"Okay. Back to our busine---" natigil si Bessy sa pagsasalita at napatingin sa pinto. May kumakatok.
"Margarette!" Uh-oh... kumunot ang noo ni Bessy na nakatingin sa akin. Ganoon di naman ang iba.
"Hindi mo ba sinabin girls bonding natin ngayon?" Taas kilay na tanong ni bessy.
"Sinabi ko!"
Inis na tumayo si Maxine kasunod si Lucy. Lucy mouthed me 'lagot ka' wearing her small smirk. Pinandilatan ko siya ng mata kaya mahina siyang tumawa. We watched the two opened the door. Bumungad sa akin ang may salubong na kilay na si Anthony.
"What do you want?" Tanong ni Maxine. Hanggang ngayon ay hindi pa din sila magkasundong dalawa. Lumabas ang pagiging masungit ni Anthony,
"Where's my girl?" Nabigla ako ng may humampas sa akin and I saw Bea, Stephanie, and even Jandi smiling like idiots while hitting me. Ugh!
Nginuso ako ni Lucy kaya napatingin sa gawi ko si Anthony. Hindi nawala ang pagtaas ng kilay niya habang nakatingin sa akin kaya maliit akong ngumiti. Akmang papasok na sana siya ng harangan siya ng dalawa.
"Get out of my way, Lucy. Maxine." pero parang walang nadinig ang dalawa.
Hindi ko alam kung matatawa ako sa nangyayari dahil para silang nagpapatentero sa may pinto. Anthony's pissed, Maxine's serious, and Lucy's laughing.
Noon pa man ay si Lucy na talaga ang laging nakangiti sa amin. Well, halos pareho kami ng ugali. Ang kaso ay mahilig siyang mantrip. Sila ni Maxine.
Nung maramdaman kong malapit ng mapikon si Anthony ay tumayo na ako. Namumula na ang buong mukha niya, natigil ang pagsasamaan nila ng tingin ng lumapit ako kay Anthony at niyakap siya. Naramdaman kong natigilan siya at mula sa mabilis na paghinga ay bumagal yun. Matapos ang isang minuto ay naramdaman ko na din ang pagyakap at pagbaon niya ng mukha niya sa leeg ko. Natawa na lang ako. Doon lang ay napikon siya. Pero kasalanan ko din naman.
"I love you, Margarette. So much."
"You're like a kid..."
"Yes, I am. Nagtatantrums ako kapag hindi ko nakuha ang gusto ko."
"What? Edi pag ayaw ko pala ang isang bagay pero gusto mo, mabilis nating pag-aawayan?"
Nag-uusap kami habang magkayakap kaya paniguradong aasarin kami ng mga kasama namin ngayon dahil alam kong nakatingin sila sa amin.
"Nah. If you don't want what I want, I will not argue with you." Ngumuso ako. "E bakit ngayon? Hinabol at inaway mo pa sina bessy para sa hug?" He softly laugh and it likes music in my ears...
"Because I know that you want it to. You are just teasing me." Napangiti na lang ako. Yeah. He's right, though.
Hindi ko alam kung ilang minuto tumagal ang yakapan namin pero hinayaan naman kami nina bessy. After that ay nagpaalam na siya para puntahan sila daddy dahil paniguradong hinahanap na siya ng mga lalaki.
Nakapaikot kami sa baba ng kama ko habang may suklay sa gitna namin. Gusto nilang mag girls talk at mag open forum.
"So, open forum tayo with a twist!" Excited na sabi ni Lucy. Mabilis niyang nakaclose ang iba. Friendly kasi talaga siya noon pa man kaya madami siyang nakakaclose. Samantalang ako naman yung tipong kapag di mo kinausap, di ka din kakausapin, while Maxine is susungitan ka ng susungitan bago ka kaibiganin.
"What's the twist?" Taas kilay na tanong ni Maxine na mas lalong ikinangiti ni Lucy.
"Simple lang. This hair brush will serve as our bottle. Ito ang ipapaikot natin at kung sino ang ituturo ng tail nitong brush ay siyang mauunang mag-oopen sa atin. After niyang mag-open ay isa-isa tayong magtatanong sa kanya which is dapat masagot niya. Is that okay?"
Nagkatinginan kami. Mukhang wala namang may problema. Game silang lahat.
"What if hindi nasagot yung tanong?" Napatingin sila sa akin.
"You need to do a dare."
Napatango tango ako kasama ang iba pa. I know that they only wanted to lighten up the atmosphere...
Nagsimula na kami. Pinaikot ni Maxine ang hair brush at halos lahat kami ay doon lang nakatutok. Maski ako ay nag-aabang kung sino ang unang tatapatan ng tail noong hair brush,
"Gotcha! You're first Jandi!" Umirap si Jandi atsaka kami tinaasan ng kilay. This one is really a maldita.
Ngumiti ng mapang-asar si Stephanie kaya lalong nagmaldita ang mukha ni Jandi.
"Can you please stop that smile? It annoys me, a lot."
"Okay, okay, chill!"
Una siyang nag-open sa akin, una ay nagsorry siya sa mga nagawa niya. I already forgive her.. them. Alam kong naipit lang sila kaya nila nagawa ang mga bagay na hindi dapat. Then after that ay sunod sunod na kaming nag-open. Labasan ng sama ng loob sa isa't-isa. Bigayan ng mga secrets at kalokohan.
I hope this would last... but I know that it will not.
BINABASA MO ANG
A Nerd With Class
Teen FictionSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...
ANWC: 46
Magsimula sa umpisa
