"Kailangan mong malaman bro para makapaghanda ka. She'll be back here in the Philippines."

Ano? Babalik na sya? "What a joke James. Sa pagkakaalam ko doon na siya titira with her fiance."

"Dahil lagi kang nag-iinom at hindi nagpapakita sa kompanya, hindi mo alam ang mga nangyayari. Kanina lang, umalis na si Nicole sa mansyon."

Six months na ang lumipas at six months na ding nakatira sa mansyon si Nicole. Hindi ko siya masyadong pinapansin. Kapag may gatherings and events lang ng mga businessman. Noong una-una, lagi niya akong sinusuyo pero these past few weeks, mukhang napagod na din siya.

Ayoko naman siyang paasahin sa wala. I don't love her. Ayokong magpaka-plastik sa kanya. Dahil siya lang din ang masasaktan.

Iyong bestfriend niyang si Ethan, madalas syang pinupuntahan sa mansyon. Hinahayaan ko na para hindi nya ako guluhin. Tingin ko, mahal sya ng bestfriend nya. Hindi nya lang napapansin dahil sakin nakatuon pansin nya.

Kaya nga hindi ko na siya pinagpapapansin.

"Why?" Tanong ko. Hindi naman big deal sakin kung umalis na siya ng mansyon. Mabuti nga 'yon. Gusto ko lang malaman bakit.

"Sinundo siya ng Papa niya. Nagpunta akong kompanya kanina at nalaman ni Papa na gumawa lang pala ng issue si Mr. Kim para mag-away sila ng Papa ni Yumi. Wala pang may idea sa kompanya kung sino ang matiyagang gumawa ng investigation tungkol sa issue na pinag-awayin ni Papa at Mr. Hayashi. Pero may kutob na ako kung sino."

Buti naman solved na ang issue sa pagitan ni Papa at ni Mr. Hayashi. Pero ganon pa man, wala na akong pakialam doon. Pero teka, ibig sabihin cancelled na ang arrange marriage namin ni Nicole?

"Kung anumang iniisip mo Bro, tama ka. Cancelled na ang arranged marriage niyo at may possibility na maging fiance mo ulit si Yumi."

Fuck. Ngayon pa? Ngayon pa na galit na galit ako sa kanya? Kung noon, gustung-gusto ko siyang maging fiance ko, pwes ngayon hindi na.

"I don't care."

"H'wag kang ganyan Bro. Alam mo at alam nating lahat na mahal na mahal mo si Yumi."

"Damn it! Wala na akong pakialam sa kanya. Alam ko yun James! Alam mo kung gaano ako ka-galit sa kanya. Hindi ko na sya gugustuhin pang makita ulit."

"Pero bro paano kung maging fiance mo ulit siya?"

"Wala akong pakialam. Like the first time we met, hindi ko sya papansinin at pag-aaksayahan ng oras."

"Baka kainin mo yang sinasabi mo, bro."

"Mark my word James. Wala na akong pakialam pa sa kanya. Galit lang ang nararamdaman ko para sa kanya at wala ng iba pa."

"Sige bro sabi mo yan. Pero balik tayo sa issue. Alam mo bang kutob ko, si Yumiko ang umayos ng issue na yun? Sya ang nagpakahirap na imbestigahan ang issue ng Hayashi-Abellano."

Kung sya man, wala akong pakialam. "Ano naman!?"

"Bro! Pinaghirapan ni Yumi yun so ibig sabihin, ginawa niya yun para sa iyo, para makabalik sya dito. Para magkaroon ng possibility na maging mag-fiance ulit kayo."

"I don't think gagawin nya yun para dyan. Hindi nya ako minahal."

"Sige Bro kung yan ang iniisip mo. Basta inuulit ko, ihanda mo ang sarili mo sa pagbabalik ni Yumi. Dahil ako mismo, naniniwalang mahal na mahal ka nya."

Fuck! Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Oo mahal na mahal ko siya, gusto ko na siyang makita. Gusto ko na siyang mahalikan at mayakap. Gusto ko na siyang makasama at makausap. Gusto ko na syang... fuck! No! Galit ako. Galit na galit ako sa kanya.

MY 2: The Vow (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon