12. PTA Exposed

34.4K 430 63
                                    

Hanggang ngayon, naguguluhan parin ang apat lalo na si Sydney dahil, kasama sya sa listahan ni Death. "Sydney... Bakit ka kasali sa PTA?" Tanong ni JC sa kanya. "My mother and my father, they forced me na sumali sa PTA na ito, ang PTA kasi, it consists of advanced tutor and professional na pagtuturo..... Kada end ng month, binabayaran namin yung mga teachers ng 30,000 pesos dahil iyon yung nakasulat sa kontrata."

"Pero... May ginawa ka bang masama?"

"Wala..... Wala akong ginawang masama." Sabi ni Sydney at niyakap naman sya ni JC. Tumingin si Ella sa computer at tinignan ulit ang pangalan ni Salvador, Einsford, Kazama at De Rochefort. "Bakit.... Bakit PTA ang kanyang pinapatay?" Tanong ni Ella habang nakatingin ito sa computer.

"Siguro.... Nagseselos yung killer.." Sabi ni Isaiah.

"Paano?"

"Kagaya nga sa sinabi ni Sydney, ang PTA ay para sa mga matalino at matalas ang isip, kaya ko nasabi na nagseselos sya ay dahil mataas ang marka nila at naghihiganti sya..... Baka may nalaman sya na hindi natin alam."

Pero, diba nga, yung Death Test ay para kay Vanessa."

"Pero, isipin mo yung sinabi ko, what if.... Isa sa atin ang killer?"

"Ibig sabihin.... Isa sa mga estudyante dito ay killer at baka.... Kasama natin sya ngayon."

"Of course kasama natin yun, kaya nga sya nandito ehh."

"Sorry naman po sir." Sabi ni Ella at tumawa na lang sila, at lalabas na sila ng Information Room ng pagbukas nila ng pintuan, nandoon si Sir Martin na ikinagulat nilang apat. "So, kayo pala yung nag setup ng prank na iyon, halika kayo at mag uusap tayo sa Language Center." Walang nagawa ang apat kundi sumama sa teacher nila.

-------- Language Center -----------

"Ano ba ang plano ninyo ahh!!! Bakit kailangan nyo pang gumawa ng ganun ahh!! Tingnan nyo ang mga kaklase ninyo, nanginginig na sa takot dahil sa inyo mga gago!!!" Sigaw ni Sir Martin sa apat, nakatingin silang apat sa ibaba ng biglang hinawakan ni Martin ang baba ni Sydney at inangat.

"Alam mo, matalino kang bata pero, gagawa ka pala ng katangahan dito!!!!" Maya maya, sinampal nya ito sa mukha na ikinagalit ni JC at maya maya, sinuntok nya ito sa mukha, nadapa sa lapag si Martin at nakahawak sa dumudugong bibig nito. "ANG KAPAL NG MUKHA MO NA MANAMPAL NG BABAE AHH!!! TANDAAN NYO PO 'SIR' IKAW AY ISANG DISCIPLINARY TEACHER, HINDI SAMPALINARY TEACHER!!" Pinigilan sya ni Isaiah at sinasabihan nya na kumalma sya, tumayo si Martin at lumapit kay JC.

"Ganyan ba ang turo ng magulang sa iyo ha JC? Tandaan mo, bago ka lang dito, at wala ka pang experience sa eskuwelahan na ito, kaya galangin mo ko!!"

"Galangin? Ha, big word, hindi na ako estudyante, isa na akong isang binata na ginagawa ang lahat para maligtas sa ganitong sitwasyon, wala ng teacher-Student relationship dito, dahil, lahat tayo ay nagaaway dahil gusto na natin na makaalis sa ganitong sitwasyon, naiintindihan mo ba ako?" Maya maya, nagsuntukan na ang dalawang tao, niyakap ni Isaiah si JC at pinalayo ito sa teacher at yung ibang estudyante, pinalayo rin kay JC ng biglang nakisingit naman itong si Amy.

"ANO BA!!! TIGILAN NYO NA ITO!!! We should not be fighting here, we should help together para makatakas na tayo dito sa eskuwelahan na ito!!" Sigaw ni Amy sa lahat, binitawan ng mga estudyante ang braso ni Martin at lumapit sya kay JC. "Tandaan mo.... Hindi pa tayo tapos dito." At iniwanan na sya, kumuha si Ella ng panyo at pinunasan ang madugong pisngi nito at sinasabi na kumalma sya at mag stick together sila.

Death Test : 2013 VersionWhere stories live. Discover now