Kabanata 6

488 14 9
                                    

"Hindi ka ba talaga pupunta?"

Nandito ako ngayon sa kanila. Mas minabuti ko nang puntahan siya dito dahil hindi kami makapagusap sa school. Ayaw kong machismis.

Sa Sabado na ang birthday party ni Harvey. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin mapilit si Zac.

"Hindi na.."

Napaismid ako. Naiinis ako sa ginagawa niya. Masyado niyang nilalayo ang sarili niya sa lahat.

"Alam mo, hindi na kita maintindihan. Pinipilit kong unawain ka pero yung pangintindi ko ubos na rin. Una, ayaw mong manood ng game. Pangalawa, ayaw mong magpadoktor. Pangatlo ayaw mong umattend ng birthday party. Ano ba Zac?"

"Ayaw kong manood ng game, oo! Dahil pag nanood ako, pakiramdam ko napakawalang kwenta ko! Ako nakaupo, sila nandoon naglalaro! Oo ayokong pumunta doon sa party dahil ayokong kaawaan nila! Sawang sawa na ko sa mga awang awang mata ng mga studyante sa school! At ayokong magpadoktor kasi natatakot ako! Natatakot ako na baka hindi nako makapaglaro!" Unang beses ko siyang nakitang ganito. Unang beses niya kong sinigawan. Sumibol ang tambol sa dibdib ko ngunit hindi ako nagpasindak.

"Anong gagawin mo? Habang buhay ka na lang ganito? Gusto lang naman kitang intindihin! Gusto kitang unawain! Gusto kitang tulungan!"

"Sino bang nagsabing kailangan ko ng unawa mo? Ng tulong mo? Kaibigan lang kita kaya wag mo kong pangunahan! Sino ka ba para diktahan ako?!"

Kitang kita ko ang galit at lungkot sa mata niya. Namuo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung para iyon sa panghihinayang sa mga pinaggagagawa niya o para sa sarili kong nasaktan sa sinabi niya. Suminghap ako at ngumiti. Nanlaki ang mata niya.

"Oo nga naman. Sino nga bang nagsabing unawain kita? Sino nga bang nagsabing magalala ako para sa'yo? Sorry ha? Kaibigan mo kasi ako. Ang alam ko sa magkakaibigan nagtutulungan." Malamig kong sambit. Humakbang siya papalapit kaya umatras ako. Sinubukan niyang hawakan ang braso ko pero iniwas ko iyon.

"Trish, I-I'm sorry. That's no what I mea-"

"Hindi, tama ka. Wag kang magalala, simula ngayon, hindi na kita papakealaman pa." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Tumakbo ako palabas. Tumulo yung luha ko. Nakasalubong ko pa ang mommy niya pero hindi ko na pinansin. Wala na kong lakas para sumagot ng mga itatanong niya.

Pagdating ko sa bahay ay wala akong ginawa kundi umiyak. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Pagpasok kinabukasan ay wala akong gana. Kung si Harvey ay nandito't masayang kakulitan si Sophia, si Nina naman ay nagaaral lang, ako naman ay walang imik at walang gana. Iniangat ko ang tingin ko kay Harvey.

"Harvey, uh, pinilit ko talaga si Zac pero ayaw niya e. Sorry..." paumanhin ko.

"Ayos lang. Bahala na siya kung ayaw niya."

"Trish, hindi mo ba sasagutin iyang cellphone mo? Kanina pa nagvivibrate." Ani Nina. Sinilip ko iyon at napairap. I turned my phone off. Kanina pa tawag ng tawag si Zac. Kanina ko pa rin iyon hindi pinapansin.

"May problema kayo?" concern na tanong ni Sophia. Umiling na lamang ako at ngumiti.

Pumunta kami sa susunod na klase. Habang naglalakad sa corridor, nagulat ako nung makakasalubong namin si Zac pero hindi ko iyon pinansin.

"Trish, can we ta-"

"Tara na Nina? Baka malate tayo." Pagbabalewala ko kay Zac sabay hatak ko kay Nina.

Nagsimula ang klase. Lutang isip ko. Binabagabag ako ng itsura kanina ni Zac. He looks sad. Pero hindi, ayoko nang mangealam. Di ba nga wala naman daw nagsabing magalala ako para sa kanya?

"Trish...okay ka lang ba? I know...may problem kayo ni Zac." Kami na lang ngayon dito ni Nina sa room. Nauna na si Sophia dahil kasama ni Harvey. Nagliligpit na ako ng gamit pauwi.

