#SMBB_26

1.3K 35 0
                                    

"Atsu ne i Ezekiel! (Andyan na si Ezekiel)" sigaw nung isa kong kababata.  

Kumaway naman sya saakin at ako din naman tapos nakipagapiran sa iba. Lakas makaartista talaga pag umuuwi ako dito hahaha joke. 

"Grabe kasanting na talaga (Grabe ang gwapo nya talaga)

"Ninu tang abe nang babai? (Sino yung kasama nyang babae?)"

"Syota nya siguro"

"Hpp. Kaluguran ya mu!" 

Rinig kong bulungan ng mga tao ng makarating na kami sa simbahan.

"EZEKIEL!  VANESSA! apinamu dinatang kayu! Bala ku magaala sleeping beauty ke nanaman,Ezekiel eh! Haha (Buti nalang dumating ka! Akala ko magaala sleeping beauty ka nanaman, Ezekiel eh)" bungad agad ni Kaycee pagkakita nya saamin sabay baba ng hagdan.

"Antalu di Cherry? (Asan sila Cherry?)" tanong ko ng nakahawak parin sa kamay ni Vanessa. Mahirap na baka mawala pa toh ang dami kayang tao.  Para tuloy akong may bitbit bitbit na batang paslit.  Hays.

"Tabalu, pota atsu la keng lele lele (Ewan, baka andyan lang sa tabi tabi)" sabi nya at tumingin naman ako sa paligid, hay san kaya yun sumusulpot.

Siguraduhin lang nila silang apat yung magkakasama, naku pagnalaman kong partner partner sila, pagpapartner partner ko rin ang paguumbog sakanila. Mamaya kasi nananching na si Jeremy kay Cherry eh. Tsss, mahirap na.

"Tara, mamasyal tamu (tara, mamasyal tayo)" aya ni Kaycee.  Tumingin naman ako kay Vanessa at ngumiti nalang sya sabay tango.

Nagsimula na kaming maglibot sa buong barangay, hue kahit saan ka ata magpunta dito ang daming tao eh! Dumami na kasi yung nagtitinda eh hay nako. Paano pa kaya bukas kung saan may mga parada na?!. Kaya heto ako ngayon todo hawak sa kamay ni Vanessa, palagi pa naman namamangha at natutulala nalang sa mga bagay na bago sa kanyang mga mata katulad nung mga pagkain, hay nako.

"Eto try mo toh, masarap yan" sabi ko at binigyan sya ng street foods.

"No can do lucas"

"Dali na hindi toh poisonous, swear"

"Eh? What's that ba?"

"Kainin mo muna"sabi ko habang binibigay sakanya yung hawak hawak ko at habang pinipigilan din ang tawa ko, to think na kung ano ang magiging reaction netong babaitang toh kapag nalaman nya yung ano yung kakainin nya hahaha.

"Pag ako namatay, ikaw ang una una kong mumultuhin!" sabi nya sabay kuha ng binibigay ko sakanya.

"Pag ikaw namatay, susunod ako sayo. Wait ka lang" sabi ko sabay kindat sakanya pero umirap lang sya sabay kagat nung binigay ko sakanya.

"Hmm this tastes good. What's this?" ngumiti nalang ako ng nakakaloko at sasabihin na sana kung ano yun kaso may biglang nagsalita...

"Omyg! Mamangan ka nyan, Vanessa? (kumakain ka nyan, Vanessa?) " nagulat naman si Kaycee nung nakita nyang kumakain si Vanessa nang ganun. Napailing nalang ako sabay tawa ng mahina.

Ni hindi nga nya alam kung ano yan eh hahaha.

"Huh?"

"Ay sorry. Kumakain ka nyan? Nice. Paborito ko yan alam mo ba yun?" sabi ni Kaycee na sayang saya hahaha. Kung alam mo lang Kaycee. 

Agad naman syang kumuha ng para sakanya at kumain rin at nagsawsawan pa. Hay nako hindi pa rin sya nagbabago. Kakaiba talaga ang foodtrip nitong babaeng tohh, hays.

"I don't even know what is this but it definitely tastes good" sabi pa nya sabay kagat ulit.

Sige kain pa hahaha tingnan natin kung masasabi mo pang masarap yan pag nalaman mo na kung ano yan.

She's my brat boss [COMPLETED]Where stories live. Discover now