Chapter 36: Bloodbath

Start from the beginning
                                    

"Pero si Zander... kailangan ko siyang makita."

Biglang humarap sa akin si Dylan. Mula sa liwanag ng hallway doon ko napansin ang kanyang estado. Duguan ang kaliwang bahagi ng kanyang katawan.

"Dylan..."

Ilang putok ng baril ang muli naming narinig.

"In there is a warzone, Laura." Turo niya sa labas. "You either find a safe place or be stuck in the middle of a bloodbath."

Tinitigan ko siya. Bawat salitang binitawan niya ay parang patalim na tumarak sa aking dibdib.

"Pero ang mga orders... si Zander..."

Humugot ng malalim na hininga si Dylan saka pinakawalan. Tila maging siya ay natataranta na sa aming sitwasyon.

"Laura, kailangan mong tangapin na matapos ng gabing ito may mga hindi na makakabalik pa."

Pilit kong hinila ang aking kamay mula sa kanya. Umiling ako.

"Madami ang napuruhan sa panig ng mga Van Zanth ganoon din sa pamilya natin. And I won't let you be one of the casualties."

"Pupuntahan ako ni Zander... Kapag hindi niya ako nakita..."

"The alpha is out there fighting for his life and you should, too!"

I became rigid. "What?"

Dylan cursed under his breathe. Tila gusto niyang bawiin ang mga salitang nabitawan.

"Si Zander... okay lang siya hindi ba?"

"Laura..."

Bigla kaming nakarinig ng mga nagtatakbuhan. Kasabay nito ang isang sigaw.

"Bumagsak na ang alpha!"

Tila napantig ang aking tenga. Tumigil ang pagtibok ng aking puso.

"Laura, sugatan na ang karamihan sa kanila bago pa sila tumapak dito."

Patuloy sa pagsasalita si Dylan. Ngunit wala na akong iba pang naririnig maliban sa pintig ng aking dibdib. Isang ingay na unti unting tinatakpan ang lahat ng ingay.

"Let me go."

Hindi ko nakilala ang aking boses sa mga salitang aking binitawan.

"Dylan, bitawan mo ako."

I was stunned. Nakatitig ako sa kawalan. Speaking, breathing hard.

"Laura,"

Namalayan ko na lamang na tumulo na ang aking mga luha.

"Please, Dylan bitawan mo ako."

Tinitigan ako ng aking pinsan. Namutawi ang kaguluhan sa kanyang isip. Ngunit pareho kaming hindi nakagalaw nang makarinig ng mga yapak na papalapit sa aming direction. Mula sa dulo ng hallway tatlong tagapagbantay ang nakakita sa amin.

"Shit," sambit ni Dylan.

Maging ang mga tagapagbantay ay nabigla. Agad silang lumapit sa amin.

"Hindi niyo maaaring ilabas si Miss Laura."

Hinila ako ni Dylan papunta sa kanyang likuran.

"This is an emergency situation and I have the power as the second in position."

"Pero kailangan naming sundin ang utos ng inyong Lolo," sagot ng mas nakakatanda sa mga tagapagbantay.

Mahigpit ang hawak ni Dylan sa aking kamay. Hindi niya gustong harapin ang sarili niyang mga tauhan. Ngunit kailangan niyang gumawa ng decision.

Living with a Half BloodWhere stories live. Discover now