Tama naman sila. Pero hindi ko lang kasi matanggap..
Tumango ako. "I know.."
"O, yun naman pala e. Bessy, magsasaya lang tayo pero hindi pa din naman mawawala yung pag-iingat natin."
"Sorry.. hindi lang kasi ako mapakali. Natatakot lang ako para sa atin.."
"Ganyan din ang nararamdaman namin. Behind our smile is the fear. Takot sa posibleng mangyari. Pero hindi habang buhay ay matatakot tayo. You know that, right? You need to fight. And you're with us. We're at your back. Hindi ka namin iiwan."
Tumango na lamang ako atsaka ipinagpatuloy ang pag-uusap tungkol sa kaarawan ko which is sa christmas. Kaunting salo salo lang naman ang mangyayari at puro close lang sa family ang imbitado. Magseseventeen pa lang naman ako kaya mas okay ang simple lang. Gray ang motif ko at halos filipino foods ang ihahanda. Hindi din kasi ako mahilig sa mga foreign foods.
Tanghalian na ng lumabas sila daddy mula sa office, seryoso silang bumababa ng hagdan kaya napatahimik kami. Baka mamaya ay badmood ang mga 'to at kami pa ang mapagbuntunan. Nung makababa na sila ay niyaya na nila kaming kumain kaya dumiretso na kami sa dining table.
Habang kumakain ay hindi namin maiwasan na magtinginan nina Bea. Paano ba naman, nakakatakot na ang aura nina Luhan.
"Bakit ba nagtitinginan kayo?" Napatingin ako kay Stephan na katabi si Maxine. Si Stephan, Luhan, Jake, at Anthony lang ang nandito. Lex and Tyler don't know about this issue kaya alam kong mas safe sila kapag malayo sila sa amin. Alam ko din namang ayaw ni Stephanie at Jandi na madamay pa yung dalawa.
"Girls code." Sabi ni Maxine kaya tumango tango na lang kami. Napakunot ang kilay nila habang patuloy lang naman sa pagkain si daddy. Buti pa si daddy, hindi na nagtatanong.
Matapos naming kumain ay nag-aya sina Lucy na doon kami sa kwarto ko matulog. Itong babaeng to porket ayos na kami kung makapagyaya ha.
"You'll go upstairs?" Tanong ni Anthony, nilingon ko siya atsaka tumango. Sumimangot naman siya sa ginawa ko.
"Bakit?"
"Don't you want to be with me?"
"Ha? I want. Pero, mag-gigirls bonding kami." Kunot noo kong sabi.
Bumuntong hininga siya atsaka ngumuso kaya napangiti ako. "Alright, can I just... hug you?"
"Ikaw ha. Sabi ni daddy huwag daw masyadong malapit." Napasimangot siya lalo.
"Just 5 minutes hug. Tsaka, nasa may pool sila dad.." ano daw? Kailan niya pa naging dad si daddy?
"Dad? Kapatid kita?"
"What? You brat!" Tumawa ako sa reaksyon niya. Namumula na yung tenga niya. Naiinis na nga. Ganyan siya mainis e.
"Joke lang. Ano bang ginagawa nila doon?"
"We're going to have our boys bonding too." Sabi nito at ngumisi. Nakukuha na yata niya ang loob ni daddy. Tinaasan ko siya ng kilay bago inirapan atsaka nagsimulang umakyat sa hagdan.
"Hey, wait! Where's my hug?" Nakataas kilay niyang tanong. Bumaling ulit ako sa kanya bago ngumiti ng sobrang tamis.
"Sorry babe, pero... no hug and touch starting this day."
Mukhang hindi nagloading sa kanya ang sinabi ko. Nung tuluyan ng rumehistro sa kanya yun ay malapit na ako sa dulo ng hagdan.
"Wa-wait, what? Margarette!"
Tumakbo na ako papuntang kuwarto atsaka sumigaw,
"I love you too, Anthony!"
Tumawa ako ng makapasok na sa kwarto. Naabutan ko naman ang mga kaibigan ko na busy sa pagkwekwentuhan. They all look at me and motion me to shut up, so I did. Lumapit ako at nakiupo sa tabi ni Jandi.
YOU ARE READING
A Nerd With Class
Teen FictionSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...
ANWC: 46
Start from the beginning