"Nagkasagutan kasi kami ni Zac. Masyado ko na yata siyang pinakikialaman." Malungkot kong sabi. Ngumiti si Nina ng malungkot sakin.

"You guys should talk."

Umiling ako't nagkibit balikat.

Natapos ang araw na iyon. Alas dose nung pinauwi na kami dahil may meeting ang faculty. Nagkulong ako sa kwarto ko at nagreview para sa exams. Sinikap kong maging normal kahit alam kong hindi.

Alas otso na nung matapos ako. Pagbaba ko ay nagulat ako dahil hinahalo niya yung kaserola. Nagluluto siya? He turned the stove off.

"Anong meron? Bakit may Morcon?" Natatawa kong tanong. Favorite ko itong Morcon. Kaya ngayong nagluto siya nito ay kagulat gulat.

Nginitian niya ko. Okay, weird?

"Ang weird mo Jonathan! May hihingin kang pabor ano?" Tanong ko. Umiling naman siya.

"Ngayon ka lang ngumiti ngayong araw." Aniya na ikinanormal ng mukha ko. Nawala ang ngiti sa mga labi ko. I sat down and get some rice.

"Kain na.." wika ko. He satbeside me and eat.

"Are you okay?" Tanong ni Jonathan. Okay, bakit ba lahat tingin nila hindi ako okay?

"Baliw ka ba? Syempre naman. Wala namang pr-"

"Zac." Natigilan ako nung binanggit niya ang pangalan ni Zac. Tumaas ang kilay ko.

"A-"

"He's outside. Gusto ka raw niyang makausap. I didn't let him in. I know hindi kayo okay eh. Syempre nasa iyo ang simpatya ko. But I want you to know that he is there outside since 1pm. Pinapauwi ko pero ayaw. Hindi raw siya uuwi hangga't hindi mo nilalabas." Napasapo ako sa noo ko. I know I'm hurt bit I'm not dumb to hurt people back. Tumayo ako.

"Teka lang."

Lumabas ako ng bahay. Nakita ko sa may gate ang isang lalaking nakaupo sa may gutter. Ang tanga niya! Bakit siya- diyos ko, ang lamok lamok!

Napailing ako at umupo sa tabihan niya. Inangat niya ang ulo niya nung naramdaman ako.

"Kumain ka na?" Hindi ko mawari ang sarili kong katangahan rin eh. Talagang siya pa inalala ko?

"Ang gago ko." Napatingin ako sa kanya. Saglit lang iyon at sa mga bituin na ako tumingin. Ramdam ko na siya naman ang tumingin sakin.

Pagtango ang ginawa ko. "Oo naman."

"Trish, please, don't leave me alone? I want to say sorry for saying those things. I just can't admit that I need you. Nadala lang ako kaya ko nasabi iyon. I'm so hurt. Damn hurt." Umiling ako. Kapag nasabi mo na, nasabi mo na. That's why words are the deadliest weapon. You cannot take back what you said.

"Hindi, tanggap ko naman. I'm just no one-"

"No. Hindi ka lang basta basta Trish. Dahil kung basta basta ka lang, you won't affect me this much." Natahimik ako bigla. Affect him? I affected him? Pamilyar na tambol ang sumibol sa dibdib ko. Pakiramadam ko ay hirap akong lumunok dahil sa sinabi niya.

"Tara, kumain ka muna." Tumayo na ko at pumasok sa gate. Nilingon ko si Zac na sumunod sakin.

Pagkabalik ko sa dining ay may extra plate na doon. Nakangising Jonathan ang sumalubong sa amin. Hinampas ko siya.

"Tigilan mo." Seryoso kong sabi.

"Zac! Kain ka." Nakangiting sambit ni Jonathan. Tumabi sa akin si Zac.

"Salamat."

Medyo tahimik sa mesa nung kumakain na. Halos pag nguya ko na lang ang naririnig ko at ang kaluskos ng mga kubyertos.

"Kaunting suyo lang diyan kay Trish wala na tampo niyan! Nililigawan mo ba pinsan ko?" Pinanlakihan ako ng mata sa tanong ni Jonathan. Pakiramdam ko'y namula ang pisngi ko.

"Jonathan! Anong pinagsasasabi mo? He's not courting me! Gago!" Sigaw ko. Bwisit to?

Halakhak ni Zac ang namuo sa tainga ko.

"If I court her, do I stand a chance?"

The Playgirl's Gameजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें