Kabanata 2

699 17 4
                                    

"Saan ka nanggaling?" Ngumiti ako kay Jonathan kahit hinihingal.

"May dinala ako sa clinic. Uy, ayun na pala sila Nina!" Kumaway ako sa mga kaibigan ko nakakapasok lang ng cafeteria. Tinungo nila ang daan papunta dito.

"Nina, Sophia, si Jonathan nga pala. Pinsan ko. Jonathan, si Nina at Sophia. Mga kaibigan ko." Pagpapakilala ko sa kanila.

"Hi Jonathan!" Kaway nilang dalawa. Bumati rin si Jonathan. Naupo kaming muli dahil sila naman ang kakain. Habang kumakain, tinatanong nila si Jonathan ng iba't ibang bagay tungkol sa Hawaii. Nagvibrate ang phone ko at napansin ko ang isang mensahe mula roon.

From: Harvey

Can I go there in your table?

Nagpalinga linga ako at nakita ko si Harvey sa may duluhan. Kasama niya ang team. Sinulyapan ko saglit si Sophia. Sige na nga, bahala sila. Nagtipa ako ng mensahe sa kanya.

To: Harvey

Okay.

Kita ko ang pag apir niya sa mga kabarkada niya sabay tungo dito. Halos mabali ang leeg ng mga babae sa kakalingon sa kanya.

"Hi guys!" Friendly niyang sabi.

"Hi Harvey. Guys, kaibigan ko, kilala niyo na naman siguro siya ano?" Humalakhak ako. Nakakunot naman ang noo nila Nina.

"Harvey, mga kaibigan ko. Si Nina at Sophia. Then pinsan ko, si Jonathan." Nagbro fist sila ni Jonathan. Si Nina naman at Sophia ngumiti.

"Upo ka." Pag aanyaya ni Sophia. Napangiti ako. Ayan, nagawan ko na siya ng favor. Agaran naman siyang umupo sa tabi ni Sophia.

"Ikaw yung president ng SSG at G ng basketball team diba?" Tanong ni Sophia. Tumango si Harvey sa kanya.

"Oo ako nga. Kaklase kayo ni Trish? Edi manonood kayo ng laban?" Excited niyang tanong. Okay, I wanna laugh. Masyadong obvious.

"Di ba hindi na daw sigurado kung matutuloy?" Paningit ko. Ngumiti naman si Sophia na parang natutuwa. Si Nina at Jonathan ay may sariling topic.

"Bakit?" Tanong ni Sophia.

"Injured si Zacarius. Yung PG nila." Sabi ko.

"Hindi, magkakaroon ng try out ngayong hapon kaya cancelled ang klase ng high school. Hindi pwedeng umatras kami. Semi finals na iyon e." Natawa ako. Talagang hahanapan niya ng paraan.

"Try outs?" Nilingon namin si Jonathan na biglang nagsalita.

"Oo, magkakaroon ng try outs. Kailangan namin ng isa pang miyembro para makalaban."

"Gusto kong magtry out." Maligalig na tono ni Jonathan. Tumango tango ako. He can actually.

"Marunong ka?" Nakangiting tanong ni Harvey.

"Hindi lang marunong magaling pa! Varsity yan sa Hawaii. He just came here para mag aral na." Ako na ang sumagot para sa akin pinsan. Lumawak lalo ang ngisi ni Harvey.

"Ayun naman pala eh! I'm sure hindi kami mahihirapan sayo dahil varsity ka noon. Sasabihan ko si coach."

At iyon nga. 2 weeks from now, semi finals na nga. Pumasok si Jonathan sa team matapos ang 5 araw.  Mamayang hapon nga ay may practice game sila.

"Hiningi ni Harvey yung number ko." Napatingin ako bigla sa naguusap na si Sophia at si Nina. Nandito kami sa bahay nila Nina kasi may project kaming ginagawa. Nasa sofa lang ang kuya ni Nina.

"Binigay mo?" Tanong ko. Tumango naman siya.

"Wow! Siya pa talaga nanghingi ah!" Nakangiting sambit ni Nina.

The Playgirl's GameWhere stories live. Discover now