#SMBB_33

1.3K 31 0
                                    

1 month later

Kiel's POV.

"Like duh kuya! Kayo na noh! Jusko" sabi ni Kath sabay ligpit yung mga pinagkainan namin. Umiling nalang ako.

"Grabe silang maglandian Kath daig pa nila kami tapos hindi sila noh? Nako pagsabihan mo nga yang kuya mo" sabi naman ni Cherry sabay tingin saakin ng masama. 

Hay nako itong dalawang ito talaga oh, kahit kailan magkakampi talaga sila. Yung totoo?  Sila ba yung magkapatid?

"Bakit hindi mo pa sya tanungin kuya? "

"Tinamaan nanaman ng pagkatorpe, Kath"

"Tanungin mo na kasi kuya, baka maagawan ka pa nyan eh! Bahala ka tatanda kang binata nyan"

"Hindi rin kasama naman kita eh" sabi ko sa kapatid ko at tumawa naman bigla si Cherry.

"Hoy. Utut mo kuya--"

"Mabango hahahaha" okay ako lang tumawa dun, tiningnan naman nila ako ng parang na nandidiri "Parang yung sainyo ang bango bango ah"

"Sigurado kang sinabi sayo ni Vanessa na gusto ka rin nya?" aba loko tong Cherry ko na toh ah. 

Tumawa silang dalawa. Tumayo naman ako kasi ako ang maghuhugas ng plato ngayon. Nilagyan ang sabon yung kamay ko at pinahid sakanila.

"Kuya naman!"

"BAL!"

"Hindi lang gusto. Mahal nya pa"

"Whatever. Basta hindi ako tatandang dalaga noh!" sabay punas nung sabon na pinahid ko sa mukha nya.

BLAGGG

"I think that's tita na" sabi ni Cherry sabay tayo at dalidali na kaming pumuntang sala. And she's right si nanay nga yun, lasing nanaman.

Hay nako san nanaman kaya toh nanggaling. Binuhat ko na sya papunta sa kwarto nya at sumunod naman yung dalawa.

"Pag umuuwi si tita palaging ganyan"

"Ano pa bang pinagbago?" sabay naming sabi ni Kath. Binaba ko na si nanay sa kama nya sabay ayos ng kanyang buhok nang bigla nyang hawakan yung kamay ko kasunod ay yung mukha ko sabay tap neto

"Walang.... torpe sa pamilya natin nak ah!....... Wag mong simulan na magkaroon ng....dugong torpe...sa pamilyang toh" bumagsak na siya at tuluyan ng nakatulog.  

Natawa naman yung dalawang babae sa may gilid pag tapos sabihin ni nanay yun.  Si nanay talaga hindi ko ba alam kung kanino kampi, paminsan saakin paminsan naman kay Kath.  Yung totoo? 

Minsan nalang nga andito hindi pa kumampi saakin. Hay nako kung ganon sana hindi na sya umuwi ahahha joke lang.

"Ohhh sabi ko sayo torpka kuya eh" pabulong na sabi Kath pero rinig namin.  Tumawa ulit silang dalawa.  Hay nako magsasalita na sana ulit ako kaso bigla bigla naman nagring yung phone ko

"Hello"

[Hi Lucas. Can you and Kath come with us to the mall tomorrow?]

"Uhm sure. Saturday naman eh wala naman sigurong gagawin si Kath. Teka sinong kasama? "

[Me and Vencee. Is it okay?]

"Sige sige. Para naman makalayas din tong si Kath"

[Okie thank you. Bye]

"Bye goodnight" then she end the call. Nung pagkalingon ko sa likod ko nakita ko naman yung dalawa nakangiti ng nakakaloko.

"So may double date kayo bukas? Hindi man lang ako invited" sabi ni Cherry na may papoutpout pang nalalaman.

She's my brat boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon