18. Funeral

31.7K 428 34
                                    

Tumakbo pabalik si JC sa Basketball Court at pagpasok nya, nakaupo lahat ang mga estudyante. "Guys.... Makakaalis na tayo sa eskuwelahan na ito!!"

"Pero JC, pag lumabas tayo, mamamatay tayo!!" Sabi sa kanya ni Isaiah. 'No, nakalabas na ako ng school, pwede na tayong lumabas!!!" Then, the students are starting to stand up. "Sure ka ba JC?" Tanong sa kanya ni Ella.

"I'm sure.... Lumabas na kayo sa eskuwelahan bago pa daw magbago ang kanyang isip."

"Pero JC, anong gagawin mo?"

"I have to stay.... Di pa ako tapos sa imbestigasyon." Then, nagalisan na ang mga estudyante kasama na si Ella at ni Isaiah... Lumapit sya sa bangkay ni Sydney at hinawakan ang kanyang ulo na natakpan ng polo ni JC. "I promise..... Papatayin ko kung sino yung pumatay sa inyo..." Tumayo sya at tumakbo papaalis sa Basketball Court.... Tumakbo sya sa madilim na hallway.... Napuntahan nya na yung PTA room, Information Room..... Ang hindi nya napupuntahan.... Ang Classroom ng kanyang ate... Tumakbo sa sa Class 4-A.... Pagpasok nya sa loob ng classroom, hinanap nya ang dating upuan ni Vanessa... Nang makita nya iyon... Binuksan nya yung table at nakita yung mga notebooks nito...

"Bakit nandito pa yung mga notebooks nya?"

Hinanap nya yung pinaka importanteng bagay ni Vanessa, ang kanyang diary... Hinahanap nya iyon, ng makita nya ito, kinuha nya kaagad pero, di nya muna ito babasahin... Mabilis syang tumakbo papaalis sa classroom at umalis na sa eskuwelahan.

------ 2 Hours Later --------

Dumating na ang mga ambulansya at ang mga pulis, they are investigating kung ano ang nangyari sa eskuwelahan, habang may nag iinvestigate sa Main Building nag school.... May nangyayaring funeral sa gym, nakapila ang ilang estudyante, nagiiyakan ang mga magulang at may isang estudyante sa stage, sinasabi nya ang farewell speech sa mga taong nasangkot sa Death Test... Kabilang na doon si Sydney, nakapila sina Ella, Isaiah at si JC, nakatingin sya sa picture ni Sydney at habang tinitignan nya ito, napapaluha sya.... He backed out sa gym at pumasok sa loob ng dorm ni Sydney...

He touched every furniture sa loob ng dorm nya, habang naglalakad sya, napansin nya ang isang small notebook doon.... Nakasulat doon an kanyang diary...

January 16, 2013...

Dear Diary...

Ano ba yan, na late kasi ako kanina ehh, paano kasi, ang traffic sa Edsa tapos nag flat yun gulong ng jeep, kainis argh... Pero, may nakita akong bagong classmate, at ang gwapo nya KYAAAHHH!!! I think I'm gonna explode pero... Mahiyain sya, sayang pa naman, ang gwapo nya kaso, shy type boy ehh... I think he is my new crush!!!

Ang magandang babae sa mundng ibabaw,

Sydney De Rochefort!!

Napaluha sa tuwa si JC nang naisulat nya iyon, he even remembers his first day sa school na ito... He swiped to a next page at nakita nya ang ikalawang diary ni Sydney.

January 18, 2013

Dear Diary....

I can't believe nasa bahay ko si JC!!! AHHH!!!! Kaso.... He's asking me some weird questions like Memento Mori.... I don't know kung bakit nya naisip yun pero... This day, made my day!!! AHHH!!! Anubeyen, napapangiti ako habang sinusulat ko ito ehh!!!

Ang Magandang Babae sa Mundong ibabaw,

Sydney De Rochefort..

P.S mag rereview pa ako next week para sa 2 week examination...

