Kabanata 17

405 11 3
                                    

           

Inialiw ko ang sarili ko sa pagbababad sa bathtub. Gusto kong malinis talaga ang katawan ko para mamaya. Like what favor Ezekiel asked me, I will make his girl go away. Goodness, kahit pa sinabi ko kina Sophia na pure business ito, kakalat naman ito sa media and iisiping this is a hella one serious relationship.

Pagkatapos kong maligo ay isinuot ko ang bathrobe ko. Tumingin ako sa wall clock at nakitang mag aalas kwatro na. Ezekiel will fetch me by six so I still have two hours to go.

Una kong inayos ang mukha ko. I'll wear a midnight blue spaghetti strap styled gown so I will use black, red and brown eye shadow. Hinighlight ko ang aking cheek bone at gumamit ng nude pink lipstick to emphasize my sexiest curve.

Nung makuntento ako sa itsura ko ay buhok ko naman ang pinagtuonan ko ng pansin. I curled its tips and used big waves in the middle. I wore a necklace and a ring.

When I am already contented with myself, I stood up and went to the living room. Ala sais na at any time ay darating na si Ezekiel.

Maya maya lang ay dumating na nga sya. Hindi napigilan ng mata ko ang purihin sya. He is wearing a black coat. Inside that coat is a white polo and partnering my evening gown is a midnight blue tie.

Napangiti ako ng wala sa sarili nung abutan nya ko ng rosas. Palagi nya kong binibigyan.

"You look....stunning." Gustong manlambot ng tuhod ko sa tingin nya. Para bang isang malaking karangalan para sa akin o sino mang babae ang matitigan nya ng ganito.

Kumabog ang dibdib ko nang isarado nya ang espasyo sa pagitan namin. Halos mapapikit ako nang malambot na dumampi ang labi nya sa pisngi ko. Animo'y isang panaginip iyon at halos isa na itong hangin.

"Let's go?" Parang nangaakit niyang yaya.

"I..I'll just-"

"What?" hindi ko alam kung talaga bang sexy ang pagkakabanggit niya doon o sinasadya niya.

"Nothing." sabi ko sabay pilig ng ulo ko at nauna nang lumabas. Narinig ko ang mahinang tawa niya. Damn.

Sa byahe ay di ko mapigilang mailang. Okay, Trish. Get a grip. Nawawala ang pagiging intimidating mo!

Nagvibrate ang phone ko at nakita kong tumatawag doon si Sophia. Kumunot ang noo ko.

"Excuse me. I just have to take this call." paalam ko sa kanya na di ko alam kung bakit pa ko nagpaalam. Well, it's rude to accept a call, I believe so.

"Go ahead." parang tamad niyang sagot.

"Hello?" sagot ko.

"Trish! Oh my god Trish!" napakunot ako ng noo sa boses ni Sophia. Hindi ko alam kung excited ba siya o may masamang nangyare o may emergency.

"Kumalma ka nga. Ano yon?"

"Nasan ka na now na as in right at this moment?" napairap ako sa kanya.

"Papunta pa lang. Bakit ba?"

"Si Nathanael nandito oh my gosh!" nanlaki ang mata ko at para akong naexcite shet!

"Si Nina nandiyan na?" tanong ko.

"Wala pa nga! Walang date si Nathanael OMG!" natawa ako sa reaksyon niya. If there's one thing I am glad about is that, parang walang nagbago kay Sophia. She's still that jolly hyper girl I have known.

"May date naman si Nina kaya wag ka nang umasa." I said as a matter of fact.

"Kahit na ba! I'd still go for Nathanael! Ikaw ba ha? Sinong gusto mo for Nina? Si Nathanael o si..sino ba yun? Si.." pumikit pa ko para lang maalala ko. Sino nga ba yun?

The Playgirl's GameWhere stories live. Discover now