madramang sabi ni Stephan. "Ako lang naman kasi ang pinakagwapo nilang anak." Dagdag pa nito kaya nakatikim nanaman siya ng batok kay bessy.

"Aray ko naman babe! Nambabatok ka nanaman!"

"E paano puro ka kalokohan!"

"Oo nga naman fafs, ikaw lang naman ang lalaking anak nina tita kaya wala silang choice kapag sinabi mong ikaw ang pinakagwapo." Sinamaan ng tingin ni Stephan ang nagpapaliwanag na si Luhan dahilan ng pagtawa ng huli.

"Fafs, minsan ka na nga lang magsalita puro kontra pa. Suportahan mo na lang ang kagwapuhan ko."

Napailing na lang ako.

Wala na talagang pag-asa 'tong si Stephan. Nagpatuloy sila sa asaran hanggang sa biglang nagsalita si Jandi.

"Where's Stephanie? You're with her, right?"

A Nerd With ClassWhere stories live. Discover now