Naalala nya yung araw na iyon, it was a death anniversary of her sister at naalala nya rin yung araw na iyon, yung time na may tumawag sya kanya and said the word, Memento Mori.... When he swiped the next page, nawala ang papers.... nagulat sya dahil, madaming pages ang punit, dalawang diary lang ang nakalagay dito pero, 5 pages ang punit.... Naguluhan pa sya lalo, baka.... May kinalaman nga si Sydney sa pagkamatay ng kanyang ate, nang makaabot sya sa last page ng diary ni Sydney.... Nakakita sya ng isang susi, nakadikit ito sa tape, tinanggal nya ang tape at kinuha ang susi.... Ang nakasulat sa likod ng susi...

Principal's Office

"Principal's Office? Bkit Principal's Office?" Di nya alam kung ano ba ang dahilan kung bakit sya pupunta sa principa's office, tumakbo sya papaalis sa dorm ni Sydney at tumakbo papunta sa Principal's Office, nang nakapasok sya doon sa loob ng Principal's Office, binuksan nya ang pinto at sinara nya kaagad, he wanders in the dark room, he switched the off lights on, tapos, hinanap nya ang dapat nyang hanapin, then, he found a black safe, it requires key, hawak hawak nya ang susi, he opened the lock at nakita nya ang isang file na nakasulat na classified at dalawang Cassette Tapes, kinuha nya sa bag nya ang diary ng kanyang ate at dito nya na malalaman ang katotohanan....

------- Gymnasium -------

Nakapila parin sina Ella at Isaiah nang mapansin nila na wala si JC, kinalabitan nya si Isaiah at lumabas sila sa loob ng gym..

"Where is JC?" Tanong ni Ella kay JC.

"Nakita ko syang lumabas kanina, siguro di nya nakaya yug nangyari."

"I just hoped he's okay, after nangyari kaninang madaling araw, he lost a friend whom he trusts, I think we should find him."

"Hey, relax ka lang, tapos na ang Death Test."

"Pero.... I got a bad feeling... I feel like hindi pa ito tapos."

"Look Ella, wala ka naman nakikitang masama dito, no warnings, no puzzle, nothing."

"Pero What if.... What if kung sya ang susunod?"

"What do you mean?"

"Remember the time nung Death Test ni Will Kazama, the killer said they have 4 Death Test left... Ang Fourth at ang Fifth Test, kay Sir. Martin at kay Ma'am Amy."

"Tapos?"

"Then, ang sixth test ay para kay Sydney.... It means, they only have 1 test left.. Ang kagaya nga ng sinabi ni JC, ang sistema nito ay yung mga PTA members, they are killing the PTA members... Einsford, Kazama, Salvador at De Rochefort."

"So, anong meron doon?"

"He said her sister joined the PTA members.... Don't tell me na.." Kinakabahan at mas lalong bumibilis ang tibok ng kanyang puso, unti-unti na naiintindihan ni Isaiah ang mga pinagsasabi ni Ella..

"Si JC na ang susunod?"

"Si JC na ang susunod?" Nagulat sila nang malaman nila iyon the, naka receive sila ng text mesage mula sa isang unknown caller.

Better hurry, baka 'sya' na nga ang susunod...

To Be Continued...

Guys, di pa matatapos ang book na Death Test, nasa unang yugto pa lang kayo, actually, tatlo ang yugto ng aking libro, kaya, wag kayong magalala, di pa sya tapos, anyway, iyak ng iyak yung bestfriend ko dahil namatay si Sydney, dapat na lang pala no, di ko na lang sya pinatay, anyway, thank you for reading, keep supporting the story oh, kung may question kayo tungkol sa Death Test, pero, di ko ii spoil ang mga kwento, kapag nagtanong kayo kung bakit ganito bakit ganyan, I'll Answer, hulaan mo!! Thank you and I love you!!

-KuyaJaiKhulits

Death Test : 2013 VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon