#SMBB_42

1.1K 19 0
                                    

"Sorry nga pala sa nagawa ni Vanessa sayo kanina ah. She's just.... She's drunk"

"No. Don't worry. I get it. She's just being herself. I understand" sabi ni Maddi habang tumitingin saakin "Eh ikaw okay ka lang ba?" sabay hawak sa pasa ko kaya agad naman akong nasaktan at nagpeace sign din sya.

Andito kami ngayon sa sea side para kumain para mahismasan naman ng konti yung pagkalasing netong babaeng toh bago umuwi, strickly prohibited daw kasi yung umuuwing lasing sakanila eh kaya eto. At ginagamot din namin yung mga sugat na natamo namin kanina.

Ginamot ko yung ibang sugat nya, sa kamay dahil natamaan ata sya ng mga bubog kaya nagkaganyan. Grabe para syang nakalmot sa dami ng sugat.

"Patay ka nito sa magulang mo pag nakita nila toh"

"Hmp! Hindi naman nila mapapansin, sa sobrang busy nila aakalain nila yang makeup" sabi nya sabay tawa.

"Makeup? Sa kamay? Abno ang maglalagay ng ganun hahah"

"Grabe ka hahaha. Yung kuya ko nga umuwing bugbog sarado nasabihan ba naman ni mama na 'Ayos makeup mo tol ah' hahaha" natatawang sabi niya.

"As in? Grabe naman bulag ba yang mama mo?"

"Hmm slight lang hahaha de joke. Kaya ayun dinagdagan pa ni mama ng hampas,  kawawa yung kuya ko nun eh.  Hays" sabi nya at tumawa nalang ako. Pagkatapos kong gamutin yung kanya, kumuha sya ng ice pack at dahan dahang nilagay toh sa mukha ko.

"Ako na" sabi ko at kukuhain na sana yung ice pack sakanya kaso bigla nyang nilayo ito.

"No let me. Ako naman kasi ang may kasalanan kung bakit ka nagkaganyan eh. I shouldn't have hugged you and hold your hand" sabi nya at hinayaan ko nalang sya.

"It's just a misundertanding, Maddi. It's okay"

"Patay ka nyan kay vanessa bukas sa office nyo"

Ngumiti nalang ako. Kahit lasing yung babaeng yun, bukas alalang alala pa rin nya yung mga nangyari kanina.

Aish. Patay talaga ako. Paano ko kaya ieexplain sakanya yung nangyari?  Hays.  Ang tindi nyang magselos!  Jusko!

Tapos tumatak pa naman sa isipan ko yung isa sa lines na sinabi nya

"Lasing nga ako pero nakakakita, nakakakilos at NAKAKARAMDAM din ako, puny*ta! Magsama kayo!" 

At pagkatapos nun bigla nalang syang natumba at nakatulog na. Aish, hilig talaga nun magiscandalo,  typical Vanessa.  Hays. 

Maya maya lang hinatid ko na si Maddi sa bahay nila.

"You sure you'll gonna be fine?" tanong nya sabay hawak sa part ng cheek ko na may pasa.

"Yeah. May mas sasakit pa dito kung hindi ito ang ginawa nya"

"Ano? Yung mawala sya sayo?"

"Oo? Haha" sabi ko at nagkatitigan kami bigla. Maya maya lang unti unti ng lumapit yung mukha nya saakin at yung mga kamay nya pumalupot na sa leeg ko.

"Ako nalang kasi" sabi nya pero bago pa magkalapit yung mga labi namin, lumiko na yung ulo ko at pumikit.

"Maddi" sabi ko ng malumanay pero sa totoo lang nagagalit na ako sa ginagawa nya para nyang sinasadya lahat ng nangyayari ngayon.Tinanggal ko yung kamay nya na nakapalupot sa leeg ko, "Gumagabi na"

"Kiel. I'm sorry" sabi nya sabay hawak sa wrisk ko. Tumango nalang ako sabay lakad na papunta sa kotse. Pagpasok ko sa kotse ko nakita ko sya andun pa rin nakatingin. Napailing ako at umalis na kahit hindi pa sya pumapasok.

She's my brat boss [COMPLETED]Where stories live. Discover now